CHAPTER 3

18 14 8
                                    

Kasalukuyan akong nagpiprito ng sunny-side up egg at hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. In my whole life, ngayon lang ako nakapagprito ng itlog. Ang una kong nilutong itlog, sunog! Eh pano naman kase, ilang beses na akong natalsikan ng mantika at nagkapaso-paso na yung balat ko.

Tapos ngayon ko lang napag-isipan na magsuot ng jacket, face mask, nilagyan ko ng towel yung leeg ko tapos sinuot ko yung sombrero at nagsuot ng gloves. Buti nga ay may gloves akong nakita dito sa aparador ng lababo nila, plastic nga lang pero ayos na'to basta may panangga lang sa mantika.

Para tuloy akong may kulang sa pag-iisip sa sitwasyon ko ngayon.

Nang matapos ko na ang pangatlong itlog ay pinatay ko na ang stove at inihain ang frying pan. Nang hawakan ko ang handle nito ay agad ko naman itong nabitawan dahil sa init nito.

Just great, Deiv! Ang tanga mo! Alam mo na ngang mainit hinawakan mo pa nang walang pot holder.

"Anong niluluto mo?"

"Ay itlog ko!" Napabalikwas ako nang may nagsalita sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay hindi na ako nagulat.

What is she doing here?! Tsaka, saan siya dumaan? Hindi ko naman napansing bumukas yung pinto ah. What an amazing skill she have.

"What the hell! What are you doing here? Ginulat mo 'ko." saad ko.

"Kakain?" It's either a question or a statement.

"Kakain? Bakit, dito ba yung apartment mo?" inis kong tanong sa kaniya at ngumiti lang siya.

Nakita kong may dala siyang plato at inilagay niya ito sa lamesa at umupo siya habang nakangisi pa rin.

This girl is really creeping me out!

"Bakit masama ba? Mas masaya ngang may kasama, eh. 'Di ba?" saad niya at kinuha ko ang platong nilagyan ko ng itlog at inilagay rin sa lamesa.

"Ewan ko sa'yo. Tsaka, saan ka dumaan? Hindi ko naman napansing bumukas yung pintuan ah? Multo ka ba?" I blurted at natawa siya.

"What if I say yes?" she looked at me intently while her naughty smile is visible.

"Syempre hindi ako maniniwala. I don't believe on ghosts and the likes." wika ko at napakagat nalang ako sa gilid ng labi ko.

"By the way, ayos and outfit mo ah! Para kang sasayaw ng hip hop." giit niya at natawa.

So after all, may oras pa talaga siyang insultuhin ako. After all I've been through. Such a brat!

Hindi ko na siya pinansin at hinubad ko na ang mga suot ko at inilagay sa kwarto. Umupo ako kaharap niya at nagsimula nang maghain ng kanin sa aking plato at ganon rin siya. Ang lakas ng loob niyang pumasok lang dito basta-basta.

"Anong ulam mo?" bigla niyang tanong na ikinainis ko.

"Itlog ko," I said nang hindi siya pinapansin habang naglalagay parin ako ng kanin sa aking plato.

"Itlog mo?" dagdag niya pa.

"Yes, itlog ko-" At humalakhak siya nang ubod ng kay lakas.

What the fuck! What am I saying?

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay nagsimula nang kumain.

She chewed loudly. "You sure? Itlog mo?" she continued laughing.

Of all the things I found annoying, having a companion in eating while chewing loudly in a maximum volume is what I hate the most. Why can't just people close their mouths while breaking down foods inside? For me, that simply shows of greediness.

Illusion (Quarantine Series #1)Where stories live. Discover now