Kabanata IV

128K 4.8K 594
                                    

Press Conference

Crime rate sa Vigo Del Mar, patuloy ang pagtaas.

Ilang mamamayan ng Vigo Del Mar, naaalarma sa sunod-sunod na patayan.

Turismo sa probinsya ng Vigo Del Mar, patuloy ang pagbaba.

Governor Del Franco, wala pa ring pahayag sa sunod-sunod na krimen sa probinsya.

Mayor Escalante, pinaiimbistigahan ang lumalalang kaso ng krimen sa probinsya.

Vigo Del Mar, hindi na nga ba ligtas?

MARIING napapikit si Yvanna nang mabasa ang mga news headline ng mga newspapers na kanyang hawak. Alam niyang darating ang kanilang probinsya sa ganitong sitwasyon. Pero hindi niya inaasahan na lalabas iyon sa buong Pilipinas.

"Sinasabi ko talaga sa'yo, Nikolas. Kapag wala ka pang ginawa sa mga bagay na 'to, bayag mo lang ang walang latay sa akin," saad ni Yvanna sa kanyang sarili habang marahang hinihilot ang kanyang sentido dahil sa stress na kanyang nararamdaman.

"Yvanna?" Bigla namang pumasok si Veronica sa kanyang opisina dala ang kape na kanyang pinasuyo.

Wala pa siyang maayos na tulog dahil hindi na siya dinalaw pa ng antok nang umalis ang Gobernador sa kanilang bahay kagabi. Ang binata lamang ang laman ng kanyang isip simula pa kaninang umaga at kahit ang kanyang ina ay nagtataka kung bakit mukhang puyat na puyat siya gayong maaga naman siyang umakyat sa kanyang kwarto para matulog.

"Pwede ka namang matulog muna kung pagod na pagod ka talaga," ani Veronica nang mailapag ang tasa ng kape sa kanyang lamesa.

"Sa tingin mo ba ay makakatulog ako kung halos minuto lamang ang pagitan ng mga tawag sa atin dahil sa mga balita ngayon tungkol sa Vigo Del Mar? Isa pa, puro papogi lang ata ang inaatupag ng Gobernador ng probinsyang ito at wala man lang aksyong ginagawa sa mga nangyayari sa paligid," iritableng saad ni Yvanna bago marahang uminom ng kape.

"Kahit naman hindi magpapogi ang Gobernador natin, pogi pa rin." Napairap naman si Yvanna sa isinagot ng kanyang sekretarya.

Napansin niya rin na mayroon pang hawak si Veronica na isang maliit na puting sobre at hindi napigilan ng kanyang pagkamausisa na alamin kung ano iyon.

"Para saan 'yan?"

"Imbitasyon mula sa munisipyo. May press conference na ipinatawag ang Gobernador. Isa tayo sa mga naimbitahan," tugon sa kanya ni Veronica at inilahad ang sobre nitong hawak.

To Yvanna.

Pakiramdam niya ay sinadya ni Nikolas na ipadala iyon sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang pumunta roon. Madalas kasi, nagpapadala na lamang siya ng mga tao kapag may ganoong pagpupulong. Pero ngayon, mas gusto niya na siya mismo ang magpunta.

"I'll go."

Bakas naman sa mukha ni Veronica ang labis na pagkagulat sa sinabi niya.

"Bakit?" tanong niya sa inasal nito.

"Sigurado ka bang pupunta ka? Ano ang masamang hangin ang nalanghap mo at pupunta ka?"

"Ano sa tingin mo ang isusulat ko kung wala ako roon para alamin ang nangyayari sa Vigo Del Mar?" ganti ni Yvanna sa sekretarya.

"Sabi ko nga," ani Veronica at tumahimik.

Bigla namang napatingin si Yvanna sa kanyang cellphone nang nabuhay iyon.

I want to see you later. I miss you already.

Napakagat siya sa ibabang labi dahil doon. Alam niyang kahit hindi nakarehistro sa kanyang cellphone ang numero, kilalang-kilala naman niya kung kanino iyon galing.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon