Invitation
"Ate!" Napalingon si Yvanna sa kanyang kapatid nang tawagin nito ang kanyang pangalan.
"Kanina ka pa nakatulala, kulang na lang na laruin mo ang iyong buhok pakulot at ikaw na ikaw na si Sisa," ani ng kanyang kapatid na babae.
Kasalukuyang kumakain sila ng agahan at hindi mawala sa kanyang isip ang mukha ni Nikolas.
She misses him so much but she can't admit it to the governor. Ayaw niyang isipin pa ng binata na mayroon pa siyang nararamdaman para sa kanya. Pero duda siyang hindi ito nakakahalata. Nikolas is smart and observant. Ito na ata ang pinakamatalinong tao na nakilala niya.
"Kung hindi kaya kita bigyan ng allowance?" mataray niyang sagot sa kapatid.
"Si Ate naman, hindi mabiro. Pero Ate alam mo, may napapansin ako kay Kuya Hugo." Napakunot naman sa kuryosidad ang noo ni Yvanna sa sinabi ng kapatid.
"Ano?"
"Ate ito ha, obserbasyon ko lang naman ito, pero napapansin ko kasi na laging may kausap si Kuya sa cellphone niya tuwing gabi kapag dadaan ako sa kwarto niya. Tapos Ate, narinig ko na lalaki ang kausap niya. Minsan, kapag naliligo, kumakanta si Kuya ng Ariana Grande na kanta, tapos napapansin ko lumalaki rin ang pwet niya. Tinitingnan ko nga siya lumakad, medyo may pagkendeng si Kuya Hugo," ani ng kapatid niya. Kunot na kunot naman ang noo niya sa pinagsasabi ng kapatid niya.
"At ano ang gusto mong palabasin ha, Ysay?" Lumabas mula sa kusina ang kanilang Ina na may dalang mug ng kape.
"'Ma, hindi kaya paminta si Kuya? Wala namang problema sa'yo kung tatlo kaming unica hija mo 'di ba?" ani ng kapatid niya.
Natawa naman si Yvanna sa sinabi nito. "Gaga ka talaga, Ysay. At kahit ano pa iyan si Hugo, tanggap ko pa rin naman siya," sagot niya at muling sumubo ng pagkain.
"Eh ano naman kung bading ang kapatid niyo? Ang mahalaga nag-aaral nang mabuti at hindi pariwara iyang si Hugo."
"'Ma, let's call him Alexa kaya? It sounds good, 'di ba?"
"Tigil-tigilan mo nga ako sa kaartehan mo, Ysay at baka hindi kita matantsa at ingudngod ko iyang mukha mo sa plato," iritableng saad ng kanilang ina.
"Grabe ka naman, 'ma! Matanders ka na kasi kaya hindi mo ako gets."
"Hoy, may facebook ako 'no! Gusto mo un-daughter kita?" Humalakhak si Yvanna nang malakas dahil sa sinabi ng kanayang ina.
"Good morning!" Natigilan silang tatlo nang sumulpot si Hugo sa hapagkainan. Nagkatinginan silang tatlo nang maupo si Hugo sa upuan nito.
"Sarap naman ng breakfast!" ngiting-ngiti na sabi ng kanyang kapatid na lalaki.
Bumwelo naman si Yvanna at umayos ng upo. "Hugo, may gusto ka bang sabihin sa amin?"
"Meron, alam niyo na agad?" tugon nito habang puno pa ang kanyang bibig ng pagkain.
"Hugo, tanggap ka naman namin kahit ano ka pa..." Kumunot ang noo ng binata sa sinabi ng kanyang ina.
"Alam ko naman iyon, 'ma."
"Kuya, proud ako sa'yo, alam mo ba iyon? Susuportahan ka namin ni Ate. We will give you tips," ani Ysay at kumindat pa sa kanyang Kuya.
BINABASA MO ANG
The Governor (Del Franco #1)
RomanceNikolas Matteo Del Franco is the eldest son of former Governor Leonardo Del Franco and veteran actress Emilia David. He grew up with people expecting him to be like his father. Lahat ng kanyang gagawin ay pinapanood ng maraming mga mata. He wanted t...