Sa Huli Ay Tayo

126K 3K 321
                                    

PRESeNT

Marahang pinahid ni Angela ang mata ng maramdaman ang pagtulo ng luha duon.

October 8 ang pinakamasayang petsa sa buhay nya.

Sa lumipas na halos anim na taon kapag dumadating ang petsa na yun naninikip ang dibdib nya. Naalala nya si Dylan... Naalala nya ang lahat, at tuwing naalala nya ang lahat, hindi nya namamalayan  na may tumutulo na palang luha sa mga mata nya.

Tulad ng pagtulo ng luha nya ngayon, tulad ng nararamdaman nya na pamilyar na kirot sa dibdib.

October 8, the date today.

Ang kaibahan nga lang nakikita nya ngayon ang taong nagpaparanas sa kanya ng sakit, ang taong dahilan ng kalungkutan nya...

Si Dylan na nakaupo sa upuan nito at masayang kinakausap ni Brena, they are talking about party.

Brena's birthday party.

Gaganapin iyon mamayang gabi at lahat sila inimbitahan ng babae.

"I hope lahat kayo makadalo matutuwa talaga ako pagnakita ko kayong lahat dun." sabi pa nito kanina.

Tumalim ang mata nya ng makita nyang humawak pa si Brena sa braso ni Dylan.

Then her face become blank ng tumingin sa gawin nya si Dylan.

Kumunot ang noo nito na parang may napansin sa mukha nya.

Ilang minuto na nakipagtitigan sya rito bago nya isinubsob ang ulo sa mesa at pinikit ang mg mata.

Naramdaman nya ang benda na nasa kaliwang braso nya na napaso kahapon.

Kagabi sa bahay sya hinatid ni Dylan dahil nakatanggap sya ng tawag mula sa daddy nya na pinapauwi sya.

Bago sya hinatid ng binata dumaan muna sila sa hospital at pinagamot nito ang mga paso nya.

Nang gabi ding iyon halos itakwil sya ng daddy nya. Galit na galit ito na pinagkibit balikat lang nya.

Para namang natatakot sya na itakwil.

Nagalit ang daddy nya ng sabihin nya iyon kaya isang sampal ang natanggap nya.

Umalis din sya ng gabing iyon.

Hindi dahil naglayas sya kundi dahil may importante syang inasikaso tungkol kay Reina.

Sinalubong sya ng galit na si Dylan sa gate, sinundo pala sya nito sa bahay at nalaman nito na umalis sya kagabi.

Halos kaladkarin nga sya nito papasok ng classroom nila.

"Sa susunod itatali na kita para hindi ka basta basta makakaalis." Sabi pa nito.

Ngumiti sya ng mapait. He said that 30 minutes ago at ngayon nga masayang nakikipag-usap ito kay Brena.

Gusto nyang manapak sa inis.

Kalat narin sa buong university ang nangyari sa Tres Wood at ang pagdadala sa kanya sa kulungan, balik nanaman sa dati ang mga estudyante sa panlilibak sa kanya.

"Gela okay kalang ba?" Tanong sa kanya ng katabi nyang si Maelyn.

Dumeretso sya ng upo sabay diin sa sintido.

Sumasakit ang ulo nya sa dami ng dapat gawin at asikasuhin.

"Gela..." Tawag ulit sa kanya ni Maelyn.

Nilingon nya ito at nabasa nya ang pag-aalala ng kaibigan sa kanya.

"Yeah." Tango nya lang bago kinuha ang cellphone sa bag at binasa ang mensahe duon.

His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon