CHAPTER 15

6 8 0
                                    

Everything makes sense now. Lahat ay malinaw na sa akin. Masakit man tanggapin pero yun ang totoo. Pero ang hindi ko maintindihan bakit niya 'to ginawa sa akin?

I never thought that after all, she was the only person who gives mysterious in this hotel at sa akin. Hindi ko inakala na ang babaeng nakilala ko noong alas tres ng madaling araw at ang nagmimisteryoso sa hotel na'to ay iisa.

Hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos na matanggap at maisip ang nangyayari ngayon.

Lahat ng iyon ay isang ilusyon lamang.

The first time I met her was not good and untoward, and I admit that I found her annoying in different way that time. Kaya pala, she's weird sometimes. Minsan iba-iba na yung sinasabi niya at minsan nakakalito ang mga kilos niya.

Maraming beses niyang ipinakita sa akin yun. Hindi ko na nga mabilang sa daliri ko ang mga oras na iyon. I was too insensible to not see those signs that she had shown on me. Siguro naging kampante ako at hindi ko rin naisip na pwede itong mangyari.

But it happened.

Malinaw naman ang lahat sa akin ay may hindi parin ako maintindihan, at yun ay bakit siya nagsinungaling? Bakit niya ako niloko? Bakit ako pa? Ano yung rason?

Hindi ko maipagkakaila na minahal ko na siya. Maikling panahon ko lang siyang nakilala pero natutunan ko siyang mahalin. Funny, right? Isinumpa ko na hindi ko siya mamahalin at siya yung tipo ng babaeng 'di ko magugustuhan. But then again, things happened for a reason. Ang hindi ko lang alam kung ano yung rason kung bakit 'to nangyayari.

Kahit napakaimposible ng makita ko pa siya ulit, ay hindi ako nawawalan ng pagasa. Alam kong babalik siya at sasabihin niya lahat ng dapat niyang sabihin.

Babalik ka... at sasabihin mo sa akin lahat.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sala. Wala ako sa sarili kong kondisyon. Wala akong ibang inisip kundi siya lang. Naghihintay akong dumating siya. Ilang oras na akong nakaupo rito pero wala paring kumakatok sa pinto. I was thinking na baka bigla nalang siyang susulpot na naman kung saan man. At kung mangyari man yun, hindi ako matatakot, dahil alam kong siya yun.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang alas singko na ng hapon. Napagpasiyahan kong buksan ang TV para aliwin ang sarili ko, nang biglang tumunog ang messenger ko.

Nikos is calling.

Hindi ko sana sasagutin pero napindot ko na.

"Hey cous!" sigaw niya habang nakangiti.

Nakatutok lang ako sa TV kahit hindi ko naman iniintindi ang sinasabi ng reporter. Tungkol na naman sa ECQ.

"Hmmm?" tanging sabi ko at nilingon ko siya. Kasalukuyan rin pala siyang nanunuod ng balita.

"Ba't ganiyan ang itsura mo? Hindi ba dapat masaya ka na? Wala na ang ECQ, tapos na. Pwede na kitang sunduin diyan." sabi niya at natulala na lang ako.

Isang buwan na pala. Isang buwan na pero parang ang bilis ng lahat. Parang kailan lang ako napunta rito at nakilala ko siya.

Magiging masaya na ba ako?

"Hmmm." tanging nagawa ko at nang tingnan ko siya ay napangiwi siya. "Oh, ba't ganiyan ang itsura mo?" wika niya at bahagya pang natawa.

Napatingin nalang ako sa malayo.

"Teka, binusted ka no? Ah, kaya pala. Anong nangyari?" sabi niya at sumeryoso ang boses niya. Tiningnan ko siya at tumango na parang sinasabing ikuwento ko ang nangyari.

"Sinabi mo na. Kaya wala na akong sasabihin pa." matuyong boses kong sabi.

"Man, gusto mo sunduin nalang kita diyan ngayon. Ano? Pupuntahan kita agad diyan." he said with an excitement. Alam kong ginagawa niya lang yun para i-cheer ako, pero walang dating yun sakin.

Illusion (Quarantine Series #1)Where stories live. Discover now