Napahawak si Angela sa sikmura ng kumalam iyon.
Bumuntunghininga sya at niyakap ang mga tuhod.
Nakaupo sya sa east Garden ng eskuwelahan.
Breaktime.
Kaninang umaga pa sya nagugutom di sya nakapag-almusal dahil puro utos ang ginawa sa kanya ng madrasta at stepsister.
Hindi rin sya binibigyan ng pera ng tita Marita nya at ang pagkain na binigay sa kanya ng Yaya Regina nya ay inagaw naman ng mga klasmeyt nya.
Ilan beses nang nangyayari ang ganon.
Ilan beses na syang nagpapalipas ng gutom.
Pinagmasdan nya ang paruparo na dumapo sa isang pink gumamela.
Kasabay ng pagkalam muli ng sikmura nya ay ang pagtulo muli ng luha nya.
"So you are here." Napaunat sya ng upo ng marinig ang baritonong boses na iyon.
Napatingin sya sa puno ng mangga kung saan nakatayo at nakapamulsa si Dylan.
Dumagundong na naman ang tibok ng puso nya.
Wala sa loob na napahawak sya sa dibdib.
"Pinagtataguan mo ba ako?"
Nanlaki ang mga mata niya.
Hindi nya ito pinagtataguan. Akala nya nga wala ito dahil simula pa kaninang umaga di nya ito nakikita.
Mabilis syang umiling.
"H-hindi."
"Hinintay kita sa Canteen."
"Ha?"
Bakit sya nito hinihintay?
"Naghintay ako pero malapit nang matapos ang break di ka parin dumadating. Pinuntahan kita sa klasroom mo wala ka."
"H-hindi ako nagtatago. Andito lang ako nagpapalipas ng oras."
Nang humakbang papalapit sa kanya ang ang lalaki mas lumakas ang tibok ng puso nya.
Sinabayan pa ng mga paruparo na bigla nalang nyang naramdaman sa sikmura nya.
Naupo ito sa tabi nya.
His shoulder brushing to hers.
Nakasalampak lang sya sa damuhan kaya halos magkadikit na sila. Sa mismong tabi nya kasi umupo ito. Ni hindi ito nagbigay ng space sa pagitan nila.
Nagulat pa sya ng bigla nitong hawakan ang pisngi nya at hinarap ang mukha nya sa mukha nito.
Inches away. Iyan ang pagitan ng mukha nila.
"Umiiyak ka ba?" tanong nito.
Hindi kaagad sya naka sagot.
Natutuliro sya sa lapit nito.
"May nambully na naman ba sayo?"
Hindi parin sya nakasagot.
"Ang bango ng hininga nya."
"Angel." untag nito sa kanya.
"Ha? W-wala." Pagsisinungaling nya sabay iwas ng mga mata.
"Youre lying."
Tumayo ito.
"Okay you dont have to tell me. Malalaman ko rin iyon at humanda sila sakin."
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito.
Napatayo narin sya.
Hinawakan nya ang kamay nito nang umakma itong tatalikod.
"H-huwag na please." She softly said habang nakatingin ng deretso sa mga mata nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/18090643-288-k921858.jpg)
BINABASA MO ANG
His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)
RomanceGood and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pangako rin na matutunan nya na lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga umaapi sa kanya. She promised, but Dyla...