"ano?” nawindang ako sa mga pinagsasabi nya. “wala akong alam—.”
“kung gusto mo pang mabuhay, bumalik ka na sa kaharian nyo, nagsasayang ka lang ng panahon, naiintindihan mo ba?” anong ibig nyang sabihin gusto nya akong patayin.
Naglakad na ulit sya, wala akong alam sa mga pinagsasabi nya, maglalakad n asana ako para sundan sya kaso may nakita ako sa lupa na dahilan ng pagsigaw ko ng napakalakas.
Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh.
“bakit, anong nangyari?” napatigil ako, bumalik sya.
“a-ano, m-may ano” hindi ko masabi-sabi.
“ano nga?” galit na nyang sabi.
“may uod, ayun oh” turo ko sa lupa, hindi maipinta ang mukha nya.
“t-takot ako dyan”“hindi ko alam kung nagpapansin ka lang o ano mang plano mo, pero hindi na ako natutuwa sayo, sa tingin mo masasaktan ka nang uod na yan?” kasalanan bang lumaki akong mayaman at kinakatakutan ko ang lahat ng mga nakakadiri?
“takot talaga ako sa uod, ngayon ko palang nakita yan sa tanang ng buhay ko” pinulot nya yung uod. “yucks kadiri, ilayo mo saken yan”
“ang arte mo” itinapon nya sa malayo yung uod.
“mahal na Prinsipe nandito lang pala kayo”
“ano ba Zoram nanggugulat ka eh”
Isang lalake ang bigla nalang sumulpot sa likuran nya hindi naman sya masamang tingnan mukha ngang mas mabait sya kesa sa lalakeng toh, saan kaya sya nanggaling? Prinsipe? Sya? Nasaan ba talaga ako? Nasa ibang mundo ba ako?
“nagpaalam naman ako ah”
“oo nga’t nagpaalam kayo, ngunit lagpas na sa hiningi mong oras, teka sino ang babaeng ito? Taga Dandelions ba sya mahal na prinsipe?”

BINABASA MO ANG
The Untold Story
FantasyKaisa-isang tagapagmana ng isang multi-international company in Asia. - - Matalino, Studious. - - Artistahin,Young, and Adorable. - Perfect Public Figure - Pero kinakatakutan, iniiwasan, inaatrasan. How can she live in a perfect world like that? Pe...