Chapter 15

1.5K 90 35
                                    

CHAPTER 15
_____________

Napatayo ako saka sinaway si Zaphire sa pamamagitan ng pagtingin. Nahihiyang tumingin ako kay Barbie saka kinuha ang carbonara mula sa mesa.

"Salamat pala, ah?" nahihiya kong saad.

Binalingan ko ng tingin si Zaphire habang sinisenyasan itong umalis na dahil ayaw ko ng gulo. Kaibigan ko na rin si Barbie kahit na hindi kami gano'n ka-close. Parehas ko silang kaibigan at ayaw ko nang may alitan sa kahit na sino sa amin.

Hindi sumagot si Barbie kaya hinawakan ko ang braso ni Zaphire para hilain ito palayo. Pero muli akong napatingin sa gawi ni Barbie nang tumayo ito.

Napaka-manly ng pagkakatayo nito kahit na maikli ang palda nito. Ang mga mata nito ay tila tumutusok sa binabalingan nito ng tingin.

Kinabahan tuloy ako.

Ayaw kong magkagulo at ma-issue. Hindi ganito ang atensiyon na gusto ko.

"Fire, tara na!" saway ko kay Zaphire bago ko siya binalingan ng tingin.

Pero kinilabutan ako nang makita ang nanlilisik at nanghahamon nitong mga mata. Kalmado ang postura niya pero alam kong unti-unti nang kumukulo ang dugo nito.

Ano bang nangyari at naging magkaaway ang dalawang 'to?

"Ganiyan 'yong gawain ng mga sulutera, Barbie," matigas nitong saad. Hindi pa rin maputol ang masamang pagkakatitig nito sa kaharap niya.

Umiling si Barbie saka ngumisi. "Sulutera means mang-aagaw. Therefore," saglit itong huminto "That's not me. Dahil wala akong inaagaw." Kibit-balikat nitong saad.

Tumingin ako sa paligid. Mabuti na lang at wala masyadong nakapapansin na may tensiyong namamagitan ngayon sa dalawang 'to.

Mas lalo kong naramdaman ang galit ni Zaphire.

Hindi na ako nagdalawang isip pang hilain si Zaphire palayo kay Barbie. Nakarating kami sa room namin habang hinihingal ako. Si Zaphire na naman, nanatiling nakakunot ang noo sa inis.

Humihingal na nagsalita ako. "Ba't ba," Huminga ako nang malalim. "Ba't gano'n ang pakikitungo mo kay Barbie?" halos hindi na maintindihan ang sinasabi ko.

Umirap ako saka uminom sa mineral water.

Pero nagulat ako nang inagaw sa akin ni Zaphire ang mineral saka nandidiring akong tiningnan. Walang tao sa room kaya hindi ako nag-aalalang magsungit sa kaniya.

Baka kasi sabihin ng iba na mayabang pala ako.

Umismid ako. "Ano ba?" Akmang aagawin ko na ang tubig ngunit iniwas niya ito mula sa akin.

"Yuck!" maarteng tinig nito. "Ininuman mo 'yong ininuman ng imburnal na 'yon?"

Ngumiwi ako.

Ang arte niya naman. Saka normal 'yon sa magkakaibigan, ah. Basta walang sakit. Halata namang malusog si Barbie.

Tamad na tiningnan ko siya.

"Ano naman? Ikaw ah, ang sungit mo-"

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Hinawakan ang likod ng ulo ko bago naglapat ang labi naming dalawa. Gumalaw ang labi niya samantalang nanatiling nakaistatwa ang katawan ko sa gulat.

Ilang segundo iyong nagtagal bago niya inihiwalay ang labi niya mula sa akin. Seryosong tumingin ang mga mata niya sa mga nanalalaki kong mata.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya na parang mali dahil parehas kaming babae.

Tila pati siya ay nagulat din at hindi mapakaling bumaling-baling sa ibang bagay.

"Ahm..." Lumikot ang mga mata nito. "I'm just... uh..." Hindi ko maintindihang turan nito

"Tinanggal ko lang sa bibig mo 'yong virus na... you know... pwedeng tumira diyan."

Hindi na siya makatingin ngayon sa akin. Wala akong masabi.

Mabilis na lumayo kami sa isa't-isa nang may grupo ng mga estudyante ang mga nagsipasok sa loob ng room. Ang isa sa kanila ay may hawak na Mountain Dew.

"Uy Maria!" tawag sa akin. "Tara sali ka sa 'min! Kulang isa!" saad ng bakla kong kaklase.

Lumapit ito sa akin saka niya ako hinila. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit sa grupo nila, nagsalita si Zaphire.

"I'll join."

Imbis na Can I join, eh.

Napailing na lang ako sa isipan. Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang ginawa niyang paghalik sa akin.
Siguro wala lang 'yon sa kaniya. Baka gano'n lang talaga siya maging concern. Pero napaka-unreasonable talaga, eh.

Bakit niya naman hahalikan ang kaibigan niya 'di ba? Pwede naman bigyan niya ako ng wipes. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang medyo mabilis na tibok ng puso ko.

Bumilog kami habang nakaupo sa sahig. Magulo na tuloy 'yong classroom dahil pinagtutulak nila 'yong mga upuan para magkasya kami.

Inikot ng isa sa amin ang bote. Tinanong ng nag-ikot ng bote ang natutukan ng nguso nang bote. Kapag hindi raw sumagot, may parusa. It's either kakanta, sasayaw, o sisigaw ng I love you tapos sasabihin mo 'yong pangalan ng gusto nilang sabihin mo.

Ilang ikot pa ay naitutok sa akin ang nguso ng bote.

"Ayan!" sabik nilang reaksiyon. "Para sa ating pinakamatalino rito sa buong section," Umayos ng upo ang baklang kanina ay nasa hotseat dahil tinanong kung totoo ba raw na nagpa-panty ito.

"Anong gusto mo sa isang lalaki?" nakangiting tanong nito.

Hindi sinasadyang pumasok sa isipan ko si Zenon. Hindi dahil siya 'yong tipo ko, kundi dahil napaisip ako kung bakit niya ako nagustuhan. Dahil ba ako 'yong tipo ng babaeng gusto niya?

"Uhm, masipag, responsable at may respeto," nahihiyang sagot ko.

Bata pa ako nang maisip ko ang mga bagay na 'yon. Pero hindi ko planong magkaroon ng boyfriend sa ganitong edad dahil alam ko sa sarili ko na immature pa ako para i-handle ang isang relasyon.

Saka karaniwang mas nauunang mag-mature ang babae kaysa sa lalaki.

"I mean! 'Yong physical features niya," paglilinaw nito.

Bigla naman akong nablangko sa tanong niya.

Wala naman akong pakialam sa hitsura sa totoo lang. Oo inaamin kong malakas ang appeal ng mga gwapong lalaki, pero iba ang impact kapag nakilala mo na ang ugali.

"Basta may mukha!" nakangiwi kong saad dahilan para mapatigil sila.

Maya-maya'y nagsitawanan na kaya tumamad ang tingin ko. Ilang beses na namang inikot ang bote hanggang sa tumapat na ito kay Zaphire.

Excited na tumingin sila sa kaniya.

"Uhm, bakit single ka pa rin hanggang ngayon?" tanong ng babae.

Saglit na natahimik ang paligid.

"Dahil..." pambibitin nito.

Hindi mapigilan ng mga mata kong mapatingin sa kaniyang labi. Pakiramdam ko ang swerte ko dahil ang labi niya mismo ang lumapit sa akin.

"Dahil hindi niya pa ako mahal," sagot nito sa wakas saka dalawang beses na itinaas ang kaniyang kilay.

Napaawang labi ng mga kasama naming estudyante habang nakatingin sa kaniya.

"Sa ganda mong 'yan 'di ka pa niya mahal?!" hindi makapaniwalang bulalas ng isang bakla.

Tumango ito.

Binigay sa kaniya ang bote ng Mountain Dew saka niya iyon inikot. Habang umiikot ang bote, naaalala ko pa rin ang nangyari kanina. Parang gustong magwala ng sistema ko tuwing naalala ko ang halik na nangyari.

Pero bigla kong naramdaman na may pumatong sa balikat ko.

"May I join?" tanong ng isang babae.

Si Barbie.

_____________

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon