EPILOGUE

9 9 14
                                    

"Cous! Nasaan ka na ba?" sigaw ko kay Nikos sa kabilang linya. I am drivin' my car going to our usual stress-reliever place.

The Bar.

Yeah, I'm back to my old life. Isang buwan rin akong nakatira sa apartment na'yun. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawang mabuhay doon. But, being stuck in there was a challenge for me. Kahit papaano ay natuto akong mamuhay nang mag-isa. And that changed me a lot.

Hindi ko alam pero simula nong natapos ang ECQ ay parang naninibago ako. Parang iba yung pakiramdam ko nong umalis ako don sa hotel nayun. It felt like, maraming nangyari sa hotel na yun sa isang buwan na lockdown. Hindi ko lang ma-explain ba't ganon. Basta parang ang dami kong nadaanan doon kahit mag-isa lang naman ako sa partment na'yun.

Basta, ang weird lang.

Sinundo ako ni Nikos kahapon sa hotel at dumiretso muna kami sa kanila para mag-stay muna doon at kaninang umaga ay umuwi na ako sa bahay namin. Nang hindi pa nga ako nakakapasok sa gate ng bahay namin ay agad na akong sinalubong nina mommy at daddy. Panay yung yakap ni mommy sa akin.

I know okay na kami ni mommy pero ang weird niya rin kanina. She asked me if okay na ba ako, kung okay na ba kami ng babae ko. I was thinking kung sinong babae ang tinutukoy niya. I thought it was the girl na kahalikan ko sa kwarto ko. Pero hindi, sabi niya yung babaeng binanggit ko daw sa kaniya nong nasa hotel pa ako. But I don't remember na may binanggit ako sa kaniyang ganoon. She also said that I cried when I asked her about that thing called love. I never ask them about such things kaya nakakagulat lang, baka tumatanda na talaga si mommy.

So yeah, balik na ako sa nakasanayan kong gawin. Syempre, I'm with my great cousin, Nikos. Sa kaniya kaya ako natuto sa mga bagay na'to. But, napansin ko lang sa sarili ko parang hindi ako excited. I don't feel anything special. Masaya lang ako kasi nakauwi na ako. And the hell I care, kahapon nong umalis ako parang ayaw ko munang umalis sa hotel na'yun. Hindi ko alam, pero parang may something sa hotel na'yun o ngayon lang talaga ako napaparanoid.

"Malapit na kami, hintayin mo nalang kami sa labas ng bar." rinig kong sabi niya at ipinark ko ang sasakyan ko sa parking lot.

"Copy that," wika ko at pinatay muna ang makina ng sasakyan ko.

I unfastened my seatbelt and storm out of my car. Nang isarado ko ang pinto ng sasakyan ay napatingin ako sa lugar na matagal ko ring hindi napupuntahan. Back then when I was in that hotel, first day kong nag-stay doon ay talagang inis na inis ako dahil hindi ako sanay na manatili lang sa isang kwarto. Ako yung klaseng lalaki na walang ibang magawa kundi magpakasaya sa buhay niya. Night life, mambabae, uminom kasama ang pinsan ko at marami pa kaya nong time na yun talagang nanibago ako kaya talagang hindi ako makapaniwala sa sarili kong nagawa kong tumira sa apartment nun ng isang buwan at walang kasama.

Pero ngayon, tulad ng sabi ko parang hindi ako excited. Parang napunta lang ako rito kasi niyaya ako ni Nikos.

Baka nawalan lang ako ng gana? Oh, nagbago na ako? Nagbago?

"Insan!" Napalingon ako sa direksyon ni Nikos nang marinig kong sumigaw siya, at kasama niya si Lea. Buti nga lang at hindi sila nagkahiwalay dahil kung sakali man baka nabugbug ko na'to kahapon. Natawa nalang ako sa isip ko nang maalalang umiyak siya nong nag-video call kami. Nag-away sila ni Lea nun kasi hindi siya sumulpot sa date dahil nakalimutan niya, busy sa projects na ginagawa.

Lumapit ako sa kanila at sinalubong naman nila ako.

"Deiv, kumusta?" Nakangiting bati sa akin ni Lea na nakakapit sa bisig ni Nikos. Tinanguan ko si Nikos at tumawa lang ito. Kahit kailan, may topak ang isang 'to eh.

"I'm good. How about you?" I asked then.

"Okay naman ako. Teka, medyo tumaba ka compare nong last kitang nakita. What happened? Marami ba magpakain yung girlfriend mo dun sa hotel?" natatawang sabi ni Lea at nakisabay rin si Nikos.

Illusion (Quarantine Series #1)Where stories live. Discover now