Kabanata V

159K 4.7K 861
                                    

House

"Pwede bang itigil mo na 'tong kahibangan mo, Nikolas? Hindi na tayo mga bata na pwedeng maglaro kahit anong oras."

Pinipigilan ni Yvanna ang umiyak dahil sa sinabi sa kanya ng binata. Ayaw niyang umasa muli sa mga mabubulaklak nitong salita. Minsan na siyang naging biktima ng mga pangako ni Nikolas at hindi na niya hahayaan pang muling maulit iyon.

"Seryoso ako..." sagot pa ng binata sa kanya. Hindi naman napigilang mapatitig sa kanya ni Yvanna kaya nagtama ang kanilang mga mata.

Ilang saglit pa, hindi na nag-aksaya ng oras ang binata at agad na hinagkan si Yvanna. Hindi agad nakakilos si Yvanna nang hagkan siya ni Nikolas. She is having a second thought if she would answer his kiss. She is afraid because someone might see them. Isang malaking gulo ang pwedeng mangyari kapag mayroong nakakita sa kanila. He is the Governor of their province and it is not a joke.

"Damn woman, I miss you..." he whispered between his kisses. Yvanna was slowly drowning to his wet kiss. Kagabi lang sila huling nagkita pero alam niya sa sarili na hinahanap-hanap din ng kanyang katawan ang binata lalo na ang mga mapupusok nitong halik.

"Stop..." pigil niya kay Nikolas. Alam niyang may kahahantungan ang kanilang ginagawa kapag hindi pa sila tumigil.

"Do you want me to stop?" Saglit na tumigil si Nikolas sa ginawa at tumitig sa kanyang mga mata.

"I-I..." Isang pilyong ngiti ang rumehistro sa mukha ng Gobernador.

"I don't want to stop too," ani Nikolas at muling hinalikan si Yvanna. Wala na siyang nagawa pa kung hindi sagutin ang kanyang halik. She misses him a lot. Kahit pa malamig ang pakikitungo niya sa Gobernador, hindi maitatangging hinahanap niya ang init ng katawan nito.

He was her first and last. Wala ng ibang lalaki ang dumaan pa sa buhay niya dahil hindi niya pa rin ito makalimutan hanggang ngayon.

"Sir?" Bigla silang natigil sa ginagawa nang kumatok ang isang bodyguard ni Nikolas sa bintana.

Narinig ni Yvanna ang pagmumura ni Nikolas dahil sa pagkairita. Hindi niya tuloy mapigilang mapangiti dahil sa inasal ng binata.

Bahagyang ibinaba ni Nikolas ang bintana ng sasakyan at sumilip sa labas. "What?"

"Hinahanap na po kayo sa mansyon. You have to meet your father at ten."

"Tell him I'm busy. Tawagin mo rin si Hector at sabihing aalis na kami," ani Nikolas. Wala namang nagawa ang lalaki kung hindi ang sumunod sa sinabi niya.

"Uuwi na ako," saad ni Yvanna. Kumunot naman ang noo ng Gobernador.

"Sino ang may sabing uuwi ka? Isasama kita," mariin nitong tugon. Napanguso si Yvanna dahil umiiral na naman ang pagiging isip bata ni Nikolas.

"Gago ka ba? Alam mong magkakaroon ng malaking gulo kapag mayroong nakakita sa atin na magkasama. Sabihin pa nilang lapit ako nang lapit sa'yo. Excuse me, hindi ka ganoong kagwapo para kabaliwan ko." Umirap si Yvanna at hindi naman napigilang matawa ni Nikolas.

"Damn, I own you..."

"At sino ang may sabing pag mamay-ari mo ako? Walang nagmamay-ari sa akin kung hindi ang sarili ko at-" Hindi na nakatiis si Nikolas at muling siniil ng halik si Yvanna para matigil na ito sa kakadaldal.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon