Isang lalake sa di-kalayuan. Napatingin sakanya yung aso, napatingin din ako sakanya, akala ko si Toffee dahil nakasuot din ng parang sa isang prinsipe, pero iba pala, may sword sya sa beywang nya, may arrow sa likuran nya at ang gwapo nya kaso mukha syang masungit. Magkasalubong ang dalawa nyang kilay na nakatingin saken.
“h-hah?” tanging nasabi ko lang. Napatayo ako.
“Tara na Fluffy” sabi nya, huh, sinong fluffy? Nakakatakot ang boses nya, tumalikod na sya sumunod yung aso, ah yung aso pala ang fluffy, ang cute naman ng name.
“ah, sandali mamang ano—,” huminto sya nang hindi tumitingin saken. “n-nasaan ako?” humarap sya saken ng masama ang tingin, oh my God balak nya ba akong patayin, hindi nalang sana ako nagtanong.
“ano sa tingin mo kung nasaan ka?” oh my ang sungit nga nya, hindi ako nagkakamali.
“alam kong nasa gitna ako ng gubat—.” May sasabihin pa ako eh.
“alam mo naman pala” naglakad na sya.
“sandali lang, wag ka namang magsungit saken, hindi ko kasi alam kung nasaan ako, hindi ko alam ang lugar na toh” tawag ko sakanya tumigil naman sya.
“pwede ba wag ka nang magkunwari, wag mo na akong kakausapin at susundan, maliwanag ba?” ano bang sinasabi nya. Naglakad na ulit sya, sinundan ko naman sya, kailangan ko na talagang umuwi baka hinahanap na ako ni Mom at Dad, kahit nababaliw na sya at masungit kailangan ko parin malaman kung nasaan ako.
“sandali nga mamang ano, hintayin mo ako, gusto ko nang umuwi, baka hinahanap na ako samen”
“ang kulit mo rin noh?, wag ka nang magpanggap pa, alam kong taga Dandelions ka na pinadala ng hari nyo para manmanan ako, pwes ngayon palang sinasabi ko na hindi umuubra ang mga ganyang plano nyo, wag nyong kakalimutang ako ang Prinsipe ng Dallas”
....
BINABASA MO ANG
The Untold Story
FantasyKaisa-isang tagapagmana ng isang multi-international company in Asia. - - Matalino, Studious. - - Artistahin,Young, and Adorable. - Perfect Public Figure - Pero kinakatakutan, iniiwasan, inaatrasan. How can she live in a perfect world like that? Pe...