Chapter 13

222 20 6
                                    

Inlove pa rin kaya siya?

Hindi ko na siya nireplayan dahil naging abala na ako sa trabaho o sadyang inabala ko na lang talaga ang sarili ko para hindi 'yon maisip.

Hindi ko kasi alam kung paano ko sasagutin ang sinabi niyang 'yon. It's a good thing na hindi ko naman sineen ang message niya kaya hindi niya malalaman na nakita ko. I'll just pretend na hindi ko nabasa o nakalimutan kong basahin ang reply niya.

Pero ikinagulat ko ang biglaang pagsulpot niya sa labas ng bar. He's leaning towards his car at nasa akin na kaagad ang tingin na tila kanina pa talaga ako hinihintay.

Mabuti na lang at nauna na si Lynia na umalis dahil paniguradong mas lalala ang kuryosidad niya sa aming dalawa.

"What are you doing here?" panimula kong tanong, gulat pa rin sa biglaan niyang presensya.

"Waiting for you," sagot niya na parang wala lang.

Obviously.

"Bakit?" Wala namang dahilan para sunduin niya ako? Hindi ko naman siya naoffend sa huling text ko sa kaniya?

Unless, tingin niya na naooffend ako?

"Kailangan ba ng rason para puntahan kita?"

Hindi ko mapigilang mapataas ang kilay ko sa sagot niya. Hindi naman tunog mayabang ang pagkakasambit niya pero kakaibang pakiramdam ang nanaig sa akin sa mga oras na ito. Is he playing with me?

"Oo, dahil wala namang tayo, Laxus."

Matapang ko siyang hinarap at ipinahatid sa kaniya ang mga emosyon na gusto kong makita niya.

The thunderous noise of my heart trying to get out of my chest while drowning in his eyes could be heard in the silence of the night. Kung hindi lang sa matapang kong prinsipyo na alamin ang rason niya ay kanina pa ako umalis at hinayaan siya.

Pero ayoko ng maging bulag at patuloy na magbulag-bulagan lalo na at ganito siya, patuloy akong ginugulat sa kaniyang ginagawa.

I am lost for words as I noticed how he continued to watched me with his pair of brown eyes that were the color of the ground caressed by rains as its color that promises to reawaken latent seeds in fledgling plants guided upward by the sun before blossoming into the vivid hues of a new life.

His lips purse firmly, but then ended up biting its lower lip. Tila nagtatalo ang kagutuhan na umamin at manahimik na lang.

"I just want to make sure na safe kang makakauwi. Please, Kianna..." He halted and looked at me. May gusto pa sana siyang sabihin ngunit tinikom niya na ang kaniyang bibig.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman o saan ako mag-uumpisang alamin ang totoo kong nararamdaman. Ang kaniyang pananahimik ang siyang pagwawala ng kalooban ko. Gusto ko mang magtanong ay pinili ko na lang na manahimik at tumango.

He looked surprised yet content when I nodded my head. I can feel the loud beat of my heart, but just like this quiet night, I chose to stay silent and let myself surrender to his pleading voice.

Hanggang sa makasakay ako at nagmamaneho siya ay pareho kaming tahimik. Other people might find this boring, but this kind of boredom brings me peace. Hindi man kami nagsasalita ay pakiramdam ko ay naiintindihan pa rin namin ang isa't-isa.

Depths of Despair (Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon