1. The New Student ♡

239K 4.4K 1K
                                    

---salamat sa paggawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---salamat sa paggawa. Works by Ms. Chenie Pobadora

*****
Halos mayanig ang buong kuwarto ni Angela sa malakas na pagpalo niya sa drum.

Nakapikit pa siya at nakasuot ng headset para mapakinggan ng maayos ang musikang binubuo.

Dahil maingay at walang pakialam sa paligid. Hindi niya narinig ang pagpasok at pagsaway sa kanya ng kanyang madrasta na si Marita Alonzo.

Matalim na tinignan ni Marita si Angela nang patuloy parin ito sa pagtugtog. Sa inis lumapit ito at tinanggal sa saksakan ang plug.

Bumalot ang katahimikan sa paligid, hindi kaagad nagmulat ng mga mata o huminto sa pagpalo si Angela, tinapos nya muna hanggang sa huling nota. Bago dahan-dahan na nagmulat ng mga mata.

"Kaya pala napakaingay na naman ng buong mansion naandito ka na naman." Hindi niya ito pinansin.

Tumayo't dumeretso siya sa maliit na ref na nakapuwesto sa kaliwang bahagi ng silid.

Her room is like a small house.

Kumpleto iyon sa lahat ng gamit mula sa refrigerator, maliit na lutuan, hapag kainan at tv set. Sa kabilang bahagi naman ay ang mga musical instrument na ginagamit at tinutogtog niya kapag nasa mood sya. May sarili din sya banyo, and a pink door bedroom na walang sinoman ang nakakapasok kundi siya at ang Nana Rosa nya.

Inis na napangiti si Marita ng hindi siya pansinin ni Angela na ngayon ay umiinom ng juice.

"Napakabastos mo talaga. Kinakausap kita."

Ibinaba naman ni Angela ang bote pinunasan nya ang mga labi sa pamamagitan ng likod ng palad nya, habang tinitignan ang madrasta.

"Can't you read?"

Kahit kelan hindi gusto ni Marita kung paano tumingin ang stepdaughter. Laging blanko at naghahatid ng lamig sa buong katawan nya.

"Anong sinasabi mo?" Tanong niya.

Napailing-iling si Angela bago nagtungo sa pinto at itinuro sa madrasta ang sign na nakasabit roon.

Animals are not Allowed here!

"This. Hindi mo ba ito nabasa?"

Tumaas ang kilay ng madrasta niya. "Nababasa ko."

"Then, why are you here?" naglakad siya papunta sa kabinet at naglabas ng tuwalya.

Nanlaki naman ang mga mata ni Marita nang maintindihan ang ibig sabihin ni Angela.

"You, kahit kelan napakabastos mo!" nagagalit na sabi nito. "What are you doing here? Hindi ba dapat nasa London ka at nag-aaral. Huwag mong sabihin na nagdrop-out ka na naman! Sinasayang mo lang ang pera ng daddy mo palibhasa tamad, batugan at wala kang pakialam."

Napapitlag si Marita ng malakas niyang ibinagsak ang pinto ng kabinet. Walang galit sa mga mata niya pero napaatras parin ito ng humakbang siya ng isang hakbang patungo rito.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon