Chapter 25

1.1K 68 1
                                    

CHAPTER 25
______________

Papasok na sana ako sa cafeteria nang makita ko si Zaphire na kasama ang dalawa niyang kaibigang makakapal ang make up.

Agad na nagdesisyon ang mga paa kong umatras upang umalis sa entrance ng cafeteria. Pero nang humarap ako sa likuran, bumungad sa akin si Barbie na nakakunot ang noo.

"Hindi ka ba bibili?" antok pang tanong nito.

Umiling ako habang diretso ang mga matang nakatingin sa kaniya. Marami pa sana akong gustong sabihin sa kaniya nang dumating si Chloe.

Parehas silang may benda. Pero mas marami ang bendang nilagay kay Chloe. Mas visible ang mga pasa nito kaysa kay Barbie.

Nang makita ako nito, agad niya akong inirapan saka ipinulupot ang kaniyang braso sa braso ni Barbie. Kumunot ang noo ko.

Tila ba pinapainggit niya ako.

Pero ni katiting na inggit wala akong naramdaman. Anong akala niya? Aagawin ko kaibigan niya?

"Sabay ka na sa 'min kumain," aya bigla ni Barbie na agad kong inilingan.

Bago ko pa man sabihin ang dahilan, agad ako nitong inakbayan saka iniharap sa entrance ng cafeteria.

Kinabahan ako sa ginawa niya dahil siguradong makikita ako ni Zaphire. Saka baka magkagulo na naman lalo na't ayaw ni Zaphire sa dalawang taong kasama ko ngayon.

"Barbie, 'wag na! May pagkain naman ako sa taas, eh," pinilit kong 'wag ipihalata na nagpa-panic ako at nagmamadaling umalis.

Alam kong sa mga oras na 'to, nakikita na ako ni Zaphire kaya hanggat hindi pa siya lumalapit, gusto ko nang umalis. Ayaw ko ng gulo at panibagong problema.

"It's okay. I'll treat you," saad nito at wala na akong magawa nang paupuin ako nito saka sila nagpunta sa counter.

Mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko dahil nakatingin sa akin si Zaphire. Kahapon ko pa siya iniiwasan. Mamaya, plano ko na ring umuwi kay Ante Pamela dahil tuwing nakikita ko siya, hindi ko maintindihan ang sarili. Bigla ko na lang maaalala ang nasaksihan ko noong nakaraang gabing hinintay ko siyang umuwi.

Umuwi nga siya pero may kasama namang iba at nakipaghalikan pa siya rito. Muling sumikip ang aking dibdib. Pakiramdam ko gustong lumabas ng aking luha.

Bakit ba ako nasasaktan?

"Here's your food, Maria," saad ni Barbie pagkalapag niya ng carbonara sa mesa.

Hinanap ng mata ko si Chloe at nakita ko siyang nakikipagdaldalan sa mga alipores niya sa kabilang table. Mukhang hindi na siya kakain sa table namin ni Barbie dahil narito ako.

"Salamat."

Actually, wala akong ganang kumain ngayon dahil naaalala ko na naman kung paano ni Zaphire hinalikan 'yong lalaki. Siya pa ang gumawa ng first move, ah.

"You're not okay," saad nito.

Katulad ko, hindi pa rin niya ginagalaw ang pagkaing binili niya. Napakagat ako ng labi. Hindi talaga matanggal sa isipan ko ang nasaksihan noong nakaraang gabi.

Ang sakit kasi, eh.

Napatingin ako kay Barbie nang inusog niya ang upuan palapit sa akin. As in malapit sa akin saka umakbay. Sandali akong natigilan hanggang 'yong akbay niya ay naging yakap.

"I'm sad too, I need someone to hug," mahinang saad niya.

Bahagya akong napayuko dahil pinagtitinginan kami ng ibang estudyanteng nasa loob ng cafeteria. Pero tulad ni Barbie, wala akong pakialam ngayon.

