Chapter 35

1.1K 63 7
                                    

CHAPTER 35
_____________

Sakastikong natawa si Zaphire. "And you believed that? Come on, maraming pwedeng ipang-edit sa mga videos ngayon," saad nito na tila wala lang sa kaniya ang mga narinig.

Huminga nang malalim si Zenon at narinig ko ang mga yabag nito. Nataranta pa ako dahil akala ko ay naglalakad ito patungo sa direksiyon ko.

"Zap, make sure na hindi talaga ikaw 'yon. Dahil kahit magkapatid tayo, I'll be the one who'll send you to jail," mariing banta nito.

Kinabahan ako sa mga narinig. Sarili niyang kapatid ilalaglag niya?

Katahimikan ang sunod na bumalot sa kapaligiran. Alam kong hindi pa sila umaalis dahil wala pa akong mga yabag na naririnig na lumalayo. Kinakabahan ako dahil baka marinig ang malalakas na tibok ng puso ko.

"You'll send me to... jail?" flat na tanong ni Zaphire sa kaniyang nakatatandang kapatid.

"Zap, hindi lang kung sino ang namatay. She's our mom at matagal ko nang gustong makulong ang kung sino man ang dahilan ng pagkawala niya," paliwanag ni Zenon at halata sa boses niyang nagpipigil siyang umiyak.

Napayuko ako dahil nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni Zenon para sa kaniyang namatay na nanay. Matapos ang kaganapang iyon, hindi na natuloy pa ang usapan nila dahil narinig nila ang pagtunog ng bell. Hindi ako agad bumaba dahil baka naroon pa sina Zenon sa baba.

Mabilis na lumipas ang oras at agad na nag-uwian. Kasama ko ngayon ang isa sa mga ka-close ko sa school. Naglalakad kami papunta sa restroom dahil magre-retouch ito.

Dahil wala naman akong gagawin sa loob, hinintay ko na lang siya sa labas. Nakasandal ako sa pader nang biglang may kumaway malapit sa mukha ko.
Napapikit-pikit ako saka tiningnan ang may-ari ng kamay na.

"Sinong hinihintay mo rito?" tanong ni Barbie na hindi na naman nakasuot ng uniform.

"Classmate ko," sagot ko saka naalala ang pinag-usapan ng magkapatid kanina sa rooftop.

Tinitigan ko nang mabuti si Barbie na bahagyang natawa saka binuksan ang mineral water na mukhang kabibili niya lang. Ngayon ko lang napansin na pawis na pawis ito.

"Sa'n ka galing?"

Tinapos niya muna ang paglunok ng tubig saka siya kumuha ng panyo sa bulsa ng pants niya. Ginamit niya iyong pamunas sa kaniyang pawisang mukha at leeg.

"Kahit saan," tinatamad nitong sagot. "Sabay ka sa 'kin pauwi?" paanyaya nito saka saktong narinig ko ang mga yabag ng kaklase ko na palapit sa kinaroroonan ko.

"A— ah, sabay ba kayo? Sige!" peke itong natawa saka nang-aasar na ngumiti sa 'kin. "Gosh! 'Di mo naman sinabi sa 'kin na hindi lang buhok mo ang kulot, pati pala ikaw!" malokong saad nito saka humagikgik. Mabilis na kumaway bago umalis.

Nang makaalis ito, nanatili akong nakakunot-noong bumaling ng tingin kay Barbie na ngayon ay nakapamulsa. Nakaplastar sa kaniyang mukha ang isang mapang-asar na ngiti.

"So, sabay ka na sa 'kin?"

Nakaismid na tumingin ako sa ibang bagay saka umiling at inayos ang pagkakasuot ng backpack ko.

"Come on, lagi na lang akong mag-isang umuuwi. I have no one to talk to," pilit nito.

"Marami ka namang pwedeng tawagan, ah? Alam kong marami kang friends" saad ko saka nagsimulang maglakad na sinabayan niya.

Tumawa siya saglit habang ako ay nawiwirduhan dahil wala namang nakatatawa.

"Kahit na. Iba pa rin kapag gusto mo 'yong taong kausap mo," pilit niya kaya wala na akong nagawa kundi ang tumango hanggang sa magsimula na siyang magkwento tungkol sa mga bagay na wala naman akong pakialam.

Habang nakaupo sa passenger's seat, patango-tango lang ako kahit na hindi ko na naiintindihan ang sinasabi niya.
Lumilipad kasi ang isip ko tungkol sa pinag-uusapan nina Zaphire at Zenon kanina.

Magagawa ba 'yon ni Barbie?

Oo malakas siya at may kakayahan siya ngayong kumitil ng buhay pero hindi ibigsabihin no'n na papatay na siya. Saka bata pa siya noon at base sa narinig ko, mahal niya talaga ang nanay niya.

Si Zaphire, hindi ko talaga ma-imagine na siya ang makagagawa ng bagay na 'yon. Galit pa nga siya kay Barbie dahil sa iniisip niyang ito ang pumatay sa nanay nila.

Ilang sandali, naramdaman kong huminto na ang kotse kaya bumalik ako sa reyalidad. Pero napaayos ako ng upo nang makitang nasa harapan kami ng bahay ni Barbie.

"Huy, dapat sa bahay!" reklamo ko pero nang tumingin ako sa gilid, wala na si Barbie.

Nagulat na lang ako nang bumukas ang pintuan malapit sa akin at inabot sa akin ni Barbie ang kamay niya. Umirap ako at bumaba nang hindi inaabot ang kamay niya. Pero muntikan na akong mahulog dahil akala ko, may aapakan pa ako bago tuluyang makababa, pero wala na pala.

Mabuti na lang at nahawakan agad ako ni Barbie.

Natatawang sinarado niya ang pintuan ng kotse saka muli na naman iyong automatic na umandar. Pero nagtaka ako nang wala na akong makitang mga nakabantay sa harapan ng malaki niyang gate.

"Nasa'n 'yong mga nagbabantay?"

"Lowbat eh," sagot niya saka may inilabas na susi mula sa kaniyang pants.

Ginamit niya iyon para mai-unlock ang malaking gate saka ito tumunog at bumukas. Nalilito man ako sa sagot niya, hindi ko na pinagkaabalahang pansinin iyon. Nagtungo kami sa malaki nitong living room.

Bubuksan ko na sana 'yong bag ko nang biglang maghubad na naman si Barbie sa harapan ko saka tinapon sa mesa ang damit niya.

"Ano ba 'yan, Barbie!" naiinis kong reklamo. "Alam mong may ibang tao basta-basta ka na lang na naghuhubad," dagdag ko.

Hindi ko mapigilang umirap. Inayos ko ang buhok ko dahil alam kong magulo na naman itong tingnan.

"I like it when you're saying my name," natatawang saad nito na hindi pinapansin ang sinasabi ko.

Umirap na naman ako at tuluyang binuksan ang bag para kunin ang notes ko at mag-review.

"Hayst, pwede ba, kapag kasama kita, 'wag ka na munang mag-review?" may halong inis at lungkot na sabi nito dahilan para mag-angat ako ng tingin.

"Ano gusto mong gawin ko?"

"I-lap dance mo 'ko," sagot niya.

_________

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon