Chapter 4: The Adventures of Gwen?

22 4 0
                                    

Napatigil kami sa usapan sa labas ng pinto.

"para kanino ang mga pagkaing iyan?" isang boses ng lalaki, kilala ko iyon ang masungit na Prinsipe.

"p-para po sa P-prinsesa, m-mahal na prinsipe."

Utal-utal na sagot ng inutusan kong kawal.

"at sinong nagsabing bigyan mo sya ng pagkain na ganyan?" galit ang boses nya.

My gosh, nakakatakot. Ngayon palang napapalunok na ako.

"hindi daw po kasi sya kumakain ng pagkain ng mga alipin kaya inutusan niya akong kumuha ng masarap na pagkain at ito nga po mahal na prinsipe."

Malakas ang loob ng kawal na iyon saludo ako sakanya.

"sinunod mo naman, walang utak, wala syang karapatang magreklamo kahit sya pa ang Reyna, nasa kamay ko sya at wala syang magagawa kung ano ang gusto kong ipakain sakanya, naiintindihan mo?" sigaw nya sa kawal.

Yung boses niya parang moster.

"o-opo mahal na prinsipe." Kahit na hindi ko nakikita alam kong takot na takot yung kawal.

"sige, ibalik mo yan sa kusina at kumuha ka ng pagkain ng alipin. Ikaw ilabas mo ang prinsesa dalhin sa ibang kulungan." Narinig kong sabi nung prinsipeng masungit.

"what? Ililipat nya ako, anong gagawin niya saakin?"

Tanong ko sa dalawa kong kasama.

"hindi namin alam"

Sabay nilang sagot.

"napakasama talaga nya, patawad wala kaming maitutulong saiyo kundi ang ipagdasal nalang namin ang kaligtasan mo." sabi nung matanda.

Feeling ko katapusan ko na.

"mag-iingat ka" sabay nilang sabi.

OMG, THI IS IT PANSIT.

Pumasok yung kawal.

Lumapit saakin.

"saan mo ako dadalhin? wag mong higpitan ang paghawak saakin" hawak nya ako sa braso.

"tumahimik ka" sabi niya.

Totoo ba tong nangyayari? Sinigawan niya ako? Anak ng pinakamabagsik na senator, sinigawan niya?

"aray masakit bitawan mo ako." pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa braso dahil nga mahigpit.

"tumahimik ka sabi"

Sigaw niya ulit.

Ilang minuto din kaming naglakad, lumabas kami sa madilim na bahaging iyon. Ngunit sa isang kulungan din pala ako ipupunta maliwanag nga lang mayroon din isang lamesa at dalawang upuan, kama nalang sana. Tinulak niya ako papasok sa loob.

"papasok naman ako eh, hindi mo ako kailangang itulak."

Mahinahon kong sabi, ayokonb magsisigaw baka masira ang vocal chords ko.

"Diyan kana mabubulok, maingay na Prinsesa."

Shocks, balak nga nila akong patayin ng unti-unti, bat di nalang minsanan para wala na akong maramdamang sakit huhuhu.

"hoy pangit na kawal, wala ka rin lang namang binatbat sa PSG ko eh, isang suntok lang niya sayo taob kana."

This time sumigaw na ako, mamamatay rin naman ako.

"ang kanang kamay mo ba ang sinasabi mo? Wala nga sya dito eh, hindi ka man lang nya mailigtas." Biglang sulpot ng Prinsipeng masungit, ang cold ng mukha niya, no expressions to be seen.

The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon