Chapter 2: Entering a Weird World

57 6 0
                                    


Dahil sa napagod ako at pinag pawisan kailangan kong mag-retouch.Umakyat ako ng kwarto ko naunang pumasok yung isa kong PSG pagkatapos nyang ma-check ang kwarto pumasok na ako sa loob, sanay na ako sa mga ganitong ginagawa nila, mag-isa lang nya yung isa kasi nasa baba nakita ko kanina kumakain.

Umupo ako at humarap sa salamin, naglalagay ako ng blush-on, nang maalala ko yung sinabi ni Toffee naaawa na ako sakanya tatlong taon na syang umaasa saken, tatlong taon narin syang walang girlfriend, naibaba ko yung blush on.

"what if, bigyan ko na sya ng chance" pagkababa ko nung blush on, may nasiko akong isang gamit, yung cellphone ko, nalaglag.

"shit, nabasag ata yung screen nya" pinulot ako. Pagharap ko sa salamin , nalaglag ko ulit yung cellphone ko, nagulantang ako, nanlaki ang mga mata ko.

"t-totoo ba tong nakikita ko?" hindi ko Makita ang sarili kong repleksyon sa salamin.

"ano ba tong nangyayari sa salamin?" parang may ibang mundo sa loob ng salamin, isang forest ang nakikita ko na may lake, tumingin ako sa likod ngunit kabuuan naman ng kwarto ko ang nakikita ko.

"oh my God" isang lalake ang nasa gilid na ng lake may kasama syang malaki at kulay putting aso, pareho silang nakaupo at nakatalikod. Nagulat ako ng gumalaw yung lalake sa loob ng salamin pumulot ng bato at ibinato sa lawa.

"hindi kaya, gift saken toh ni Daddy? Ano naman kaya ang nilagay nila sa salamin ko?" naginhawaan ako sa isiping iyon. Nacurious akong hawakan yung salamin, na-shock ako pumasok yung kamay ko at ang masaklap parang hinihigop ako.

......

The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon