"So, kumusta lovelife mo? Umaasenso ba?"
Iyon kaagad ang bungad sa akin ng nakangising si Gio pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Tinapik pa nito ang katabing silya para sumenyas na umupo sa kaniyang tabi. I rolled my eyes inwardly at pabiro siyang binangga ng bag ko.
"How's you and Zoe? Break na kayo?" nanunuya kong tanong pabalik na ikinahalakhak niya.
"Not gonna happen. Huwag mo ngang ibahin ang usapan."
Pinagmasdan ko muna ang mga bago kong kaklase na pumapasok sa room. Iba na kasi ang blockmates namin dahil late naayos ang cognate. Program 'to ng course na kinukuha ko kung saan pwedeng pumili na ibang kurso ngunit ganoon pa rin ang mga subjects na itatake.
Gio and I chose PolSci. Si Lynia ay mag-isa sa International Studies habang si Joseph at Zoe ay nasa Crim. Si Laxus naman ay napunta sa English Major.
"Huy," pagtapik nito sa balikat ko. Kaagad ko siyang sinapak sa balikat na natatawa niya lang inilagan.
"Wala ka na roon. Saka ang kapal ng mukha niyong iwanan ako kahapon pagkatapos ko kayong regaluhan. Mga traydor," I hissed jokingly.
Mayabang itong ngumisi at parang tuwang-tuwa pa lalo na asarin ako. Despite him being two years older than me, parang kaedaran ko lang siya kung umakto. I remember the first time we met, inakala ko talaga na suplado ito at hindi namamansin. His strong demeanor shows it and the way he eyed me that time makes my judgement more solid.
Kabaligtaran naman pala nito ang kaniyang totoong ugali. I can't say that he's kind because he used to be in a frat. Palaging nakikipagbasag-ulo at suki ng detention. Doon sila nagkakilala ni Joseph. Parehong takaw sa gulo kaya naging magkaibigan.
Natigil lang naman siya sa pambubugbog nang makilala niya si Zoe. I think he really loves Zoe to the point that he changed for good para lang matanggap ng mga magulang nito.
"Sus, gusto mo naman. I just know he wants to talk to you that time kaya iniwan na namin kayo. The look he just gave you? Inlove siya sa 'yo, Kianna."
"Expert ka na niyan?" natatawa kong tanong.
"Lalake rin ako." He said nonchantly making me raised my brow. Ano naman?
"So?"
Mahina siyang tumawa at timingin sa akin. Naglalaro ang kapilyuhan sa mga mata nito. "So alam ko kung anong nararamdaman niya para sa 'yo."
"Eh itong nararamdaman ko para sa 'yo? Itong kamao ko nararamdaman mo bang tatama sa 'yo mamaya kapag hindi ka pa tumigil? Stop judging him, Gio." Nakaamba na ang kamao ko sa kaniya. He laughed really loudly.
Napatingin pa sa amin ang ibang mga tao sa room na pasimple kong ikinangiwi. Parang wala lang naman sa kaniya 'yon at mas tumawa pa nang malakas ngunit natigil din nang pumasok ang prof.
"Saan ko siya jinudge? I'm just saying the obvious. Ayaw mo lang tanggapin," iiling-iling na bulong nito sa akin na parang pinaparangalan pa ako.
"Kaibigan ko siya lang siya"
Pakiramdam ko ay ayaw niya kay Laxus. Ngayon lang siya nacurious sa lahat ng mga lalakeng nagtry na lumapit sa akin. Maybe because of all the men who tried to make friends with me, he's the only one that I allowed to be.
BINABASA MO ANG
Depths of Despair (Revision)
Ficción General(Eleutheromania Series #1) Betrayal. Grief. Darkness. Kianna Adira Montreal's only wish is to get free from her life's tumultuous path. Her yearning for freedom from the world she grew up in got stronger as she grew up without receiving her father'...