Malungkot ako at gusto ko muna iyong mawala. Pinunasan ko agad ang luhang dumulas sa pisngi ko. Huminga ako nang malalim saka niyakap si Barbie.

Bahagyang nawala ang sakit na nararamdaman ko nang gawin ko iyon. Sabay kaming umalis ng cafeteria maubos ang pagkain.

"Pangalawang beses na akong nag-cutting. Siguradong wala na ako sa top five brainy sa buong school," natatawa kong saad na binibigyang diin ang salitang "brainy" habang nasa rooftop.

"That's fine. Hindi ka naman babagsak," saad ng katabi ko saka inisang lagukan ang Yakult na hawak.

"Pero pinangako ko sa sariling mangunguna sa lahat."

Hindi ko naman dapat gugustuhing manguna eh, kaso nakakairita kasi noon si Zaphire kasi lagi niya akong nilalait. Pero ngayon? No'ng makilala ko siya nang kaunti, halos kalimutan ko na ang planong 'yon.

Bored na nakatingin ako sa ulap na makikita mula rito sa rooftop. Malapit nang mag-uwian. Napatingin ako sa kaniya nang may maisip.

"Barbie, pwede bang umuwi na tayo ngayon? Daan tayo sa mansion, may kukunin lang ako."

Habang sinasabi ko ang mga 'yon, parang nababaliw na ako. Parang padalos-dalos ako sa desisyon. Pero ang sakit kasi sa dibdib kapag nakikita ko siya at naaalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Hindi ko na rin nagugustuhan ang nararamdaman ko. Hangga't maaari, ayaw kong lumala ito.

Nagulat ako nang hawakan ni Barbie ang dalawa kong balikat at kunot na kunot ang noo siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Ano bang nangyari?" Concern nitong tanong sa akin.

Naiiyak na napakagat labi ako saka agad siyang niyakap nang mahigpit at humikbi. Hindi ko na alam ang gagawin at hindi ko na kayang itago sa sarili ang nararamdaman. Sinabi ko sa kaniya ang mga nangyari noong nakaraang gabi at ang mga weird na nararamdaman ko pagkatapos no'n.

Pinunasan ko ang mga luhang panay sa pagdulas sa pisngi ko. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga saka tumingala sa langit.

"Matalino ka," saad nito. "Alam kong may naiisip ka na kung ano ang ibigsabihin niyan," dugtong nito dahilan para mapayuko ako at mapakagat ng labi.

Umiling-iling ako saka pinunasan ang mga luhang muli na namang tumatakas. "Ayaw ko nito," warak ang boses na saad ko saka siya tiningnan.

Muli kong ibinalik sa ibaba ang tingin at hinayaan nang tumulo nang tumulo ang mga luha. Nagsimulang lumakas ang mga hikbing nararamdaman ko bago siya niyakap.

"D'you want me to help you?" tanong nito sa isang mahinang paraan.

Lumayo ako nang kaunti sa kaniya para makita ko siya at tumango. "Paano?" Pinunasan ko ang mga luha ko ngunit kumalat lang ito.

Huminga muna siya nang malalim saka niya inayos ang magulo kong buhok. "I'll make you fall for me," sagot nito na ikinaawang ng labi ko.

Umiling ako agad sa kaniya. "Gusto ko lang bumalik sa dati ang lahat. 'Yong-"

"'Yong hindi ka in love kahit kanino?" putol nito sa sasabihin ko.

Tumango ako.

Umiling ito. "Hanggat walang pumapalit, hindi aalis 'yang pagmamahal mo para sa kaniya," saad nito. "I'll not force you, Maria. But I hope that you'll give me a chance to prove you that I'm damn into you," may halong pagmamakaawang saad nito sa akin. "Anyway, we have to go now. Sabi mo gusto mong umuwi, right?" tanong nito bago ako hinila pababa ng rooftop.

Ako naman, lutang na nagpahila sa kaniya.

_________

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon