Chapter 2

2.3K 119 38
                                    

CHAPTER 2
____________
(7 years later..)

Galing ako sa room nang marinig kong idinikit na raw sa bulletin board ang resulta kung sino ang mga nanalo sa quiz bee noong nakaraang araw.

"Siguradong isa ka na naman sa mga nakalista," hula ni Zenon sa likuran ko habang may sipsip na Chuckie.

Napangiti na lang ako dahil sa hiya. Hindi ako sanay sa mga papuri, eh. Saka ayaw ko rin umasa. Malay mo, kahit alam ko ang tamang sagot, iba naman ang ginawa ng kamay ko.

Hindi natin ang alam ang mangyayari.

Kumbaga, expect the unexpected. Actually hindi ko alam paano gawin 'yon.

Maraming taong nagkukumpulan, karamihan ay 'yong mga sumali sa quiz bee noong nakaraan. Sinubukan ko pa rin sumingit at nakita ko nga ang pangalan ko. Pero napasimangot ako nang malamang si Zaphire ang champion sa quiz bee.

Champion: Zaphire Heidimann
1st Place: Maria Alkalde

Narinig ko pa ang bulungan nila na hindi raw nakagugulat na si Zaphire na naman ang pinakamagaling sa lahat. Hindi naman ako disappointed na 1st place ako. Sa katunayan, masaya na ako roon. Pero ang makitang ang manlalait na si Zaphire na naman ang champion?

Nakasasawa na.

Umalis na ako sa masikip na kumpulan ng mga tao at nakita si Zenon na nakangiting naghihintay.

"See, nakalista ka, right?" saad nito saka umismid.

Nakangiting tumango ako sa kaniya.

"At kapatid mo ang champion," mapait kong saad ko saka umismid. Muli kaming nagsimulang maglakad patungo sa canteen.

Doon naman talaga ang pakay namin. Napadaan lang ako sa bulletin board dahil narinig kong nakapaskil na roon ang mga pangalan ng mga nanalo.

"Well, wala tayong magagawa, likas na matalino 'yon, eh," saad ni Zenon saka ito muling sumipsip sa halos walang laman na nitong Chuckie.

Tulad ng laging nangyayari, pasimple na naman itong ninanakawan ng tingin ng mga babae. 'Yong iba nga akala nila may something na raw sa amin.

Hay nako, mga tao talaga oh! Kaya 'yong ibang babae, kahit na gusto lang makipagkaibigan sa lalaki hindi na magawa dahil sa maruruming isip ng ibang tao.

"Matalino ba talaga 'yon?" natatawa kong tanong. "Kasi kung totoong matalino siya, dapat alam niyang mali ang panlalait sa kahit na sino!" naiirita kong singhal.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin nagbabago 'yang Zaphire na 'yan. Ang sarap niyang sunugin talaga nang buhay. Pasalamat siya at mabait akong tao!

Nakalilito talaga.

Kahit na magkahawig sina Zenon at Zaphire, nalilito pa rin talaga ako kung tunay niyang kapatid 'yon. Sina Donya Esperanza at Zenon kasi mabait eh. Hindi sila plastic na tao, mabait talaga.

Hindi tulad ng babaitang 'yon.

"Kahit sino sa amin, hindi rin alam kung bakit nagkagano'n 'yong taong 'yon. Pero Maria, kahit gano'n si Zaphire, kapag naging ka-close mo 'yon, mabait naman," saad nito.

Ilang beses niya nang sinasabi 'yan sa akin sa loob ng maraming taon.

Sinubukan kong maging mabait kay Zaphire. Ilang beses kong tiniis ang panlalait niya. At sa tuwing kailangan niya ng bagay na mayroon naman ako, inaalok ko siya. Pero siya? Puro lang panlalait ang binabalik niya.

Napapagod na ako sa kaniya.

"Nako, 'wag mo na pangaraping magiging ka-close ko ang babae 'yon. Hindi ako nakikihalo sa mga taong laitero't laitera." Saad ko hanggang sa makapasok na kami ni Zenon sa loob ng canteen.

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon