Naroon si Ramon Fuentebella looking so handsome in his suit. Si Marita Fuentebela, who looks like a queen in her gown and Janice Fuentebella looking so happy habang nakahawak sa kamay ng mga magulang nito."Why she's not here?" He asked in his self.
Oo. Wala sa portrait na iyon si Angela. Ang alam nya stepdad lang ni Janice si Ramon Fuentebella.
Bakit hindi sinali ng mga ito si Angela?
"Dylan?" naalis ang tingin nya sa larawan at napatingi kay Brena.
"Ano pang ginagawa mo dyan? Let's go."
Ngumiti sya at naglakad papalapit dito.
Kumapit agad ito sa braso nya at sabay silang naglakad papunta sa balkonahe.
Binati sya ng mga kasama. Bago sya naupo.
Lumipas ang ilang sandali busy na sila sa pag-uusap at pagplaplano.
Hanggang sa lumipas ang mga oras at may lumapit na isang matandang babae na kilala nya sa tawag na Nanay Rosa.
"Handa na ang hapunan Ma'am Janice, pinapatawag na po kayo ni Sir at Madam."
Tumango lang si Janice at sinenyasan na umalis ang matanda.
"Kain na tayo guys." Yaya nito.
"Yes tamang-tama kanina pa ako gutom." tuwang tuwang sabi ni Gelo habang tumatayo.
"Kahit kelan ang takaw mo." Si Quincy na hindi pinansin ni Gelo.
"Where's your sister?" tanong nya. Kanina nya pa gustong itanong iyon. Kanina pa ng maramdaman nya na wala si Angela sa bahay.
Nagkibit-balikat si Janice. "I don't know, hindi pa umuuwi iyon. Simula ng ininis nya si Daddy kanina umaga hindi ko pa sya nakikita. Malamang nakikipag-away na naman iyon, o di kaya umiinom or nanlalaki. Duh ewan ko dun." sagot Janice habang pinapatay nito ang laptop.
Mula naman sa pag-inat -inat ay natigilan si Gelo kinuntan nito ng noo si Janice na para bang sinasabi na. "Hindi ganon si Angela."
Hindi iyon nakaligtas sa kanya bagamat hindi nya pinansin, bagkus si Janice ang hinarap nya.
"Umiinom? Nanlalalaki?"
"Yeah, you know, nag b-bar hopping noong nasa London pa nga yan ilan beses na nakulong dahil pumapasok sa bar eh, kahit na underage sya. Minsan nga ng pumunta kami ng London nila daddy at Mommy para mamasyal, pinuntahan namin sya. And you know what nalaman namin na nasa police station sya. Napaaway sa bar at lasing na lasing. Galit na galit si Dad non. Kahit malayo sya puro kahihiyan at sakit ng ulo ang binibigay nya kay Daddy."
Unti-unting nagsalubong ang kilay ni Dylan.
Nakaramdam sya ng galit sa isipin na nakulong si Angela.
Pangalawa dahil nagb-bar ito at umiinom and third naiinis sya kay Janice dahil kung magsalita ito parang walang kakwenta-kwentang tao ang pinag-uusapab nila.
Inilabas nya ang cellphone nya at nagtext kay Angela.
"Where are you?" he texted.
"Grabe ka naman Janice. Malay mo naman nalulungkot si Angela. Di ba mag-isa lang siya sa London baka kaya nag b-bar sya nalulungkot sya na h-homesick." narinig nyang sabi ni Quincy.
Humigpit ang hawak niya sa cp.
Malinaw nya iyong nakita sa isipan nya. Si Angela nasa malayo malungkot at nag-iisa.
"Believe me when you spell trouble it's A-N-G-E-L-A. Dapat nga di na bumalik dito iyon dahil tiyak na magugulo na naman kami."
Bago nya pa masinghalan si Janice, nagsalita na si Brena.
BINABASA MO ANG
His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)
RomanceGood and kind hearted Angela pormised Dylan Santiago na hihintayin nya ang pagbabalik nito. Kasabay ng pangakong iyon ay ang pangako rin na matutunan nya na lumaban at ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga umaapi sa kanya. She promised, but Dyla...