The next day, I immediately felt like my head is about to explode from too much hangover. Nahihilong nanatili ako sa aking kama habang hawak-hawak ang kumikirot kong ulo. Limang minuto ang nagdaan bago ako nakagalaw nang maayos.
I got up on my bed and immediately took a bath to refresh my mind. I don't know what happened last night at kung paano ako nakarating sa kwarto ko. Wala akong maalala dahil sa hilo at hindi dahil sa kalasingan.
I suddenly feel refreshed when droplets of water touch my skin. Pinaglaruan ko pa ang mga bula na nabuo sa aking katawan bago nagbanlaw at nagpatuyo ng katawan.
I wear a simple black shirt and jeans and just let my shoulder-length hair stay in its place. College naman na ako kaya ayos lang kahit anong isuot na damit. I'm free to wear any clothes that I want, not to impress but to express myself.
Katulad nitong damit ko, plain at boring kung titignan but behind this shirt is a hidden and precious masterpiece that is curved on my skin.
I stood up in front of the mirror and lifted my shirt so I could have a full view of my art. An eagle tattoo....
It symbolizes freedom, courage, and a very keen eye on the goal. I have this since my first year of college. Sabay kaming lima na nagpatattoo sa kilala naming tattoo artist. I chose the eagle because having the freedom to do what I want is the only thing that I want to achieve.
Hawak-hawak ang ulong bumaba ako sa kwarto at naabutan ang tatay ko na kumakain sa lamesa ng umagahan. Ramdam ko ang tingin niya sa akin pero nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang kusina para uminom ng tubig.
"Saan ka pumunta kagabi?" malalim at seryosong tanong niya.
Napangisi ako sa loob-loob ko. Since when did he start to care about my personal life? He seems to be really concerned about me... but I know him too well.
Hindi ako sumagot at nanatili lang na uminom ng tubig. Mukhang napaiksi ko ang pasensiya niya dahil sunod ko na narinig ang malakas niyang boses at ang muli niyang pagtatanong.
"Kianna, kinakausap kita! Saan ka pumunta kagabi?!"
Dumagundong ang kaniyang boses sa apat na sulok ng bahay at alam kong naririnig na ito mula sa labas. Ang agang balita para sa mga chismosa naming kapitbahay.
"Kasama ko si Lynia," simpleng sagot ko, iniiwasan na mas lalong uminit ang ulo niya.
"Diba sinabi ko sa 'yo layuan mo iyang babaeng 'yan? Wala ng ibang dinulot 'yan sa buhay mo kung 'di gulo at kapahamakan!" galit na utas niya.
Muntik na akong matawa sa kaniyang sinabi. He doesn't have any rights to tell me what to do or to choose who I befriend with. Hindi ko alam kung bakit sobrang init ng dugo niya sa kaibigan ko pero wala akong pakialam.
Trivlynia Lacoste is my friend and nothing can change that. Even him.
"Kaibigan ko si Lynia, wala kayong karapatan na pagbawalan akong kaibiganin siya," malamig kong sagot habang kinukuha ang mga gamit ko.
Nawalan na ako ng ganang kumain ng almusal dahil sa mga salita niya pa lang ay nabubusog na ako.
"Hindi ka na ba talaga nakikinig sa akin ha?"
Saglit kong isinara ang zipper ng bag ko at humarap sa kaniya. I am looking at my father's eyes. I am aware that I resembled his eyes and nose. They always say that I got my face from my father and I've got my mother's beauty and attitude.
Matagal ko ng iwinaksi sa isip ko ang paniniwala nilang 'yon. Simula ng mamatay si mama ni hindi ko na siya pwedeng sambitin sa harapan niya. I know that after all what happened, ako pa rin ang sinisisi niya sa bagay na hindi ko naman ginusto.
BINABASA MO ANG
Depths of Despair (Revision)
General Fiction(Eleutheromania Series #1) Betrayal. Grief. Darkness. Kianna Adira Montreal's only wish is to get free from her life's tumultuous path. Her yearning for freedom from the world she grew up in got stronger as she grew up without receiving her father'...