KABANATA 18

16 2 0
                                    

Overnight

Nakarating kami kila Zeus. Welcome na kami dito since Elementary dito kami lagi tumatambay. 'Yung parents kasi ni Zeus nasa States kaya solong-solo nito 'yung bahay nila. I also heard na nagpapagawa si Zeus ng town house sa Batangas. And he is the one who design the house. Silang dalawa ni Trix 'yung magaling sa drawing sila nga yata lagi gumagawa ng mga poster namin, eh. Then pag essay writing asahan mo na kami ni Holly diyan. Bff goals talaga kami ni Holly kahit madalas kaming mag-away kasi nga pareho kaming bad bitch. Pag math lapitan mo na si Jade at Peter, bobo lang sila sa lovelife pero at least 'di sa math.

Nasa sofa kami nakatambay at nanonood ng Movie. Horror pinili namin at 'yung isa dito paiyak na dahil 'di siya nanonood ng patayan.

"Sana 'di masarap ulam bukas ng nag suggest ng potanginang horror na 'to." tinitigan naman ako ng masama ni Holly at nginusuan ko lang siya. I smirked in my mind. Sorry ka Holly masarap ang ulam ko bukas kasi magkikita kami ni Gavin.

***

We finished watching and now we are cooking carbonara and buttered shrimp. Nag request kasi si Zeus dahil bahay niya naman 'to ayon na din pinili namin. I am cooking and Zeus is helping me. 'Yung apat naman nasa sala at naglalaro ng uno parang mga bata pero gusto ko sumali hmp.

Zeus started buttering the pan. "Kamusta ka naman? I heard you're already in good terms with Gavin." ani nito. Napa angat naman ako ng tingin sa kanya.

"Yeah, we're both fine and doing well." i simply said. I am more than happy kasi i am with Gavin.

While Zeus he looked like he wants to say something but he can't? Or masyado lang akong nag-iisip baka wala naman talaga? I shrugged baka nga masyado lang akong nag-iisip.

"Ikaw ha kamusta 'yung panliligaw mo doon sa nurse?," i asked because i am curious. Actually bagay sila i picture them in my mind and they actually look good together.

Zeus let out a chuckle. "She don't like me. But hell nah nobody can't stop me from liking her i am damn consistent on pursuing her." i was shocked by this side of Zeus. How i wish ganito lahat ng lalaki.

"Keri mo naman 'yan baka nag papabebe lang kasi ng slight 'to naman." ani ko, to make him feel better. Kasi kahit ako naman minsan nagpapabebe talaga ako para mas suyuin ako ni Gavin. I just want attention sorry.

"I hope so, but 'di siya makakawala sa'kin kahit ayaw niya sa'kin." he said then wink. Lord, bakit po hindi lahat ng lalaki ganito?

We are done cooking and we are eating in the sala. Ang mga 'to naman halos 'di na nagsalita at kain lang ng kain.

"Huwag niyo naman masyadong ipahalata na sobrang nasarapan kayo sa carbonara ko to the point na 'di na kayo makapag salita," i joked and they all looked at me with a are you crazy look.

I started eating and as i expected it's good.

Bigla namang nagsalita si Holly. "Infairness masarap talaga, swerte ni Gavin." ani nito at tumawa pa. Aba dapat lang swerte talaga siya sa'kin.

I smile in my mind. "Swerte talaga siya matitikman niya ako---," bigla namang naputol sasabihin ko nang itulak ako ni Jade kasi magkatabi lang kami. Napatingin naman silang lahat sa'kin at halos patayin na ako sa titig. Chill parang teenagers naman 'tong mga 'to.

Pinandilatan niya naman ako ng mata. "Matitikman niya ako magluto kasi parang ewan, eh." pagtutuloy ko ng sentence ko then i laugh at them. Halatang ang papangit ng mga nasa isip.

"Mas swerte ako kay Trix, napakaganda oh bagay na bagay sa'kin." bigla namang naki sali si Peter. I cringed in my mind panget bumanat mahina.

Halos lahat kami nakatingin kay Peter at na cringe sa sinabi niya. Ba't pag lalaki bumabanat ang corny? Seminar ko na nga muna.

Tumayo si Jade. "Peter maupo ka lang at ise-seminar ka namin bumanat," expected ko na sasabihin 'yon si Jade. Iisang utak lang yata meron kami.

Napakamot naman sa ulo si Zeus. Kung may matino sa aming lahat si Zeus lang 'yon pero pag lasing wala na ayoko na lang mag talk...

Tumayo din si Holly at lumapit sa tabi ni Jade. "Maupo ka din Zeus baka kaya 'di ka bet kasi mahina ka din bumanat." halos mamatay naman kasi sa kakatawa ni Trix dito sa gilid. Kawawa naman 'tong mga 'to. Si Peter naman halos humingi na ng tulong kay Trix pero si Trix unbothered bitch.

Nagbulungan naman si Peter at si Zeus. "Maupo ka muna Holly ise-seminar kita kung paano 'di maging marupok." napatingin naman ako kay Peter. Kasi kampi sila ni Zeus pero bakit sa kanya tumama 'yung sinabi ni Zeus.

Umakto pa ito na kunware umilag siya doon sa sinabi ni Zeus.

"Bro, diba nga kampi tayo ba't pati ako inaano mo." si Peter. Napatawa naman kami.

"Umilag naman kami okay na 'yan." ani naman ni Trix. Isa pa siya. At syempre ako din.

Nag-gawa kami ng circle at maglalaro kami ng sariling version na laro para lang bago nakakasawa na kasi truth or dare.

Me-Jade-Peter-Trix-Zeus-Holly. Isipin niyo na lang na paikot 'yan. Pero ayan 'yung arrangement namin.

Nagsimula nang mag explain si Trix. "Kung sino matapatan nung bote 'yung patusok siya ang tatanungin ng 'sinetch itey' at kailangan niyang masagot 'yon, magtatanong naman ng sinetch itey need 'yung question na tatanungin niya is magiging sagot no'n pangalan nung natapatan nung matulis na part ng bote. Mag rereflect lang 'yung question doon sa pinagtungan." tumango naman kami kay Trix. Para din pala may thril kada ikaw matatapatan ng bote then tama 'yung question for you double 'yung shot na iinumin mo. Nag suggest naman ng the bar gin si Jade.

Lahat kami na e-excite sa mangayayari kasi for sure bawian lang 'tong mga 'to. Trix already spin the bottle and charan it's Jade and Holly. Jade is the one na tatanungin.

Umayos ng upo si Holly and she smirked at Jade. "Sinetch itey 'di maka move on sa ex niyang juts na babaero?." omg ungkatan ng past. We all laughed. This is natural to us. Tsaka magsasabi naman isa sa amin if may na offend.

Jade sighed she lose. "Si Jade." ani nito at shumot na ng dalawang beses. Tangina ng tanggero lalasingin yata kami agad ang taas ampota nalula namin kami.

We spin the bottle again and it's me and Zeus. Ako 'yung natapatan ng patulis na part so goodluck.

"Sinetch itey sinadya yatang Gemini 'yung name niya na bagay sa zodiac sign niya na Gemini na ayaw ng madaming tao kasi masama talaga ugali?," napapikit naman ako ng mariin. Mamaya ka sa'kin Zeus. Guilty ako kasi totoo. They laughed at me. Shumot na ako at putangina talaga ng tanggero antaas.

"Gago ka Zeus isang bagsakan agad 'di manlang ineasyahan muna." natatawang ani ni Holly. Happy pa kayo yare kayo sa'kin.

On the third spin si Holly at Peter impossible na easyahan lang ni Peter si Holly.

'Yung itsure ni Peter parang sisirain yata buhay ni Holly. Goodluck Holly pag pre-pray ka na lang namin.

Peter laughed first. "Sinetch itey matalino sa acads pero bobo sa lovelife?," we laughed hard while Holly is smiling halatang gustong bawian si Peter. Well that's true naman kasi. Nasa kanya na lahat utak lang pagdating sa lovelife wala.

She drank two shots of the bar gin.

She closed her mouth nagpipigil ng inis beh. "Next spin niyo na Peter naman sana." pumikit pa si Holly na kunware pinagdadasal si Peter na matapatan.

Hindi na namin mabilang ilang spin na nangyari pero si Peter na ngayon it's his first timr na natapatan and guess what it is Holly.

Ngumiti naman ng pandemonyo si Holly tagal niya 'tong inintay beh. "Sinetch itey nagka crush kay Trix nung elementary then nung nag high school nilandi 'yung grade 10 para pagselosin si Trix pero ang ending girlfriend pala ni Trix 'yung ginamit niyang babae para pag selosin si Trix." she said the smirk at Peter. Ayan yare ka. It's funny kaya basta pinaka maharot award goes to Trix lahat yata naka m.u niyan.

Si Peter naman parang nagsisisi na sa buhay niya. Ewan ko feel ko tipsy na ako tas sila Trix as usual lasing na...








Once Upon An UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon