page 2

58 5 0
                                    

.........

“Bobbyyyyyy hellllp meeee” sigaw ko sa PSG ko, ilang second lang nanjan na yun para iligtas ako. But then----

“ano bang nangyayari hinihigop ako ng salamin aaaaaaaaaaaaaaaaahhh tulooooong, bakit ang tagal nya, minamaligno na ako ng sarili kong salamin oh my God.”  Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko baka sakaling marinig nila ako, ngunit hanggang mahigop ako ng salamin, hindi ko nakitang bumukas yung pintuan ng kwarto. Nagdasal nalang ako sa isip ko, wala na akong alam pa sa mga sumunod na nangyari.

Hmmm, may nararamdaman akong humahaplos sa pisngi ko, nararamdaman ko na rin ang init ng sikat ng araw, siguro binuksan na ni yaya yung bintana ng kwarto ko nakaharap kasi sa east yung window ko eh, may naamoy din akong mabango, tsaka bakit ang tigas ng hinihigaan ko, may foam naman ang kama ko ah. Naalala ko yung nangyari saken na hinigop ako ng salamin, hindi kaya?-,  unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata.

aaaaaaaaahh” napasigaw ako at napaupo, isang aso ang nasa harapan ko, malaking malaking aso na kulay puti. Napatingin ako sa paligid ko.

aaaaaaaaaaaaaaaahhhhh” napasigaw ulit ako, nasa gitna ako ng nowhere, maraming puno ang nakapaligid saken, may mga naririnig akong kung anu-ano.

“layuan mo akong aso ka, wag mo akong kagatin hindi ako pagkain” sigaw ko sa aso, gumagalaw yung buntot habang nakatingin saken, umupo sya halos pantay na kami dahil sa sobrang laki nya. Naiiyak na ako.

“nasaan na ako? mommy? Daddy?” hanap ko sa mga parents ko. "terrorist kaya ang dumukot saken at dinala ako dito?, bakit hindi man lang ako tinulungan ng mga PSG ko, ang dami kong bodyguard, nasan na sila, siguro kasabwat silang lahat” kung anu-ano ang mga iniisip ko kahit imposible namang mangyari ang mga yun.

“layuan mo ako sabi eh” hindi man lang natakot saken yung aso.

“ano ang ginagawa mo sa aso ko?” Tinig ng isang baritonong boses.

Nilingon ko.

Sino naman siya?

.........

The Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon