Chapter 3

312 29 9
                                    

Amber eyes. Bloodied lip. Eyes who can see the kindness beneath the cold and ruthless heart. Face of an angel who seems to fly down to see the beauty of an imperfect world.

Sa nanlalabo kong mga mata ay tinitigan ko ang maalikabok at nalalantang bulaklak sa tabi ng kumukupas na kulay ng isang lapida. Halata ang pagkaluma nito sa tanggal na mga pintura na sumasama sa bawat hampas ng hangin.

"Ma."

Just one word, and my voice had already broken. I look up at the sky to stop myself from tearing up. All the memories of her suddenly keep coming back. Lahat ng memoryang itinabi ko kasama siya ay paulit-ulit na gumuguhit sa aking isip.

They all keep telling me that I am a fighter, a survivor of the darkness that seeped into the light of my world, but little do they know that I'm merely adjusting to the new world I've been through in order to keep the memories of her.

I never choose to be like this, ngunit sa kaniyang pagpanaw ang siya ring naging pagbabago ng aking sarili at kung paano ko tignan ang mundong kinagisnan. Sa kung paano rin nagbago ang tingin ng mga tao sa akin dahil iba ako sa kanila. I learned to distance myself and built a barrier, for them not to enter my life that easily and I am fully aware of how they hated to climb through my wall but ended up losing and giving up.

"Miss na kita, ma. Kayo ni Papa," bulong ko kasabay ng munting pagdama ng kirot sa aking dibdib sa huli kong sinambit.

Some people might not understand my words if they don't know the context of them. Baka matawag pa akong baliw sa pagluluksa sa taong buhay pa. Buhay pa si papa, pero ang pagiging ama niya sa akin ang dahilan ng pangungulila ko.

It's the thought that my father is still alive, but he is killing me a million times. Pinapatay sa kaniyang mga pisikal na gawa at paulit-ulit na sinasaksak ng kaniyang matatalim na salita.

I think that one of the reasons why I don't want to feel loved or be surrounded by a lot of people is because I am scared of feeling invalid. I hate to feel like my feelings are valid yet being invalidated, to be compared by other people's struggles just because they think that mine isn't the worst situation to be rebellious.

"Hindi ko na siya maintindihan, ma."

I continued to talk to my mother's grave, telling her the details about my fuck-up life and how I am always striving to survive. Mabuti na nga lang at walang ibang tao sa pwesto ko dahil baka mapagkamalan pa akong baliw na nagsasalita mag-isa. But I also don't care if they see me in this state. Sanay na sanay ako sa mga mapanghusgang mukha.

Ipamulto ko na lang sila sa nanay ko. Napangisi ako sa naisip.

Isang malungkot na ngiti ang huli kong iginawad bago tumayo at umalis. Tinignan ko ang relo na suot at nakitang alas-syete na ng gabi. Bumuntong-hininga ako at pumara na ng jeep upang makauwi.

Pagkadating sa bahay ay bumungad kaagad sa akin ang pigura ng lasing kong ama na kasalukuyang nakahiga sa sofa at may hawak na alak sa kanang kamay. Ibinaba ko ang suot na bag at pumunta sa kaniya.

I was about to get the bottle that he's holding when he slapped my hand and look at me sharply.

"Lasing ka na naman, pa. Nandito na ako."

Mahinahon ang aking pagkakasambit ngunit ang tanging natanggap ko ay ang matalim niyang titig at pagdadabog.

"Bakit ngayon ka lang? Walang sinaing, nagugutom na ako tangina ka!" singhal nito at binato ang bote na hawak.

Depths of Despair (Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon