Kabanata I

157K 5.7K 1.2K
                                    

Ang Gobernador

Yvanna closed her eyes and breathed heavily. She already knew why the Governor is here. Ang binata lang naman kasi ang laman ng mga artikulong ginagawa niya nitong mga nakaraang Lingo kaya inaasahan na niya ang ganitong konprontasyon. She is known in Vigo Del Mar, at halos lahat ay kilala siya lalo na't ilang mga matutunog na balita na ang kanyang naisulat sa probinsya at buong Pilipinas.

Nitong mga nakaraang buwan, kaliwa't kanan ang patayang nagaganap sa kanilang lugar. Sa likod ng mga patayang ito, droga ang hinihinalang puno't dulo ng lahat batay na rin sa imbestigasyon ng mga pulisya. At first, she thought those were just some unsolved cases but she figured out there's a pattern behind these killings that lead to one family, Del Franco.

Karamihan sa mga napapatay ngayon ay mga taliwas sa pamilya ng mga Del Franco at mayroong kinalaman sa droga. Kaya naisip ni Yvanna na may alam ang kanilang pamilya sa mga patayang nagaganap. Leonordo Del Franco is still powerful kahit pa hindi na ito ang Gobernador ng kanilang probinsya. He was known for being the ruthless Governor of Vigo Del Mar. He was their Governor for almost two decades and his regimen was not smooth as people thought. Maraming media practitioners ang pinatay at nawala sa mga panahong ito ang Gobernador at isa na roon ang ama niya. Isa pa, lahat ng bumabangga sa kanilang pamilya ay hindi nagtatagal. They're using their money and name in very unethical way. Nevertheless, their province became well in his time. Maraming imprastaktura ang naipagawa nito at gumanda rin ang kanilang syudad, pati ang turismo ay lumago dahil sa pagbibigay tuon ng kanilang lokal na gobyerno sa mga natural beaches na mayroon sila.

"They gave us a short notice that he'll go here, Yvanna. Wala naman akong magagawa kung hindi ang pumayag na lang. Sino ba ako para tanggihan ang Gobernador natin?" ani ng kanyang sekretarya.

Yvanna obviously doesn't like this. Her schedule is always fix. Kung mayroon mang gustong makipag-usap sa kanya, lagi iyong nakaschedule. Ayaw na ayaw niya iyong binibigla na lang siya.

"Gago ba sila? Hindi dahil siya ang Gobernador ng Vigo Del Mar, bigla-bigla na lang siyang pupunta rito," nakataas ang kilay niyang sagot sa kanyang sekretarya na ngayon ay nag-aalala na sa sitwasyon.

"Yvanna naman, Gobernador ang pinag-uusapan natin dito. Hindi naman siya kung sinong tao lang..." Alam ng kanyang sekretarya na magkakaroon ng problema kung papairalin ni Yvanna ang ugali niya.

Yvanna inhaled a deep breath to calm herself. Saglit niyang inipon ang lakas ng loob na mayroon siya ngayon bago harapin ang binata.

Dumiretso siya sa kanyang opisina at binuksan iyon. Agad namang sumalubong sa kanya ang matapang na pabango ng Gobernador na marahil ay naipon na sa loob.

His long and sexy back is against her sight.

Napalunok si Yvanna sa nadatnan sa kanyang opisina.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa isang Governor Del Franco sa opisina ko?" Agad na lumingon ang binata sa kanya nang marinig nito ang matapang niyang boses.

Lihim na napamura si Yvanna sa isip nang magtama ang kanilang mga mata pero pilit niyang hindi magpakita ng kahit anong reaksyon sa mukha. Umiwas siya ng tingin at nilagpasan ang binata. Inokyupa niya ang kanyang swivel chair at inilapag sa lamesa ang bag na kanyang dala.

Batid niyang nakatitig sa kanya ang Gobernador at hindi niya mapigilang makaramdam ng matinding kaba.

"Good morning..." Hindi alam ni Yvanna kung bakit naghumerantado ang puso niya sa malalim at namamalat na boses ng binata.

"Tell me why you're here, Nikolas..." Malamig ang tono ng boses ni Yvanna. Muli siyang nag-angat ng tingin sa binata at hindi niya mapigilang mapatitig dito.

The Governor (Del Franco #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon