The night is a kaleidoscope of light and darkness. Darkness for those people who were suffering hardships and problems. Light for those people with delight in their hearts.
I went home expecting to see my father's enraged expression, and I'm not wrong as I saw his cold emotion looking at me as I entered our house. I ignored him and was about to enter my room when he aggressively pulled my hand and forced me to face him.
"Ano ba?"
Hindi siya natinag at mas lalo akong pinaharap sa kaniya. His wide-eyed gaze was fixed on me. I can't deny that he is a good looking man even at the age of 47, but I don't want to admit it.
His lips twisted as though he was suppressing his rage before pushing me away.
"Nasaan ka kagabi? Bakit hindi ka umuwi?!" galit nitong tanong sa akin.
I almost jump because of his enraged voice. Hindi naman na ako nagulat na ganito ang ibubungad niya sa akin lalo na at nakita ko kung gaano kagulo ang bahay. Bumaba ang tingin ko sa sahig at nakita ang mga upos ng sigarilyo at bote ng alak.
Nang hindi ako sumagot ay sapilitan niya akong pinaharap sa kaniya.
"Natulog ako sa condo ni Lynia. May tinapos kaming project," sagot ko at pinantayan ang galit niyang mukha.
Kahit naman sabihin ko ang totoo o hindi, magagalit pa rin naman siya. What's the use of being honest anyway when his ears are already closed to hear my reasons?
"Sigurado ka? O baka lumandi ka na naman kasama 'yang mga kaibigan mo? Ipagluto mo ako."
How long can I taste the disappointment in my father's own mouth? Hindi na ba talaga ito matitigil? I'm doing everything I can to be a daughter for him instead of being perfect because I know that would be impossible.
"Aakyat na po ako." I dismissed him before he could even say more. Wala akong lakas para makipag-argumento sa kaniya.
Narinig ko ang malakas na sigaw niya sa pangalan ko pero nagpatuloy ako sa pag-akyat. Agad kong initsa ang aking gamit sa kama at dumiretso sa closet para kumuha ng pampalit.
Maya-maya ay narinig ko ang sunod-sunod at malalakas na pagkatok.
My nervousness was fueled by the loud knock. I'll never forget what he did last time that still left an indelible impression on me. It still fills me with dread and rage for him.
Pinigilan ko ang pamumuo ng kaba sa aking dibdib at dahan-dahan na lumapit sa hamba ng pintuan.
My father's unhappy visage greeted me when I opened the door. I could tell there was going to be a fight between us by the look on his face.
"Diba sinabi ko magluto ka?" sigaw niya. Pinalo niya pa ang pintuan ng malakas at galit akong tinignan.
Hindi ko siya pinansin upang makapagpalit ng damit at masunod na ang gusto niya. Bumuntong-hininga ako dahil walang patutunguhan ang usapang ito kung makikipagtalo pa ako. Iba ang naging dating nito sa kaniya dahil bigla akong napasigaw nang walang sabi niyang hinablot ang buhok ko.
"Tangina ka napakatapang mo talaga ha. Tignan natin tapang mo. Susunod ka sa akin!"
Kinaladkad niya ako pababa habang nakasuot pa ako ng sando. Nanlaban ako pero agad dumapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Napadapa ako kaya ang tuhod ko ang sumadsad sa sapilitan niyang pagbaba sa akin.
"Bitawan mo ako!" malakas na utos ko habang iniinda ang sakit.
Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit habang patuloy niya akong kinakaladkad. Sa tutuusin ay kaya ko siya kaya lamang ayokong magkagulo at magkaroon na naman ng chismisan paukol sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Depths of Despair (Revision)
General Fiction(Eleutheromania Series #1) Betrayal. Grief. Darkness. Kianna Adira Montreal's only wish is to get free from her life's tumultuous path. Her yearning for freedom from the world she grew up in got stronger as she grew up without receiving her father'...