30. Tres Wood 2

122K 2.9K 354
                                    


"Gela sigurado kaba sa gagawin mo?" Hindi nya alam kung pang ilang ulit nang tinanong iyon ni Maelyn sa kanya.

"Sabi ko umuwi ka na diba?"

Nasa bukana sila ng Tres Wood, sa likod ng isang malaking bato.

Umiling ito.

"Dito lang ako Gela. Magtatago ako rito baka kasi dayain ka ni Reina. Baka magdala iyon ng maraming kasama. Atleast pag

nagkaganon makakahingi ako kaagad ng tulong o di kaya ay matatawagan ko kaagad si Dylan."

"Matawagan si Dylan?"

Mukhang nabigla ito sa sinabi. Napatakip pa ito sa bibig.

"Ah...eh."

Binigyan nya ito ng matalim na tingin.

Natataranta naman na nagpaliwanag ito.

"K-kasi Gela hiningi ni Dylan iyong number ko tapos binigay nya iyong number nya. Para daw kapag may nangyari daw o

may nanggulo sayo masabi ko sa kanya."

Another Deja vu.

Tinaasan nya ito ng isang kilay.

"Tell me hindi lang ikaw ang hiningian at binigyan nya ng number tama ba?"

Nanlaki ang mga mata nito bago alanganing tumango.

"O-oo. Pati sina Daniella...ang buong grupo."

Napailing-iling na lang sya sa narinig.

"Binabantayan ka talaga nya Gela."

Eksaktong pagkasabi nuon ni Maelyn ay nakarinig sila ng malakas na pagpreno ng sasakyan.

"Andyan na si Reina." Sabi ni Maelyn na nakatingin sa pababang ng babae.

Wala naman duon ang pansin nya kundi sa van na itim na mabilis ang takbo at papunta kay Reina na nasa labas na.

Mabilis nyang hinablot si Maelyn patago at tinakpan ang bibig nito.

7 armadong lalaki ang lumabas duon at kinaladkad si Reina papasok ng van.

Segundo lang ang lumipas at muling napaandar ng mga ito ang Van papasok ng Tres Woods.

"Shit."

"G-gela ano b-ba iyong n-nangyari?" Bakas ang takot sa tinig na tanong sa kanya ni Maelyn. This is the first time na nakakita ito ng totoong baril at malapitan pa.

Mahigpit nyang hinawakan ang braso nito at hinarap sa kanya.

"Listen Maelyn. Susundan ko sila. 15minutes after na makaalis ako humingi ka ng tulong. Bubuksan ko iyong GPs ng cellphone

ko para ma trace nyo ko, do you understand me?"

"H-hindi pwede G-gela delikado, di mo ba nakita may mga baril si-."

"Im going to be alright! Basta susundin mo ang utos ko magiging okay ang lahat. Call for a help 15 minutes after i gone, bubuksan ko ang GPS ng

cellphone ko para matrace ako. At habang naghihintay ka ng tulong dito ka lang, dont make any sound. Hanggat di mo nakikita

ang dumadating hwag kang lalabas get it?"

Wala itong nagawa kundi ang tumango.

"Good I'm going."

Nabigla sya ng yakapin sya nito.

"Mag-ingat ka Angela."

"Tsss umayos ka nga Maelyn."

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon