Part 2 of Chapter 6: X-Men
......
Lumabas nga kaming dalawa. Bakit ganito sa lugar na to, lagi nalang makulimlim.
OMG! hindi kaya nasa northpole kami? Tange, may ice ba? Wala!
"Anong gagawin natin sa mga kabayo?" Tanong ko sakanya. Nagpaalam kasi siya sandali, may kukunin daw. Pagbalik niya may dala na siyang dalawang kabayo.
Tumawa siya. "Sasakyan natin. Hindi pwedeng lakatin yung pupuntahan nayin."
Nanlaki mga mata ko. "Hah? ... ano kasi... hindi ako marunong sumakay ng kabayo"
"Wag mo nga akong patawanin Prinsesa, kayong mga maharlika ang unang natututo sa pagsakay ng mga kabayo." Patay!
Isip ng palusot Gwendolyn. "ah... hindi ako nagbibiro Angelo, ayoko kasi sa mga kabayo"
"Kung ganun tuturuan nalang muna kita."
Tuturuan? Hell no! Ang baho kaya ng kabayo.
"hah?! hindi ba talaga pwedeng lakarin?."
"haha ikaw talaga, ... hindi pwede, kasi may kalayuan yun, mapapagod ka din lang... kung nakakalipad lang ako lilipad nalang tayo."
Natawa naman ako. Para namang may nakakalipad na tao. Ibon lang, hindi din yun tao, hayop yun.
"oh? bat ka natatawa?" Napakunot-noo siya.
"wala, wala, wag mo akong pansinin... ano? maglalakad na tayo?"
"hindi pwede... tuturuan kita."
May naisip naman ako.
"alam ko na, isang kabayo nalang gamitin natin." ^_^
"sigurado ka?" Gulat na tanong niya.
"oo, sa harap ka sa likod ako, ... takot talaga ako sa kabayo, sige na!?" Pagmamakaawa ko.
Nag-isip pa siya sandali.
Nagkamot siya ng ulo. "Patay ako nito kay Robbie, ...pero sige dahil mapilit ka, tong kabayo ko nalang gagamitin natin."
Nagulat pa ko ng bigla niya akong binuhat at isinakay sa kabayo.
"shit! shit! magsabi ka naman, hindi yung binibigla mo ako."
Ang higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya, kinakabahan ako, grabe, first time ko to.
"kalma lang pwede?, hindi ka kakainin ng kabayo, ito ang hawakan mo." Pinahawak niya saakin yung tali. Saka mabilis siyang nakasampa. Nasa likuran ko siya. Ang bilis.
"Mas ligtas ka pag nandito ka sa harap ko, pag sa likod kasi may posibilidad na malaglag ka ng hindi ko namamalayan."
Nagulat pa ako nung humawak din siya sa taling hawak ko. "Dito ka nalang humawak." Iginaya niya ang kamay ko sa leeg ng kabayo.
Yucks! Nandidiri ako sa balahibo nito.
Hyaaah
Omg! Lumakad na ang kabayo. Kinabahan ako.
"wag kang matakot, nandito lang ako." Sabi pa niya.
Pilit ko namang pinakalma ang sarili ko. "San tayo pupunta?"
"Wag kang mag-aalala siguradong magugustuhan mo dun"
"Uuwi na ba ko?" Yun lang naman ang alam kong magugustuhan ko ee. Oh my emexoited ^_^
BINABASA MO ANG
The Untold Story
FantasíaKaisa-isang tagapagmana ng isang multi-international company in Asia. - - Matalino, Studious. - - Artistahin,Young, and Adorable. - Perfect Public Figure - Pero kinakatakutan, iniiwasan, inaatrasan. How can she live in a perfect world like that? Pe...
