Confrontation at the Lounge

7 0 0
                                    

WORRIED na nakatingin si Julian kay Michelle habang marahan nitong tinitikman ang inorder niyang Espresso martini. Nasa executive lounge sila ng hotel kung saan hinihintay nilang dumating si Daniel na si Michelle mismo ang nag-initiate ng rendezvous.

"Michelle, punta tayo sa buffet table. Wala pa naman si Daniel, eh. Let's get some bagels or pastries to eat to pair up with your drink." Yaya ni Julian dito.

"Ikaw na lang, Julian. Wala akong appetite. Okay na ako dito." Binigyan lang ni Michelle ng perfunctory glance ang kapatid bago tinuloy ang pag-sip sa drink niya.

Huminga muna ng malalim si Julian bago muling nagsalita. "Paprangkahin na kita, Michelle, ha? I don't think this is a good idea. Masyado pang heightened ang emotions mo. I'm worried baka kung ano ang magawa once you see Daniel approaching our table."

Inismiran ni Michelle ang kapatid. "Anong palagay mo sa 'kin? Warfreak? I'll practice maximum tolerance when he gets here, Julian. Don't worry."

Napailing na lang si Julian habang hinihigop ang sariling order niya ng cappuccino.

Tumabi ng upo ang isa pa nilang kasama, si Dexter na executive producer ni Michelle sa show niyang The Filipina Today. Punung-puno ang plate nito ng pastries, waffle with maple syrup, bran bread loaf na may naka-smear na jam, croissant na may ka-partner na Elle & Vire butter at clotted cream. Halatang tine-take advantage nito ang current Continental breakfast buffet sa executive lounge.

Inis na tiningnan ito ni Michelle saka binalingan si Julian. "Bakit kasi sinama mo pa itong si Dexter sa meet-up natin kay Daniel? Sabi ko tayong dalawa lang, 'di ba?"

"Mabuti na 'yong may safety net ako. Baka mamaya hindi kita makontrol pag ako lang mag-isa." Sagot naman ni Julian.

"Ginawa mo pa akong dahilan. Ayaw mo na lang aminin na gumawa ka talaga ng paraan para malapitan mong matitigan si Dexter."

Nabuga tuloy ni Julian ang iniinom na cappuccino sa sinabi ni Michelle.

Nakangiti namang tiningan ni Dexter si Julian. "Crush mo 'ko?" Tanong nito kahit puno ang bibig ng kinakain na pastries.

"Huwag kang maniwala sa boss mo. Hindi matinong mag-isip 'yan ngayon kasi brokenhearted." Pag-deny naman ni Julian habang pinupunasan ang bibig ng table napkin.

"Shit." Narinig ni Julian na almost breathless na sambit ni Michelle habang nakatingin sa gawi harap ng table na ino-occupy nila.

Kaya pala, lumalakad na si Daniel palapit sa kanila. Mas mukhang bumata sa casual get up nitong Gap sweatshirt, Levi's denim at Nike Air Force shoes. May suot pang eyeglasses si Daniel pero nagmukha pa itong mas bata sa edad nitong singkuwenta anyos.

Sobrang nagitla si Julian sa get-up ni Daniel dahil mas sanay siya na mga expensive suits ang suot nito pag nakikita niya. Hindi tuloy niya napansin na nakatayo na pala si Michelle at lumalakad na pasalubong kay Daniel. Too late na nang mapansin siya ni Julian dahil the moment na makalapit si Michelle dito ay malakas niyang binigyan ng sampal si Daniel. Sa lakas ng sampal ay na-dislodge ang suot na eyeglasses ng lalaki at nag-clutter na bumagsak sa sahig ng lounge.

Kaagad namang tumayo si Julian para hawakan si Michelle palayo kay Daniel. Tumulong naman sa kanya si Dexter na may kagat-kagat pang Danish pastry sa bibig. "Michelle, how could you?" Disappointed na sita ni Julian sa kapatid habang hawak ito sa braso.

"Sorry. I can't help it. After the fuckery he did to me last night, mabe-blame mo ba ako kung gusto ko siyang saktan the moment I see him?" Dinipensahan agad ni Michelle ang ginawa niya.

"Ayos ka lang ba, Sir Daniel?" Puno ng pagkain sa bibig na tanong ni Dexter matapos pirasuhin sa bibig ang kagat-kagat niyang pastry kanina.

"Aside sa nagkaroon ng konting scratch ang Oliver Peoples glasses ko, I'm perfectly okay, Dexter. Thank you sa concern." Sagot ni Daniel matapos pulutin ang expensive eyewear sa sahig na nahulog nang sampalin siya ni Michelle.

My Darling VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon