Angela P.O.v
"Again Ms. Fuentebella can you explain what is the act that you did a while ago?" for the 5th time ay tanong ni Mrs. Calubat Lenny, ang Dean ng C.U sakin.
And for the 5th time too, imbes na sagutin ko ang tanong niya nagkibit- balikat ako.
Nasa Dean office kami kasama ang mga kasama ko na tumugtog kanina.
Si Jake, si Clent at Daniela na parehong nakaupo sa tabi ko at mga nakayuko.
Isang buntung hininga naman ang pinakawalan ni Mrs. Calubat I smiled coldly alam ko kanina pa siya naiinis sakin.
Kasama din sa loob ang mga miyembro ng SG, si Dylan na nakaupo sa harap ko. Kanina pa ito hindi nagsasalita basta nakatingin lang siya sa akin. Hindi ako umiiwas sa tingin niya sa tuwing magkakasalubong ang mga mata namin. Binibigyan ko lang din sya ng blankong tingin.
"Ms. Fuentebella alam mong bawal iyang ginawa nyo, may mga nagkla-klaklase pa and hindi man lang kayo humingi ng permission."
"Why? Kung hihingi ba ako ng permission pagbibigyan ba ako?"
"Of course, hindi-"
Pinutol ko sa pagsasalita si Brena, umeepal na naman kasi
"That what's I'm thinking, so why ask? Kung magpaalam man ako o hindi, dito parin ang bagsak namin."
"Stop being sarcastic Fuentebella."
For the first time nagsalita si Dylan and like always simula pa kanina umaga, may inis ang tono nya.
Tinignan lang sya ng asul kong mga mata. Kahit anong klase tingin pa ang ibigay niya. Hindi parin nagbabago ang epekto na binibigay niya sa akin.
"Makakatanggap kayo ng parusa. Ang SG na ang bahala kung ano klase. At ayaw kong mauulit pa ang pangyayaring ito Ms. Fuentebella you're new here, pero nakaka-dalawang offenses kana."
Kibit-balikat lang ang sagot ko kay Ms. Calubat bakit ako mangangako kung di ko naman matutupad. Bagkus ay tumayo ako.
"I'll take all the blame. Pati ng punishment nila sa akin niyo na ibigay." Itinuro ko ng tatlo na napatingin sakin.
Nagulat naman sila, kahit na si Dylan. Maliban kay Gelo na lihim na tumatawa. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ikaw ang tatanggap ng lahat?" Si Quincy.
"Ako ang nakaisip at nagplano at pinilit ko lang sila. Kaya ako ang mananagot."
"Bakit mo nga ginawa?"
Tinignan ko ulit Si Dylan, then I smirked.
"Gusto lang kitang makita ulit,
" Simpleng sagot ko.
Hindi ko mapigilang, matawa ng manlaki ang mga mata ni Brena.
"We're not joking here. " Si Dylan.
"Sino bang nagbibiro?" tuwid ko syang tinignan sa mga mata.
"Ms. Fuentebella. Hindi dahil gusto mong 'magpapansin' sa isang tao gagawa ka na ng gulo." binigyan ng diin ni Brena ang salitang papansin.
"Believe me Brena kung gulo na ang tingin mo sa ginawa ko then baka magulat ka sa mga gulo pa na pwede kong gawin..." i said while smirking.
Bago pa man ito makapagsalita ulit bumaling naman ako sa tatlong nakayuko.
"Kayo siguraduhin nyo na ipapasa nyo yan, dahil kung hindi patay kayo sakin. Ang ayaw ko pa naman ay nauuwi sa wala ang pinaghirapan ko."

BINABASA MO ANG
His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)
RomanceGood and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pangako rin na matutunan nya na lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga umaapi sa kanya. She promised, but Dyla...