Captured

133K 2.8K 115
                                    

"Tired?" tanong ni Dylan kay Angela nang humikab sya habang naglalakad papuntang exit ng fun park .

Inabot na sila ng alas-onse ng gabi.

After kasi ng eksena nila ni Dylan sa restaurant sumakay ulit sila sa mga rides at ngayon lang naisipang umuwi.

Tango ang sagot nya sa tanong nito sabay hilig ang ulo sa braso ng binata.

They're slowly walking habang magkahawak ang kamay.

Mula pa kanina hindi nito sya binibitawan. Pag hindi ito nakahawak sa kamay nya, nakaakbay ito o di kaya ay nakahawak sa bewang nya

Huminto sa paglalakad si Dylan ng makita nito na napapapikit sya habang naglalakad sila.

"Come, Anghel ko." Naramdaman niya ang pag kilos nito and when she opened her eyes nakapasan na sya sa binata.

"You don't need to carry me." She said ngunit muli namang  ipinikit ang mga mata at siniksik ang mukha sa leeg nito.

Hinaplos nito ang tuhod nya.

"Just take a rest."

Naramdaman nya ang muling paglalakad ni Dylan.

Ninamnam nya ang pakiramdam habang pasan sya nito.

Pinigilan nya ang mapaiyak.

After all these years. Hindi sya makapaniwala na ito na ulit si Dylan, si Dylan na kilala nya at si Dylan na nag-aalaga at nagp-protekta sa kanya.

Mas siniksik nya pa ang mukha sa leeg nito ibinaling naman sa kanya ni Dylan ang mukha to kiss the side of her head.

"Is she sleeping?" Kasabay ng tanong na iyon ni Roseth ay ang paghinto ni Dylan sa paglalakad.

"Yeah. Napagod sya sa pamamasyal." Narinig nyang sagot ni Dylan.

"Mukhang nag-enjoy talaga sya."

"Iyon talaga ang plano ko ang mag-enjoy sya. For her na kahit sandali makalimutan nya iyong mga sakit na dinulot ko." Hinaplos nito ang tuhod nya.

Roseth smile. "Hindi ko alam ang kuwento nyo pero as a photographer i have a talent to read people na kina-capture ko sa camera ko. At nang makita ko kayo kanina. I felt that overflowing love na umiikot sa inyo. At nakita ko rin iyon sa mga larawang kinuha ko. That woman love you so much. At kahit sandali ko pa lang syang nakikilala alam kong sya ang tipo ng nagmamahal na handang gawin ang lahat para sa minamahal. Do all the hard things for them. Kung ano man ang ginawa mo sa kanya, i think hindi mo pa man ginagawa ang kasalanan na iyon pinatawad ka na nya."

Roseth is right, kahit paulit-ulit pa syang saktan ni Dylan, sinasadya man nito o hindi pinapatawad nya na ito.

She love this man so much.

"Anyway ibibigay ko lang sana itong mga picture nyo. Inilagay ko narin sa frame."

"Really. Thanks, how much-"?

"No its a gift. Kayo ang isa sa mga pinakamaganda kong kuha. Kaya naman isasali ko sa portfolios ko ang mga larawan nyo, if you don't mind?"

"No not at all."

"Here."

Naramdaman nya na may inabot si Dylan.

"So nice to meet you ulit." Nagpaalam na si Roseth kay Dylan at mayamaya pa naramdaman nya na ang muling paglalakad nito.

Maingat sya nitong binaba sa loob ng sasakyan.

Nang makasakay ito sa driver side naramdaman nya ang pag-ayos nito sa kanya.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon