Losing Hope, Broken Promises

162K 3.1K 1.4K
                                    

Brena's Party.

Nakatingin at nakamasid  si Angela kay Dylan na sinasamahan si Brena sa paglapit sa mga bisita.

Nakakapit pa ang babae sa braso ng binata.

Mayaman ang pamilya nina Brena. Kilala sa business world ang lolo nito kaya naman magarbo ang party na ginaganap ngayon.

Naka formal dress ang mga bisita at mga schoolmate nya.

Tanging sya lang ang naka pantalon na may butas sa tuhod at tube blouse na pinatungan nya ng boxer sando.
Kung ihahanay sya sa mga bisita magmumukha syang gate crasher sa party.

But the way na dalhin nya ang sarili at tumayo sa gitna ng party na iyon walang lalaki na hindi napapalingon sa kanya.

Walang lalaking hindi nagtangka na lapitan sya.

Nakailang irap na nga sa kanya si Brena dahil naaagaw nya ang atensyon ng mga tao.

"Dont mind her Brena papansin lang yang stepsis ko. Im sure naiinggit lang yan kasi ang ganda-ganda mo ngayon." Sabi ni Janice kay Brena ng makita nito ang babae na iniirapan sya.

Walang reaksyon syang pinakita kahit gustong gusto nya ng ngisihan ang mga ito.

Hindi nya magawa dahil nangako sya kay Dylan na hindi gagawa ng gulo.

Kaya naman andun lang sya sa isang sulok ng marangyang bakuran nina Brena, sa madilim na parte at nagmamasid.

Wala syang planong pumunta, pero hindi pumayag si Dylan na hindi sya sumama kaya naman heto sya mamatay nasa boredom at sumasakit ang dibdib dahil sa nakikitang sweetness ni Dylan kay Brena.

Mula ng mapanood ni Dylan ang video ng concert nila naramdaman nya ang paglayo nito sa kanya, bagamat di naman pumayag ang binata na mawala sya sa paningin nito.

Alam nyang nalilito ito, naguguluhan.

Hindi sya nagtangkang magpaliwanag.

Matalino si Dylan alam nyang may konklusyon na ito sa lahat. He just confused.

At wala pa din naman syang planong ipaliwanag ang lahat. Hindi pa. Lalo na ngayon.

"Youre face is expressionless pero sigurado akong bugbog sarado na si Reina sa isip mo."

Naialis nya ang paningin kina Dylan at tinignan si Brent.

Tumaas ang sulok ng labi nya ng makita ang ayos nito.

Tulad nya nakapantalon na butas at itm na tshirt ang binata. Pareho silang OP sa okasyon na ito.

"What's bring you here? This is not your kind of party."

Tumayo si Brent sa tabi nya at pinagmasdan ang party. Kumuha ito ng dalawang kopita ng wine sa waitress na dumaan at inabot sa kanya ang isa.

" Hindi ba ako pwedeng magbago ng taste." He said bago uminom ng wine.

Tumaas ang kilay nya at uminom din. Nahagip ng mata nya ang isang babae na nakapang waitress at nags-serve ng pagkain sa mesa ng bawat bisita, tumaas ang kilay nya at tinignan ang lalaki.

"Nag-iba ng taste o may binabantayan?"

Brent smirked to her nang sabihin nya iyon.

"Yeah binabantayan kita, baka kasi mawala ka sa sarili at bigla nalang mag-ala hulk dito."

Inubos nya muna ang laman ng baso nya at sineyasan ang waitress na nakita nya kanina. Sumenyas sya  na magdala ito ng wine.

"Talaga lang ha?" The she hugged her kasabay ng paglapit ng babae at paglingon ni Dylan sa kanila.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon