Kabanata III

124K 5K 713
                                    

Big

Mariing napapikit si Yvanna nang makita ang isang pamilyar na lalaki na balot na balot ng itim na jacket at nakasuot ng itim na cap. She took a deep breath and glanced away.

"Gago talaga," she mumbled indistinctly.

"I heard you." Narinig niya ang tawa ng Gobernador sa kabilang linya.

"Umuwi ka na at matutulog na ako. Wala akong panahon sa mga paandar mo, Nikolas," malamig ang tono ng kanyang boses. Hindi niya napigilang muling sumilip sa labas at naroroon pa rin ang binata na naghihintay sa kanya.

Matagal na panahon na simula nang makita niya si Nikolas sa labas ng kanilang bahay. Laging pumupunta si Nikolas sa kanila noon para dalawin siya, at walang alam ang kanyang ina't mga kapatid. Ganoon naman talaga ang nagagawa ng pag-ibig, susubukan ang lahat para lumigaya.

"Yvanna, please. Magagawa mo ba akong tiisin?" Lihim na napamura si Yvanna sa isip dahil sa sinabi ng Gobernador sa kanya. She hates this, she really hates this side of him.

"Huwag mo akong daanin sa mga ganyan mo, Nikolas. I've already learned my mistakes after loving you."

"Yvanna, I miss you. Ako ba ay hindi mo man lang na-mimiss?"

"Putang ina, Nikolas. Ilang taon na ang lumipas pero ngayon ka lang ulit nagparamdam. Tapos bigla kang magpaparamdam ng ganito? Bakit? Wala na bang kakamot sa kati mo at ako na naman ang nakita mo?" Punong-puno ng hinanakit ang boses ni Yvanna. Gusto niyang sumbatan ang binata pero alam niyang mapapagod lamang siya.

"I won't leave..." Iyon lamang ang isinagot sa kanya ng binata.

"Fine!" sagot niya at agad na ibinaba ang tawag. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga at pinilit na matulog.

Kung iyon ang gusto niya, wala na siyang pakealam pa sa kanya. Alam naman niyang hindi makakatiis ang Gobernador at aalis din iyon. Isa pa, delikado kung mayroong makakita sa kanya at makilala siya.

Muling tumunog ang kanyang telepono pero hindi na niya iyon sinagot pa. Hinayaan niya lamang iyon dahil desidido siya sa kanyang desisyon na huwag babain ang binata.

Halos isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin makatulog si Yvanna. Hindi na rin tumutunog ang kanyang telepono hudyat na hindi na tumatawag pa si Nikolas sa kanya. Muli siyang bumangon para silipin si Nikolas sa labas at laking gulat niya na hanggang ngayon ay naroroon pa rin ang Gobernador.

"Siraulo talaga," inis niyang bulong sa sarili. Ilang minuto siyang nag-isip bago niya napagdesisyunan na bumaba at pagbiyan si Nikolas.

Dumaan muna siya sa kwarto ng kanyang dalawang kapatid at ina para siguraduhin na tulog na tulog na nga ang mga ito. Malaking iskandalo kasi ang pwedeng mangyari kapag nakita ng kanyang pamilya ang Gobernador sa kanilang bahay.

Minsan ay nakukunsensya siya pero mas mabuti nang walang alam ang kanyang pamilya sa kanila ni Nikolas. Alam niya rin kasing magagalit sa kanya ang ina lalo na't malaki ang naging epekto ng pagkawala ng kanyang ama sa kanilang buhay.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanilang gate at agad namang napatayo si Nikolas nang makita siya. Tinanggal ng binata ang suot nitong cap kaya kumunot ang noo ni Yvanna.

"Baka may makakita sa'yo, isuot mo ulit 'yan,"ani Yvanna kahit na iritang-irita kay Nikolas. Ibinalik naman agad nito ang suot na cap.

"You miss me, do you?" Nakita niyang ngumiti si Nikolas at hindi niya mapigilang umiwas ng tingin.

Asshole!

"Huwag makapal ang mukha ha," aniya at umirap. Pinapasok ni Yvanna ang binata sa loob at hinihiling na sana ay huwag magising ang kanyang ina o ang kanyang mga kapatid.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon