Chapter 36

1K 57 4
                                    

Chapter 36
____________

Nagulat ako sa sagot nito pero agad na naging seryoso ang tingin ko dahil bigla itong tumawa. Lumapit ito saka pinisil ang ilong ko. Agad kong hinawi ang kamay nito dahil hindi ako makahinga nang maayos.

Umirap ako saka tuluyang kinuha ang notes mula sa bag.

Ngumisi ito. "Kung hindi ba ako tumawa, gagawin mo?" mapang-asar nitong tanong.

Sa totoo lang nahiya ako sa pagkatulala ko kanina. Hindi ko talaga gagawin 'yong sinabi niya. Nagmukha lang na parang susundin ko dahil mukha akong nagdadalawang isip.

"Gagawin lang 'yon ng mga baliw," saad ko saka naiilang na nagsimulang magbasa ng notes ko.

Pero napakagat-labi ako dahil hindi pumapasok sa utak ang binabasa. Para lang akong nagbabasa ng mga salitang hindi ko alam ang ibigsabihin.

"Ah, so gagawin mo nga?" nang-aasar na naman nitong tanong.

Umiling ako at pinilit na intindihin ang mga binabasa. Pero napasinghap ako nang bigla iyong hablutin ni Barbie at inilagay sa maliit at bilog na mesa. Salubong ang kilay na tiningnan ko ito.

"I told you, 'wag ka munang mag-aral. Saka malapit na 'yong graduation, wala nang quizzes or exams na magaganap," sabi nito saka kinuha ang notes ko mula sa mesa at binalik sa loob ng bag ko.

Napakurap-kurap ako.

Nasanay kasi akong laging nagre-review kaya kapag wala akong magawa lagi akong nagre-review.

"Saka 'di ba, ila-lap dance mo pa ako?"

Ang daldal niya naman ngayon.

"Tss, uuwi na lang ako at babawi ng tulog," sabi ko saka sinarado ang bag.

Akmang isusuot ko na ito nang sumeryoso ang tingin niya habang nakahawak sa sinturong nakapalibot pa sa kaniyang pants.

"Pwede namang dito ka na lang muna matulog," sabi nito saka sinimulang i-unlock ang sinturon sa kaniyang pants.

Umaatras ako ng isang beses dahilan para maramdaman ang sandalan ng couch na inuupuan ko. Nag-umpisa akong kabahan dahil sa mga sunod-sunod na iniisip ko.

Pero gayon pa man, sinubukan ko pa ring magsalita. "Hindi. Uuwi pa rin ako. May ipaaasikaso sa akin si Ante Pamela, eh," excuse ko saka akmang tatayo na habang hawak ang bag ko.

Hindi pa ako tuluyang nakatayo nang itulak niya pababa ang balikat ko dahilan para mapaupo ako sa sofa.
Nagulat ako sa ginawa niya lalo na nang tuluyan niya nang matanggal ang sinturon mula sa kaniyang pantalon. Wala sa sariling napalunok ako.

"Hayaan mo na, ako na lang ang magpapaliwanag sa tita mo kapag nakauwi ka bukas."

Umiling ako. "May importante kasi siyang pinapagawa," pagsisinungaling ko.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga saka lumayo. Hinagis niya ang sinturon sa isang single sofa habang nakatalikod. Muling bumalik sa kaniya ang tingin ko at nakita ko ang asul nitong sports bra.

"Okay. Sorry if I'm wasting your time. Magbibihis lang ako then I'll drive you home," saad nito saka mabilis na nawala sa paningin ko.

Ilang sandali, bigla akong nakaramdam ng kaunting lungkot at pagsisisi. Parang nagi-guilty ako sa ginawa ko. Nagsinungaling pa ako. Okay lang naman sana pero kinabahan lang ako sa paraan ng pagkilos niya kanina. Mukha talaga siyang lalaki kung kumilos pero hindi mo 'yon mahahalata sa unang tingin.

Bigla kong naisip na sumang-ayon na lang sa kaniya pero nahihiya ako. Tumanggi na ako tapos babawiin ko pa. Para naman akong tanga.

Ilang sandali, bumaba na si Barbie. Bagong hilamos ito habang nakasuot ng maong na short na aabot sa tuhod at isang white V-neck shirt.

"Let's go," saad nito nang hindi tumitingin sa akin.

Diretso itong nagtungo palabas ng bahay. Habang naglalakad kami palapit sa gate, ilang beses kong sinubukang magsalita pero nauunahan ako ng hiya. Kaya hanggang sa makaabot sa gate, hindi pa rin ako nagsasalita. Wala pa ring imikang nagaganap sa pagitan namin.

"Sorry sa pagpilit ko sa'yo kanina. I just want someone to talk to. But maybe you're right, marami namang iba," tatawa-tawa nitong saad habang nakapamulsa.

Hindi ako nakapagbigay ng respond. Nanatili lang akong nakatingin sa dinadaanan namin.

"Oh nice, akala ko kailangan ko pang pasukin 'yong bahay mo para maiuwi ko na si Maria sa house namin," ngiting-ngiting saad ni Zaphire na ikinagulat ko.

Anong ginagawa niya rito?

Saka hindi ko planong umuwi sa mansion nila. Uuwi ako kay Ante dahil mas comfortable ako roon.

"Consider yourself lucky, Zaphire," narinig ko ang pagngisi ni Barbie dahilan para mawala ang ngiti ni Zaphire.

Naging seryoso ang tingin na ibinibigay nito kay Barbie. Tikom na tikom ang nga labi niya pero alam kong marami siyang gustong ilabas na mga salita.

"Kung pumasok ka, hindi ka na makalalabas pa," seryoso na ring saad ni Barbie saka ako tinapik sa balikat nang mahina.

"Take care of this girl, you might lose her. Lalo na kapag..." hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Umismid lamang ito.

Akmang aabante na si Zaphire para sugurin si Barbie pero agad akong humarang. Nagulat ito. Agad ko siyang nilapitan at hinila patungo sa kotse niya.

"Tara na," sabi ko saka pumasok sa backseat.

"I'm not your driver, kulot," masungit na saad nito nang makapasok.

Hindi ako umimik. Wala akong ganang makipagtalo sa apoy. Alam kong nagtataka siya sa pagiging tahimik ko pero hindi ko na muna iyon pinansin. Nang magsimula na siyang magmaneho, nagsalita na ako.

"Sa bahay ni Ante Pamela."

Nanatili akong nakaupo sa backseat. Hindi siya nagsalita noong una. Patuloy lang siyang nagmamaneho.

"'Wag na, baka may gawin ka na namang kababalaghan sa akin, eh," saad ni Zaphire saka ngumiti.

Mata niya lang ang nakita ko sa rearview mirror pero alam kong ngumiti siya. Agad akong namula habang naaalala ko ang mga malilinaw na hakbang na ginawa ko.

Grabe, hindi ako makapaniwalang nagawa ko 'yon. Isa lang naman akong inosenteng tao pero para akong undefine creature noong mga oras na 'yon.

"Kulot!" halos lumundag ako nang bigla ako nitong tawagin.

Naiinis na tumingin ako sa rearview mirror at nakita ko siyang ngiting-ngiti na parang kinikilig. Saglit siyang tumingin sa salamin saka natawa.

"Ba't nakangiti ka?" tanong niya dahilan para magising ang diwa ko sa reyalidad.

Namalayan ko na lang na nakangiti rin pala ako dahilan para mag-init ang mukha ko saka sumimangot. Umirap ako at hindi sumagot. Ilang sandali pa, namalayan ko na lang na ipinaparada na ni Zaphire ang kotse sa garage.

"Sabi ko—"

"Pumayag ba ako?" pagputol niya.

Hindi ako sumagot. Huminga na lang ako nang malalim saka bumaba ng kotse. Hinintay kong bumaba mula sa driver's seat si Zaphire. Tumalon siya mula sa kotse dahilan para malaglag ang isang bagay mula sa kaniyang bulsa.

Butas ba bulsa niya o mababaw lang?

Agad niya iyong pinulot saka nagpatuloy sa paglalakad na agad ko namang sinundan.

Bakit naman siya bibili ng lighter?

__________

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon