Bigla nalang kaming sumulpot sa isang lugar.
I gazed around. "w-here are we?" Naguguluhan parin ako at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"bitawan mo ako, bakit ka pa ba sumama ha? tsaka ano yung sinabi mo?" Iwinaksi niya yung kamay ko, ako naman napapatunganga sa paligid. Para kasi akong nasa isang fairytale lang pero lungga ng mga witch.
"I said where are we?" Pag-uulit ko pero wala sakanila ang focus ko, isang palasyo lang naman ang nasa harap ko slash palasyong parang hundred BC pa ang existence walang kulay na sa western country ko lang nakita, hindi kaya nasa western country ako?
"mahal na Prinsipe sa tingin ko'y iba ang lengguahe ng prinsesang ito."
Sabi nung kasama niya. Anong mali sa salita ko? English lang naman yun ah.
"ah wala akong pakialam, dalhin mo sya kulungan ng mga alipin."
Agad akong nagreact nung may marinig akong kulungan, kahit kailan sa tanang ng buhay ko, hindi pa ako nakukulong. "what? ikukulong mo ako?"
"pwede ba binibini gumalang ka naman, prinsipe ang kaharap mo." singit ng kasama nito. Binibini? Tsk, lumang tao.
"binilaan na kita kanina, pero sumama ka parin, kaya yun ang parusa saiyo. Paalala ko lang hindi gagana ang kapangyarihan mo dito, maghintay ka nalang ng digmaan bago ka makalabas dito"
That cold so called Prince left. Mga baliw na sila.
"you're crazy"
"tama ang lahat ng binanggit ng prinsipe, digmaan nalang ang pag-asa mo para makalaya dito, pasalamat ka parin malamig ang utak ng Prinsipe."
Hindi lang utak, pati ugali, everything.
"pero wala akong kasalanan, bat niyo ako ikukulong, bakit ayaw niyong maniwala na wala akong alam sa lugar na ito?" pero hindi rin niya ako pinakinggan.
"mga kawal, ikulong ang babaeng ito."
Hinila ako ng mga kawal na sinasabi niya. Oh my God kung panaginip man ito sana magising na ako.
Ipinasok ako sa isang kulungan na napakadumi at napakabaho.
"palabasin niyo ako dito, wala kayong awa, wala akong kasalanan, wala naman akong ginagawang masama eh." sigaw ko, pero parang wala silang naririnig hanggang sa naglaho sila sa paningin ko.
Sinag lamang mula sa lampara ang nagsisilbing ilaw sa kinalalagyan ko ngayon.
Nangilid ang mga luha sa mata ko.
I'm stuck in this fucking shit nowhere.
What the hell is happening?
Ano bang kasalan ko at pinaparusahan ako ng ganito?
Tell me?
"isa ka bang Prinsesa?." tinig iyon ng matanda sa kung saan.
Nagulat ako. "ay palaka, sino ka?" napahawak ako sa rehas at napalunok.
"isa ka bang prinsesa?" Ngayon naman tinig ng bangag na boses.
"s-sino kayo?" sa totoo lang Prinsesa akong ituring pero hindi talaga ako prinsesa dahil democratic country naman ang Pilipinas.
"kawawa ka naman kung ikaw ang mahal na Prinsesa ng Dandelions, napakasama talaga ng Prinsipe Robbie na yun, hindi man lang sya naawa sayo." Anang ng bangag na boses, naaninag ko ang kanilang mukha isang matandang lalaki na kulubot ang mukha at isa pang lalaki din na may edad na puno na ng balbas.
BINABASA MO ANG
The Untold Story
FantasiKaisa-isang tagapagmana ng isang multi-international company in Asia. - - Matalino, Studious. - - Artistahin,Young, and Adorable. - Perfect Public Figure - Pero kinakatakutan, iniiwasan, inaatrasan. How can she live in a perfect world like that? Pe...