Kabanata VI

106K 4K 609
                                    

Selos

Hindi mapigilang ilibot ni Yvanna ang kanyang paningin sa loob ng kwarto ni Nikolas. Halos perpekto ang pagkakaayos ng bawat gamit sa loob at para bang nasa isa siyang five star hotel dahil sa ganda ng interior design ng kwarto ng binata.

Kulay gray ang pader at puro black & white na portraits ang nakasabit doon. Sa gitna ay mayroong malaking litrato ng binata kaya hindi mapigilan ni Yvanna na titigan iyon at mapangiti.

"It was three years ago, my favorite picture," ani Nikolas mula sa kanyang likuran.

"Gusto ko iyong ngiti mo sa larawang ito. It's genuine and pure," Yvanna commented while looking at the picture, memorizing every part of him.

"Mom was there so I had to smile," saad ni Nikolas. Lumingon naman si Yvanna sa binata at hindi niya mapigilang magulat sa ayos nito.

Wala nang saplot na pang-itaas si Nikolas kaya tumambad kay Yvanna ang maskulado nitong katawan. Oo, nakita na niya ito noon nang maraming beses pero ilang taon na ang lumipas simula nang makita niya itong hubad. Now that Nikolas' body is more defined, Yvanna couldn't help herself to feel aroused. Memories keep coming back, damn it. She thought to herself.

"What?" Kumunot ang noo ni Nikolas dahil hindi makapagsalita si Yvanna at nakatitig lamang ang dalaga sa kanya.

"G-Gumanda lalo ang katawan mo," ani Yvanna. Agad naman siyang nagsisi dahil iyon ang namutawi sa kanyang bibig. Ayaw niyang isipin ni Nikolas na pinagnanasaan niya ang katawan nito.

"I have a mini gym here in my house. Madalas ay naroroon ako kapag gusto kong mapag-isa at maglabas ng sama ng loob. I'll tour you later," seryosong sabi ng Gobernador habang tinatanggal ang sinturon ng kanyang pantalon.

Napako naman ang mga mata ni Yvanna sa binata. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang panoorin ang bawat galaw ng Gobernador. Mula sa pagtanggal ng butones ng suot nitong pantalon, hanggang sa pagpalit nito ng shorts.

Napalunok si Yvanna at napaiwas ng tingin. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng kanyang dugo sa mukha lalo na nang magtama ang kanilang mga mata.

"Do you want to undress me?" nakangising tanong sa kanya ni Nikolas. Muli naman siyang tumingin sa binata at inismiran ito.

"You improve physically and mentally, pero iyang kayabangan mo sa katawan ay hindi pa rin nawawala." Natawa naman si Nikolas sa sinabi niya.

"I'm comfortable everytime I'm with you. Ano ang magagawa ko? Aside from that, are we going to pretend that we didn't made love countless times before? We're not teenagers anymore, Yvanna."

"Ang sabihin mo, mayabang ka lang talaga noon pa man. Palibhasa ay maraming babae ang nahuhumaling sa'yo kaya ganyan ka umasta," ani Yvanna sa Gobernador. Nagsusuot ito ng puting sando kaya labas na labas ang maskuladong braso nito na halatang alagang-alaga sa gym.

Damn, he workouts really well. Ani ng isang malanding boses sa isip niya.

"Come here." Pinalapit naman siya ni Nikolas sa pwesto nito at hindi niya alam kung bakit wala sa sarili siyang lumapit sa binata.

"Dad was telling me to marry a young girl from other political family. I actually know her, she is nice but she isn't my type," kwento nito sa kanya at umupo sa dulo ng kama. Tumabi naman si Yvanna at tahimik na nakinig sa Gobernador.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon