CHAPTER 12

5 11 3
                                    

Curiosity is prevailing through my system. Mas naging magulo ang nasa isipan ko. After the night of our date, nagising nalang ako dahil sa liwanag na dumampi sa mukha ko. I winced and covered my face with my hands. Napalingon ako sa tabi ko para gisingin si Joy ay natigil nalang ako nang makitang wala nang tao sa tabi ko.

Hinanap ko siya sa araw na yun, pero buong araw ay hindi ko siya nakita. Ang nasa isip ko ay baka umalis na para magtrabaho. I searched for some pressumable place or specific area of this apartment that she could leave a note that contains a message saying that she's leaving. But I was disappointed for not seeing any one.

Tinawag ko pa siya sa loob ng kwarto maging sa banyo ay pati roon ay hindi ko siya makita. Lumabas agad ako at kumatok sa kabilang kwarto.

"Joy?" I called out. Pinihit ko ang door knob at bumukas naman ito. I stepped inside and my eyes started to trolls over the place. But the room was so silent. Wala akong ibang naririnig kundi ang paghinga ko at bawat hakbang na gawin ko. If my heartbeats timely gets louder, probably pati yun ay maririnig ko. Nilakad ko pa ang salas hangga't nakaharap ko na ang pintuan ng kwarto niya. Pinihit ko ang door knob at agad bumungad sa akin ang puting pader ng kwarto. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kamang pinagtutupi ang comforter at ang mga naka-pile na mga unan. Parang bago lang itong nilinisan.

I roamed my eyes inside the room but also the place is empty and there's no any traces of waste and other things being scattered or being strayed left behind. Wala akong makikitang gamit na nakasabit o nakahilera sa loob. As in, napakalinis at napakaluwag ng kwarto. Lumabas ako at doon ko lang napansin na pati ang salas ay malinis, even the kitchen looks not usual the way it is. Parang hindi na ito ginagamit at wala kang makikitang basa o kalat rito. Inilibot ko pa ang tingin ko. Finding something that could tell me that Joy is living here, pero I found none.

Mula doon ay lumabas ako. I found myself walking down the stairs. Nilakad ko ang hagdanan at agad na tumungo sa receptionist area. Nang makita ako ni Kristelle ay agad naman itong naexcite at ngumiti. I don't care kung anong nangyayari sa kaniya. I don't have time for that things.

"Good morning, sir Deiv. What a nice day to start by just seeing you this early. Ang aga mo naman pong bumisita sa akin." she said as she tackled some strands of her hair back in her ears.

I'm really sorry Kristelle but I don't have time to talk with you. Hindi ko nalang siya pinansin at ngumiti nalang sa kaniya.

"Good morning too. I just wanna ask if nakita mong may dumaan na babaeng naka uniform na pang nurse?" tanong ko at bahagyang nakunot ang noo ni Kristelle. I know what she is going to say.

"Wala po sir Deiv. Teka, wala namang nurse na nakacheck-in rito ah." aniya habang ginagalaw pa ang kaniyang mga kamay sa harapan niya.

"Wala? Imposible, si Joy Fernandez yung sinabi ko sa'yo nong isang araw. Di mo ba siya kilala? I pressume that you should know all of your tenants here. How come at hindi mo siya kilala." I lost control of myself. Hindi ko napansin na medyo lumalakas na iyong boses ko.

"I'm sorry." I apologized at ngumiti lang si Kristelle sa akin na parang nahihiya.

Tumalikod na ako sa kaniya nang hindi nagpaalam. Saan na naman ba nagpunta si Joy? Bakit hindi siya kilala ni Kristelle? What the hell is happening here! Kahit yung apartment niya ay wala siya. At wala akong makitang ni isang gamit na maaring pagmamay-ari niya.

Gusto kong sumigaw para marinig lang ako ni Joy na tinatawag siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Joy is getting weird.

Yun ang nangyari sa araw matapos ang gabing na nagdate kami ni Joy. Ilang araw nadin ang nakalilipas at madalas na nawawala si Joy. Sumusulpot lang siya bigla-bigla at hindi ko nalalaman kung saan siya nanggagaling. She's confusing me. Bakit parang iba na yung kinikilos niya these past few days. May mali ba akong nagawa?

Illusion (Quarantine Series #1)Where stories live. Discover now