Chapter 21

1.3K 75 12
                                    

CHAPTER 21
______________

Gusto ko pa sanang magpaliwanag sa kaniya pero nakita naming ibinato nito nang malakas ang cellphone dahilan para maputol ang linya.

Umawang ang labi ko.

Parang ayaw ko munang umuwi dahil baka bigla na lang akong isugod sa hospital.

Napatingin ako kay Barbie na huminga nang malalim saka inihiga ang ulo sa sandalan ng sofa. Mahina niyang hinagis ang phone sa mesang babasagin kaya medyo ngumiwi ako.

Gano'n ba talaga kapag mayaman? Basta-basta na lang tinatapon ang phone?

"Sasamahan kita sa pag-uwi mo mamaya," mahinang saad nito dahilan para mas mataranta ako.

"'Wag na! Mag-away pa kayo ro'n eh," mag-aalala kong tanggi.

Unti-unti siyang bumangon mula sa pagkakasandal sa sofa saka tumayo. Walang salitang sinenyasan niya akong sumunod sa kaniya.

Namimisteryohan tuloy ako sa babaeng 'to.

Napipilitang sumunod ako sa kaniya.

Hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang matinding kaba kaya halos matumba na ako nang magsimula akong maglakad. Mahirap talaga kapag inubos mo ang pasensiya ni Zaphire.

Ilang sandali pa, namalayan ko na lang na kanina pa kami akyat nang akyat sa hagdanan. Ilang floor na siguro ang nalagpasan namin.

"May ending ba 'tong hagdanan na 'to?" sarkastikong tanong ko.

Hindi ito sumagot kaya pakiramdam ko napahiya ako. Bakit hindi niya ako kinakausap ngayon? Natatakot din kaya siya kay Zaphire tulad ko?

Para kasing sinindihang bomba si Zaphire kanina at kaunti na lang sasabog na siya.

O baka sumabog na 'yon ngayon?

Malakas na bumuntong hininga ako nang sa wakas ay huminto na kami sa pag-akyat ng hagdanan. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa hallway.

Pagod na akong maglakad lalo na't walang kumakausap sa akin. Hindi ako sanay na wala masyadong kausap, eh.

"Bakit kasi hindi ka nagpagawa ng elevator?" naiinis kong bulong habang sa kabilang banda, pinupuri ko na naman kung gaano kaganda ang bahay nang manikang 'to.

"Takot ako sa elevator."

Napatigil ako.  Hindi ko inaasahan ang isasagot nito.

Isang martial artist na takot sa elevator? Tumango na lang ako kahit na gusto kong ngumisi.

Ilang sandali, nasa harapan na kami ng isang plain white na pader. Humalukipkip ako. Anong gagawin namin sa harap ng pader?

Pero umawang ang labi ko nang itaas niya ang kaniyang braso saka pinindot ang pader na tila isang touchscreen na cellphone.

Kasabay ng pagpindot niya ay ang paglabas ng mga asul na ilaw. Bawat ilaw ay may iba't-ibang numerong nakalagay.

Grabe, hi-tech ang bahay na 'to. Parang pang-2030 na.

Hindi nagtagal ay nahati sa dalawa ang plain white na pader saka ito bumukas. Kita ko mula sa labas ang pang-gamer na kwarto. Medyo madilim pero may mga makikita kang mga ilaw sa upuan, sa kama,  mesa, ceiling at sa iba pang furniture.
Pero hindi kulay puti ang ilaw. May green at may red. Bihira lang ang blue.

Hindi ko tipo ang ganitong kwarto pero astig itong tingnan.

May kinapa siya sa gilid ng pader bago bumukas ang puting ilaw. Medyo napapikit pa ako dahil nakasisilaw ang malakas nitong liwanag hanggang sa nasanay ako.

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon