Chapter 5

1.8K 109 39
                                    

CHAPTER 5
____________

Si Chloe Morales, isang dakilang bully rito sa school.

Tss, matapang lang naman siya dahil hindi siya maki-kick out kahit anong gawin niyang kabobohan dito sa school.

"'Di ba matalino ka? Bakit hindi mo gamitin 'yang talino mo? Or baka nandaya ka lang?"

Napaismid ako sa sinabi nito.

Hindi talaga maiiwasang isipin ng ibang tao na nandaya ako. Sabagay, parang imposible talagang ma-perfect ng isang tao ang lahat ng exam. Pero kung pagsisikapan mo ang gusto mong makamit, walang imposible.

"Sorry talaga natapunan kita," 'yon na lang at umalis na ako sa harapan niya at hinanap si Zenon pero wala na siya sa paligid.

Nasaan na 'yon? Namalikmata lang ba ako na si Zenon ang nakita ko?

Pero 'di pa ako nakapagsisimulang maghanap ay may humila na sa buhok ko. Naalala ko tuloy 'yong pananambunot sa akin dati ni Zaphire.

Buti hindi pa ako nakakalbo.

Hinawakan ko ang braso nito habang dumadaing saka ito pilit na sinaktan para bitawan ang buhok ko.

"Ouch! What the fuck!" malutong na mura ni Chloe saka hindi makapaniwalang tumingin sa akin habang hinihimas niya ang kaniyang kamay na may bakas nang kurot ko.

Siguradong magsusugat na 'yan maya-maya lang. Ayaw ko kasing sinasambunutan ang buhok ko. Purkit kulot trip nang sambunutan?

Isa sa pinakaayaw ko ay ang ginagalaw ang buhok ko ng mga maruruming kamay.

Inayos ko ang buhok ko saka masama siyang tiningnan.

"'Di ba sabi ko, sorry? Kung gusto mo ng away, sa labas ng school natin gawin!" matapang na hamon ko rito.

Kasi kapag dito namin ginawa siguradong ako ang kawawa kahit na siya naman ang nangunguna. Saka hindi ako katulad ng iba rito na kapag binu-bully, iiyak lang at hindi magsasalita.

Binu-bully rin naman ako ni Zaphire pero hindi niya na ako sinasaktan 'di tulad noon. Nananakit lang si Zaphire noong bata siya.

"Ang yabang mo naman purkit naka-perfect ka lang sa exam," pang-aasar pa nito.

"Chloe, tara na, may pupuntahan pa tayo," naiinip sa saad ng kasama niya pero umiling lang ito saka ako nilapitan.

Pinakita niya sa akin ang sugat sa kaniyang braso saka naiiritang tumingin sa akin. "Ang lakas naman ng loob mong lagyan ako ng sugat. Sino ka ba? Isa ka lang namang pamilya ng mga pulubi," nandidiri nitong lait saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Siguro nagkaroon na ng germs si Zenon dahil sa kadidikit sa 'yo," walang kwentang hula nito.

Hayst, paano ba napunta sa usapang pamilya ang pagkakatapon ko ng juice sa kaniya? Saka nag-sorry na ako. Halata namang hindi sadya, 'di ba?

"Hubarin mo 'yang uniform mo! Kailangan kong magpalit at wala akong dalang extra. Malay ko ba namang bobo ka pala?" nang-aasar nitong saad.

Umismid ako. "Kung bobo akong naka-perfect ng exam, paano pa kaya ikaw na hindi man lang pumasa?" nakangisi kong tanong dahilan para umingay 'yong mga lalaking tambay.

Halatang nagka-cutting.

Ngingiti pa sana ako nang bigla ako nitong kwelyuhan kaya ahagya akong napa-tiptoe.

Kinabahan ako nang nakita kong kinuyom nito ang kaniyang kamao at aakmang susuntukin ako pero bigla na lang itong dumaing.

Hoo!

Akala ko mababarag na ang mukha ko.

Siguradong susugurin ni Ante Pamela itong si Chloe na pinakainiiwas-iwasan ko. Kaya nga hindi ko sinabi kay Ante Pamela noon na nasaktan ako ni Zaphire.

Curly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon