Kabanata XV

61K 1.6K 694
                                    

The Governor's Decision

"Ms. Yvanna, sino ang sa tingin n'yong may pakana ng nangyari sa inyong pamilya?" tanong ng isang reporter.

"I'm going to release my statement  as soon as I talk with my family about it. For now, let's still focus on the current issues our province is facing. H'wag nating hayaang malihis ang ating atensyon sa mga bagay na dapat ay mas pinagtutuunan natin ng pansin," ani Yvanna at bahagyang ngumiti sa press.

"Ms. Yvanna, paano mo nagagawang magtrabaho pa rin gayong muntik nang malagay sa peligro ang iyong pamilya?" tanong naman ng isang reporter.

"Katulad mo, mayroon akong sinumpaang pangako na haharapin ko lahat basta't alam kong nasa tama ako. Natuto na akong harapin ang mga bagay na alam kong pwede kong kaharapin sa propesyong aking napili. My father was killed because of being a journalist, telling the public about the truth and I will do the same like what he did. Kung dumating ang araw na kaharapin ko ang sinapit ng aking ama, I know that he will also be proud of me because I did the right thing," ani Yvanna.

"Ms. Yvanna, ibig mo bang sabihin na isa sa mga politikong binabangga mo sa iyong trabaho ang may pakana ng nangyari sa iyong pamilya?" mabilis na tanong ng isa pang reporter.

"That's all for today, thank you for coming here," ani Yvanna at pumasok na sa loob ng kanyang opisina.

Maya-maya pa ay sumunod naman si Veronica sa kanya. Nang mag-angat ng tingin si Yvanna, ang kanyang sekretarya ay nakasimangot. "Yvanna please, unahin mo muna ang sarili mo ngayon. Magpahinga ka muna dahil kailangan mo 'yon," halos pagmamaka-awang sabi ni Veronica.

"Don't worry about me, Veronica. I can take care of myself. Ang mahalaga naman sa ngayon, nasa maayos nang lugar ang pamilya ko."

"Paano ka?"

"Paano ako? Wala na akong pakealam kung ano ang mangyari sa akin, Veronica. Hindi ako mapapagod lumaban lalo na't pamilya ko pa ang inagrabyado nila. I will do everything to dethrone all of them, to reveal how dirty they are," mariin at may pagbabantang saad ni Yvanna.

Hindi naman mapigilan ni Veronica ang mag-alala para kay Yvanna. Hindi lang naman boss ang turing niya rito, kung hindi isa ring matalik na kaibigan at kapatid.

"Yvanna, how sure are you that Mr. Leonardo Del Franco was behind your father's death?"

Yvanna suddenly stopped what she was doing. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang hindi nakasagot sa tanong ni Veronica sa kanya gayong mula nang mawala ang ama, alam niyang mga Del Franco ang may pakana noon.

Her father was vocal about his job. Madalas niya itong tinatanong tungkol sa trabaho at iyon ang bonding nilang mag-ama. Madalas ding marinig ni Yvanna ang mga magulang na magtalo tungkol sa trabaho ng kanyang ama. Kaya nang sabihin niyang gusto niya ring maging journalist, hindi naiwasang magtalo sila ng kanyang ina.

Yvanna wanted this. She wanted to continue what her father started.

Veronica breathed heavily. "Yvanna, I don't know what to say anymore, but please, think of yourself too."

"I will, Veronica," Yvanna replied, smiling faintly.

Two days ago, Yvanna's family went in Manila. Mayroon silang bahay roon at alam ni Yvanna na mas ligtas ang mga ito kung wala sila sa Vigo Del Mar. Ang kanyang ina ay nagpumilit na isama siya at nangako naman si Yvanna na susunod kahit na ang totoo ay hindi niya alam kung makakasunod ba talaga siya sa kanyang pamilya.

Yvanna closed her eyes and tried to calm herself. Her life is getting complicated day by day. Nahihirapan na siya at madalas ay gusto na lamang niyang sumuko. Gusto na lamang niyang biglang maglaho at kapag nararamdaman niya 'yon, lagi niyang tinatanong ang kanyang sarili kung para kanino ba niya talaga iyon ginagawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon