Chapter 42

1.1K 65 15
                                    

CHAPTER 42
______________

Sabay kaming pumasok sa gate ng mansion na kusang binuksan ng mga guard para sa amin. Tahimik na sabay kaming naglakad patungo sa living room. Saktong pagkarating namin, nakita namin si Zaphire na may kausap na isang babaeng kasing tanda ni Donya Esperanza.

Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng expresiyon ni Zaphire nang makita niya kami ni Barbie. Alam kong kahit inamin niya nang mabait talaga 'tong katabi ko, hindi niya pa rin ito gusto.

"Okay po. Thanks," saad ni Zaphire sa matanda kasabay ng pagtango.

Tumango at matipid na ngumiti ang matandang babae sa kaniya saka amin bumaling ang tingin nito. Saglit niya lang akong binalingan ng tingin dahil agad na napukaw ng katabi ko ang atensiyon niya. Nakakunot ang noo nito kay Barbie, kinikilala ito.

Ilang sandali pa, nanlaki ang mga mata nito saka malawak ang ngiting lumapit kay Barbie.

"Oh my, Barbs iha! Ang laki mo na rin!" masayang bulalas ng matanda saka ito yumakap.

Lumayo na lang muna ako sa kanila at saka lumapit nang bahagya kay Zaphire na abala ngayon sa pagtitipa sa kaniyang phone.

"Uhm, sasabay sana a—"

"No, sa 'kin ka sasabay, if you want, isama mo na siya," pagtutukoy nito kay Barbie na masayang kinakausap ang matandang babae.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya at kay Barbie na kasalukuyang nagpapaalam sa matandang paalis na.

"Zap, sweetie, I'll go home na, bye!" paalam nito saka saglit na kumaway.

Hindi ito pinansin ni Zaphire pero mukhang sanay naman na 'yong matanda dahil natawa na lang ito at iiling-iling na umalis. Lumapit nang kaunti sa amin si Barbie kaya naisipan kong sabihin na sa kaniyang sa amin na siya sumabay. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat nito pero hindi na ito nagsalita pa.

Naghanda na lang kaming tatlo para sa gaganaping graduation mamaya.

...

"Mauna na kayo sa loob, may gagawin lang ako," seryosong saad ni Zaphire nang maiparada niya ang sasakiyan sa parking lot.

Naunang bumaba si Barbie at sinenyasan kong mauna muna sa loob. Gusto ko kasing makausap 'tong babaeng 'to tungkol sa sinabi niya sa akin sa swimming pool.

Tinaasan ako nito ng kilay dahil hindi pa rin ako bumababa. Huminga ako nang malalim saka nagsimulang magsalita.

"Tungkol sa ano, sa... 'yong ano, sa swimming pool," naguguluhang saad ko at nahihiyang napakagat-labi.

Gusto kong sabihin sa kaniya na parehas lang kami ng nararamdaman pero hindi pwedeng maging kami dahil malayo na ako sa kaniya.

Ayaw ko ng LDR, eh.

Oo na, ako ang maarte!

"Oh, about that, forget it," natatawang saad nito saka sumenyas na bumaba na.

Para pa siyang nagmamadali.

Nasaktan ako sa ginawa niya pero naiintindihan ko. Siguro nasaktan siya sa hindi ko pagsagot sa kaniya noong nasa swimming pool kami.

Tumango-tangong pinigilan ko ang luha bumaba dahil sayang ang make up. Napalunok ako saka tuluyang isinara ang pinto ng kotse.

Agad namang umandar ang kotse nito patungo sa dapat nitong pwesto. Hindi ko na siya hinintay na bumaba. Lutang na nagtungo na lang ako sa gymnasium at doon ko nakita ang napakaraming estudyante kasama ang mga magulang nila. Ilang oras na ang lumilipas, kung ano-ano na ang mga nangyari na hindi ko na napagtuunan ng pansin dahil sa kaiisip ko kay Zaphire.

Parang gusto kong tanungin niya ulit ako. Parang gusto kong ibalik 'yong oras noong nasa swimming pool pa kaming dalawa. Umakyat na ako sa stage, sinabitan na ako ng mga medalya ni Ante Pamela, lumilipad pa rin ang isip ko kay Zaphire.

Natapos na ang kasiyahan sa school, si Zaphire pa rin ang iniisip ko. Nakatingin ako kay Ante Pamela dahil gusto kong sabihin sa kaniya ang nararamdaman. Pero masaya pa siya at ayaw kong masira 'yon.

Nakasimangot na nagtungo kami ni Ante Pamela sa parking lot na walang kotse dahil nagsiuwian na ang iba. Ang iba naman nagpasiyang gumala.

"Maria, ba't ang haba ng nguso mo riyan, ha?" tanong ni Ante Pamela.

Nakakainis, wala na rito ang kotse ni Zaphire kaya alam kong umuwi na 'yon. Nakakainis talaga.

Ang bigat tuloy ng dibdib ko. Imbis na masaya ako, ang lungkot ko. Dapat masaya ako dahil naka-graduate ako eh, pero bakit hindi?

Dahil lang kay Zaphire nagkakagan'to ako?

Hindi ko nasagot ang tanong ni Ante Pamela at patuloy lang ako sa paglalakad nang biglang may nagbigay sa akin ng maraming rosas na tinanggalan ng tinik.

Nakakunot-noong tumingin ako sa babaeng nahihiyang umalis. Sa pagkakaalam ko nasa 3rd year pa lang 'yon. Sunod ay may nagbigay sa akin ng heart-shaped na chocolate. May iba pang nag-abot ng fake flowers at pictures ko noong bata pa ako.

Napakunot-noo ako. Puro mga stolen shots ito kung saan malapit na akong bumahing, madudulas, 'yong iba naman humihikab. Ang sasama ng mga pictures!

Gusto ko silang tanungin pero susubukan ko palang umiiwas agad ng tingin at umaalis.

"Ano 'yan, Maria? Ba't mukha ka namang pinabayaang bata riyan?" hindi makapaniwalang bulalas ni Ante Pamela lalo na nang makita 'yong picture kong parang gutom na kumakain ng Red Ribbon cake.

Nahihiyang itinago ko ang mga 'yon.

Ilang sandali, may nagbigay kay Ante Pamela ng maliit at cute na paso na may nakalagay na fake na halaman. May nag-abot din sa kaniya ng picture frame habang natutulog siya sa kwarto niya.

Kumunot ang noo ko. Bakit 'yon pa ang picture?

Maya-maya, isa-isa nang may nagbibigay sa akin ng mga papel na may drawing. Puro mukha ko ang naroon.

Nagsusulat, nagre-review, natutulog, o kaya ay nagdo-drawing din. Umawang ang labi ko, isa roon ay nakita ko na noon. Napalunok at tumibok nang mabilis ang puso ko dahil isa lang ang naiisip kong pwedeng gumawa nito.

Ilang sandali pa, biglang may tumunog saka may boses na hindi kaaya-ayang pakinggan ang kunanta. 'Yong tipong unang kanta mo pa lang out ka na agad.

Napakagat ako ng labi nang makita si Zaphire na pulang-pula habang naglalakad para mas makita ko siya nang tuluyan.

"Ikaw ang binibini na ninanais ko, binibining marikit na dalangin ko. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa buhay ko, sana nga ay panghabang buhay na ito," kanta niya.

Halatang wala siyang talent sa pagkanta. Tapos hindi pa niya kabisado ang lyrics. Hindi ko tuloy mapigilang matawa.

"Oh, Maria Alkalde ko, sayo'y hibang na 'to... a— hindi ko na alam ang lyrics pero," huminga siya nang malalim. Hindi alintana ang mga taong nagpipigil ng tawa pero at the same time ay kinikilig din.

Tumingin siya kay Ante Pamela habang naglalakad palapit sa amin.

"Tita, gusto ko po sanang itanan si Maria. Oo o hindi, wala na kayong magagawa," seryosong saad nito pero namumula pa rin ang kaniyang mukha.

__________

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon