Third Person POV
Galit na hinarap ni Prinsipe Robbie ang kaibigan niyang si Angelo, kahit labag sa kalooban niyang magalit dito ay kailangan dahil sumuway siya sa usapan nila.
Sa taas ng palasyo kung saan prenteng nakaupo si Angelo at tanaw ang buong paligid. Napalingon siya sa likuran niya ng maramdaman niya ang presensya ni Prinsipe Robbie.
"Kumus---" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nagalit na agad ang prinsipe. Kukumustahin lang sana niya ang dalaga.
"Hindi ka tumupad sa usapan Angelo" Sigaw nito.
"Hindi naman siya nasak---" Mahinahong lang magsalita si Angelo, ayaw niyang salubungin ang galit ng prinsipe dahil hindi maganda ang kalalabasan, isa pang dahilan ay iginagalang niya ito, ang prinsipe ang nag-iisang taong tumanggap sakanya at naging kaibigan.
"Hindi yun ang inaalala ko, ... alam nating lahat na hindi ligtas na lugar ang Effloresce pero dinala mo parin siya dun!"
Ang tinutukoy niya'y ang flower farm na tinatawag nilang Effloresce, nakakaakit talaga ang lugar na iyon at nakakawala ng problema ngunit alam din nilang lahat na tahanan din iyon ng mga ligaw na halimaw, ligaw sapagkat walang humahawak sakanila.
Ang Effloresce, lugar kung saan hindi kayang sakupin ng kahit ninuman. May palasyo itong nagpapakita lamang sa gustong niyang mahanap siya.
"sinubukan ko lang namang alamin ang kapangyarihan niya."
"at sa tingin mo ang pagpunta niyo dun ang pinakamabisang paraan? Angelo naman! Paano kung nakaharap mo dun si Yfel?"
Si Yfel, isang nilalang na ayaw nilang makabangga. Wala pang nakakakita sakanya, walang nakakaalam sa taglay na kapangyarihan ngunit kinakatakutan na. At narinig nilang doon daw siya naglalagi.
Saglit na natahimik si Angelo pagkarinig sa pangalang iyon saka siya muling nagsalita.
"p-pasensiya na, hindi na mauulit" Alam niyang mali parin ang ginawa niya, naging makasarilisiya.
"dapat lang" Kahit galit ay halata parin ang pag-aalala niya para sa kaibigan.
"ugh... kumusta si Gwen? Ayos lang ba siya? Napansin ko kasing sobra siyang natakot na parang noon lang nakakita ng mga halimaw samantalang may mga alagad din naman ang Dandelions na halimaw tsaka hindi man language siya gumamit ng kapangyarihan niya para protektahan ang sarili."
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng prinsipe na agad namang napansin ni Angelo.
"May nalalaman ka bang hindi ko alam Robbie?"
Nag-isip saglit ang prinsipe bago nagsalita.
"Hindi pa ako sigurado sa sasabihin ko Angelo pero sana saating dalawa nalang to."
"nangangako ako" Kahit hindi mangako si Angelo ay nasa kaibigan niya parin ang katapatan nito.
"Sa tingin ko'y ang babaeng yun ay hindi taga dito saating mundo."
Nagulat at napakunot-noo si Angelo sa narinig.
"A-anong ibig mong sabihin? ... galing siya ng..." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin sa narealize niya.
"uulitin ko Angelo, ... hindi pa ako sigurado."
"pero paano mo nasabing..."
"May mga salita kasi siyang nababanggit na hindi ko naiintindahan at sabi nila sa mundo raw ng tao may ginagamit silang salita na hindi natin maiintindihan."
BINABASA MO ANG
The Untold Story
Viễn tưởngKaisa-isang tagapagmana ng isang multi-international company in Asia. - - Matalino, Studious. - - Artistahin,Young, and Adorable. - Perfect Public Figure - Pero kinakatakutan, iniiwasan, inaatrasan. How can she live in a perfect world like that? Pe...