9. Confusion 2 ♡

130K 3.3K 221
                                    

Enjoy reading.....

*****

Pinunasan ni Angela ang pawis sa noo. Dahilan para maramdaman na naman nya ang pagkirot ng sugat nya.

Nasa rest room sya for girls at sinimulan nya na ang paglalampaso. Kay Quincy sya nagsabi na ngayon nya na sismulan ang punishment.

Habang ginagawa iyon nakaisip na sya ng hundred ways para gantihan si Brena at Reina.

Hindi nya papalampasin ang ginawa ng mga ito.

Nobody messed with Angela and get away with it.

Sa ngayon hahayaan nya na muna na isipin ng mga ito na mananahimik na sya.

Napapikit na sumandal sya sa dingding.

Anak ng tangmilo!

She's so exhausted. Hindi pa nakakabawi ang katawan nya sa puyat. Idagdag pa ang sugat nya na hanggang ngayon ay di pa nya pinapalitan ng benda.

Ito na ang pang-apat na CR na nilinis nya puro pambabae muna. Bukas na ang sa mga lalaki dahil wala sya sa mood na harapin ang mga mangyayari pag naglinis sya duon.

Nang matapos lumabas sya ng CR hawak nya pa ang mop at walis.

Naglakad sya papuntang janitor closet.

Pinagtitinginan sya habang naglalakad.

"Di ba yan yung transferee.

"Oo sya yung kumalaban kay Reina."

"Oo nga at narinig ko rin na binuhusan daw nya ng tubig si Brena. Nalaman ni Dylan kaya ayan pinarusahan sya."

"Naku talagang paparusahan sya nun diba mag syota yung dalawa."

"tsk...tsk kawawa naman."

Kung ano-ano pa ang narinig nya.

May naaawa sa kanya, nagagalit at naiinis.

Sa lahat ng yun wala syang reaksyon.

Mga tsismosa.

Tumahimik lang ang paligid ng biglang lumitaw sa kabilang corridor sina Dylan,Gelo, Brena at Janice.

Magkakasalubong sila. Ang mga estudyante na nandoon tahimik parin, akala mo nanunuod ng shooting at hinihintay kung ano ang mangyayari.

Tinignan sya ng grupo ni Dylan.

Ngumiti ng nakakaasar ang stepsister nyang magaling, habang si Brena ay humawak sa braso ni Dylan na para bang hahablutin nya ito. Si Gelo tinaasan lang siya ng dalawang kilay.

At si Dylan nakatingin lang sa kanya...no hindi pala sa kanya kundi sa nakabenda nyang braso.
Wala syang mabasa sa mukha nito.

Wala rin mabasa sa mukha ni Angela. She just stared with them coldly bago dumeretso ulit sya ng tingin.

Derederetso sya ng lakad. Wala syang planong tumabi at padaanin ang mga ito.

Kung gusto ng mga ito, sila ang tumabi.

Sa mismong gitna sya dumaan duon sa pagitan ni Dylan at Brena.

Napabitaw si Brena sa binata. Kumirot ang nakabenda nyang braso ng tumama iyon sa braso ni Dylan naramdaman pa nga niya na dumugo pa iyon.

Hindi nya iyon pinansin at patuloy lang sa deretsong paglakad.

Nagsinghapan at nabigla naman ang mga estudyante na nakakita ng ginawa nya.

Inaasahan nya na magagalit si Dylan at tatawagin sya.

Ngunit nakarating na sya sa janitor closet walang Dylan na dumating, na ikinasaya nya, she's so tired to deal with him right now.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon