Kabanata XIV

32.7K 1.4K 247
                                    

The Truth

"She's already in a stable condition, Ms. Sta. Ana." Yvanna closed her eyes and breathed heavily. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa sinabi ng doktor sa kanya. Kanina pa kasi siya hindi mapakali sa lagay ng kanyang ina at kapatid.

"What about my brother?" she asked worriedly. 

"He's now awake and you can now see him," ani ng doktor.

"Maraming salamat po," ani Yvanna. Bakas sa kanyang boses ang labis na pagod dahil magdamag din siyang gising. Ipinasundo naman ni Yvanna ang bunsong kapatid na si Ysay sa kanyang sekretarya. 

"The nurses will assist you if you need anything else. Sa ngayon, mag-aantay muna tayong gumising ang iyong ina," said the doctor and smiled, assuring her that everything's now okay.

"Marami po talagang salamat sa lahat, doc," ani Yvanna. Nauubusan na siya ng sasabihin at pakiramdam niya ay kahit anong oras ay bigla na lamang siyang tutumba dahil sa stress at pagod.

Nang iwan siya ng doktor, agad niyang tinungo ang kwarto kung nasaan ang kanyang kapatid na lalaki. Nang siya'y pumasok, nadatnan niya itong gising kaya nilapitan niya ito at niyakap.

"Sorry because I wasn't there..." ani Yvanna sa kapatid at hindi napigilan ang sariling umiyak. 

"Ate, don't be sorry," her brother replied. Bumitiw naman si Yvanna sa pagkakayakap sa kapatid at sinuklay ang bagsak nitong buhok.

"Hugo, it's my fault. Kasalanan ko kung bakit kayo nadadamay sa mga gulong pinasok ko."  

"Ate, daplis lang naman. Sa susunod, ako na ang babaril sa kanila," Hugo joked.

"Stop joking, I won't let it happen again," Yvanna assured her brother.

"How's Mama?" tanong ni Hugo.

"She's now okay, don't worry about her. Si Ysay ay kasama ni Veronica."

"Ate ang bahay..." 

Yvanna sighed.

"It will be okay. I already told Veronica to find us a new home. I promise, everything will be okay. It won't happen again," she replied and Hugo just nodded. 

"Pahinga ka lang muna. The doctor told me you can be discharged later." 

"Ikaw, Ate? Magpahinga ka rin. You look really tired." Tipid namang ngumiti si Yvanna. 

"I will," tipid niyang sagot at hinagkan ang kapatid sa noo bago lumabas ng kwarto nito. 

Nabigla naman si Yvanna nang paglabas niya ay si Nikolas ang bumungad sa kanya. Nakasuot ito ng itim na cap at jacket upang hindi makilala. 

"What are you doing here?" mariin niyang tanong sa gobernador.

"Yvanna, please. I'm here to be with you," tugon nito. Nangilid ang luha ni Yvanna sa gilid ng kanyang mga mata pero pinipigilan niya ang sariling muling umiyak. She felt really exhausted but she needed to do something for her family.

"I don't need you, Nikolas," Yvanna said firmly.

"Yvanna..." Lumapit sa kanya ang binata pero lumayo siya.

"Umalis ka na, Nikolas. Pagod na ako, pagod na pagod..."

"I'm just here, Yvanna. Hindi na kita iiwan," tugon sa kanya ng gobernador at bigla na lamang siyang niyakap nito nang mahigpit. 

Para bang bigla na lamang nanghina ang katawan ni Yvanna sa ginawa ni Nikolas. Mas lalo niyang naramdaman ang pagod nang yakapin siya ng binata. His warm body felt comfortable for her.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon