Panimula

287K 6.3K 1.7K
                                    

The Governor
Marco Jose

Amoy ng bagong lutong pagkain ang sumalubong kay Yvanna habang pababa siya sa hagdan ng kanilang bahay. This is the reason why she loves mornings so much. She is willing to wake up early to eat breakfast that cooked by her mother. Naririnig na rin niya ang boses ng kanyang mga kapatid at ang sermon ng kanyang ina na nagmumula sa may kusina.

"Werpa talaga luto mo, Ma!" Kumunot ang noo ni Yvanna sa sinabi ng kapatid niyang lalaki. Nakaligo na ito pero hindi pa suot ang puti nitong uniporme. Her brother is currently taking an engineering program at the nearest University. Nasa ikatlong taon na ito sa kolehiyo habang ang bunso naman nilang kapatid ay Grade 11 pa lamang.

"Werpa?" naguguluhang tanong ni Yvanna at inokyupa ang upuan niya. Hindi niya mapigilang maglaway nang makita ang pritong tuyo, tocino, itlog at bagong lutong sinangag sa lamesa. Hindi siya nagsisi na gumising nang maaga para makakain ng ganitong klaseng agahan.

"Pang millennials iyon, Ate. Bawal sa mga tulad mong matanders na," hirit sa kanya ng kapatid.

"Ma oh! Si Hugo nang-aaway!" sigaw niya sa kanyang ina na nasa may kusina lamang, malapit sa hapag kainan.

"Aba lakad at kumuha kayo rito ng kutsilyo! Magsaksakan kayong dalawa! Huwag kayong titigil hangga't walang tumutumba ha!" Napanguso si Yvanna sa sinagot ng kanyang ina. Kahit kailan talaga ay hindi na ito nagbago.

"Lodi talaga si Mama sa mga banat niya." Napataas ang kilay ni Yvanna sa sinabi ng bunso niyang kapatid.

Ano bang nangyayari sa mga kabataan ngayon? Ang alam ko tapos na ang jejemon era ah? Ani Yvanna sa kanyang isip.

"Ikaw nga Ysay itigil mo 'yang kakapanood mo ng mga drama sa internet. Tignan mo at nagagaya ka na sa Kuya mong babaero na walang inatupag kung hindi ang lumandi," sermon niya sa bunsong kapatid. Lumukot naman ang mukha nito dahil sa sinabi niya.

"Ate can you please call me Yvonne? Not Ysay? It doesn't sounds good kaya to my ears. At isa pa, millenial word iyon," maarteng sagot ng kapatid niya sa kanya.

Nilagyan naman niya ng sinangag ang kanyang plato pati na rin ng tuyo at tocino. Sa palagay niya ay maraming news articles ang magagawa niya ngayon dahil sa sarap ng kanyang agahan.

"Eh kung batukan ko kaya kayong dalawa? At tsaka ano ba 'yang werpa at lodi na 'yan? Korean words ba 'yan?"

"Werpa ay pawer, tapos ang lodi ay idol. Oh ayan Ate ha, may natutunan ka na naman sa amin. Minsan kasi mag facebook at twitter ka nang makasabay ka naman sa mundo ng mga millenials. Ano, puro dyaryo na lang ba ang hahawakan mo?"

"Tigil-tigilan niyo nga akong dalawa sa mga pinagsasabi niyo. At hindi ba't sabi ko na huwag kayong masyadong magbababad sa mga social media sites? Puro fake news lang naman ang laman ng mga 'yan at isa pa, mag-aral kayo nang mabuti! Pag-untugin ko kaya ang mga ulo niyo?" ani Yvanna sabay subo sa kutsara niya.

"Ganoon talaga Ate kapag mga petmalu! Kaya ka walang boyfriend eh, old school mo masyado. Kung ako sa'yo mag swipe left and right ka na sa tinder, malay mo may pumatol pa sa'yo." Nagsalubong naman ang mga kilay ni Yvanna sa sinabi ni Hugo.

"Anong petmalu?"

"Malupet!" sabay na sagot ng kanyang mga kapatid.

"Ayan! Ayan! Dyan kayo sa kalokohan mga magagaling!" Lumabas mula sa kusina ang kanyang ina na may dalang dalawang tasa ng kape. Inilagay nito ang isa sa harap ng upuan ng kanyang Tatay at isa para sa sarili.

Nakasanayan na iyong gawin ng kanyang ina simula nang mamatay ang kanyang ama. Her father was a known journalist before. Ilang pulitiko at mga may mabibigat na pangalan sa business ang nabangga ng kanyang ama dahil sa trabaho nito. Her father was brave for fighting them face to face. Kailan man ay hindi natakot ang kanyang ama na isiwalat lahat ng mga umalya at baho ng mga maduduming pulitiko sa kanilang lugar. Ilang beses na rin nalagay sa panganib ang kanilang buhay hanggang sa patayin ang kanilang ama sa harap mismo ng kanilang bahay.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon