Author's Note: Once a week po ang update. :-)
ICE AND FIRE
Third Person POV
........
"Sigurado ka ba sa ginagawa mo mahal na Prinsipe?" Tanong ng kanang kamay niyang si Zoram.
Bigla nalang itong sumulpot sa loob ng kwarto niya, nilingon niya ang babaeng himbing na himbing na natutulog sa kama ng kanyang kamahalan.
Nakaisip ng plano ang prinsipe upang lumabas ang tunay na anyo ng babaeng nagpapanggap na prinsesa, ipapain niya ang kanyang sarili.
Pinatuloy niya ang babae sa kanyang kwarto, alam nilang lahat na pagdating ng hating gabi ay bumabalik sa tunay na anyo lahat ng nagbabalat-kayo at kapag nagtagumpay ang plano ay papatayin niya agad ang babaeng nagbabalat-kayo.
"pinagdududahan mo na ba ako ngayon?" Galit agad ang tinig nito.
Natakot naman bigla ang kanyang kanang kamay na halos mapaatras ito.
"a-ah hindi naman mahal na prinsipe, ang aking lamang ay mag-iingat sana kayo."
"hindi na kailangan kumpara sa insekto, langgam lang siya, ... maaari ka ng magpahinga Zoram, ako na ang bahala dito."
Ganun siya ka confidence sa sarili.
"masusunod mahal na prinsipe"
Sa isang kurap ay naglaho na ang kanyang kanang kamay.
Nilingon niya ang babae na natutulog, nakabaluktot ito. Napatingin siya sa paanan nito, nakasuot parin ang sapin ng kanyang paa. Sa pamamagitan lang ng pagtitig niya ay natanggal ito at bumaba sa kama. Kusa ring nabalutan siya ng kumot.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
"mommy, daddy"
Nagulat siya sa narinig mula sa babae. Napakunot-noo siya dahil hindi niya alam ang ibig sabihin nun. Nakita niyang parang gumagalaw ang babae pero hindi bumabangon.
Ano bang nangyayari sakanya?
Dahan-dahan siyang lumapit. Nagulat siya at napatigil.
Nanginginig siya!
Muli siyang lumapit. Ini-unat niya ng dahan-dahan na para bang natatakot ang kanyang kamay para abutin ang noo nito.
Nang mailapat niya sa noo nito ay bigla siyang napaigtad na para bang napaso ang kanyang kamay, nakaramdam siya nang kung ano na dumaloy sa katawan niya.
Ano ang pakiramdam na yun?
Ngunit naibalik din ang isip niya sa kalagayan ng babae.
Inaapoy siya ng lagnat!
"mommy... daddy." Narinig niyang ungol ulit ng babae.
"Ano bang sinasabi niya? ... Ano bang dapat igamot sakanya, wala akong alam"
Hindi naman kasi siya nakakaramdam ng ganoong klaseng sakit. May mga kapangyarihan sila na tumutulong upang palakasin ang kanilang resistensiya. Mas malakas sila kaysa sa normal na tao. Kaya din nilang gamutin ang kanilang sarili kahit na walang gamot na iniinom.
Nanginginig siya, ibig sabihin nilalamig. Ang kapal na nga ng kumot.
Wala siyang maisip na gawin.
Habang nakatayo doon ay hindi niya maiwasang maawa sa babae. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na nagbabalat-kayo lamang ito.
Pero may nagbabalat-kayo bang isama ang pagkakaron ng sakit?
![](https://img.wattpad.com/cover/1794399-288-k259445.jpg)
BINABASA MO ANG
The Untold Story
FantasyKaisa-isang tagapagmana ng isang multi-international company in Asia. - - Matalino, Studious. - - Artistahin,Young, and Adorable. - Perfect Public Figure - Pero kinakatakutan, iniiwasan, inaatrasan. How can she live in a perfect world like that? Pe...