Lucky Charm

5 0 0
                                    

AMUSED na pinapanuod ni Vanessa si Daniel na nakikipag-usap sa cellphone sa bedroom na natatanaw niya mula sa nakabukas na pintuan ng bathroom. Naka-submerge siya ngayon sa bubble bath na nilagyan pa ng mga bloody red colored rose petals.

"Gordon, can we not talk about her kahit this day lang? It's still my birthday, remember? Besides, I met up with her earlier and to be honest, I don't have any energy left to discuss about her after our comfrontation this morning. Yes, I'll spill you the details but not today, okay? Kamusta 'yung pinaplano n'yong launch para sa streaming site natin? Already have a specific date?" Kahit mukhang seryoso si Daniel sa phone call nito, hindi pa rin maiwasan i-admire siya ni Vanessa. Sa suot nitong cotton T-shirt, boxer shorts, flipflops at Patek Philippe watch ay simple pero napaka-elegante pa ring tingnan ni Daniel. Lutang na lutang din ang boyish charm nito. Hindi tuloy napigilan ni Vanessa ang mapa-'sigh' habang nakatingin sa kanyang soon husband-to-be. Naglakad palayo sa pintuan si Daniel at hindi na ni Vanessa ang kabuuan ng conversation nito sa phone.

Uminom muna ng chilled brut rose champagne sa champagne glass na nakapatong sa rim ng bath tub bago siya nag-lean back at ipinikit ang mga mata habang sina-savor ang notes ng red berries and rose bibig niya. Relax na relax ang pakiramdam niya ngayon at feeling niya ay nae-exfoliant ang skin niya dahil ang bubble bath niyang gamit ay may kasamang lavender essential oil, aloe vera at sea salt.

Kailangan niyang mag-relax dahil base sa na-eavesdrop niyang phone conversation ni Daniel, mapapadalas nilang maririnig ang pangalan ni Michelle at inevitably ay makakasama ito constantly sa mga tête-à-tête nila ni Daniel with either friends, acquaintances or members of the press dahil sa simpleng association nito kay Daniel. Aside from the fact na may love child din ito kay Michelle. At duon naa-upset si Vanessa. Imbes tuloy na maging whole-hearted ang happiness niya na finally ay ikakasal na sila ni Daniel ay na-o-overshadow ito ng mga rant antics ng ex-partner ng fiancé niya. Ang unfair tuloy sa tingin niya. Kung may idea lang sila kung gaano ka-toxic as a partner si Michelle at matagal din iyong tiniis ni Daniel.

Idinilat lang ni Vanessa ang mga mata niya nang maramdamang nag-join na si Daniel sa kanya sa bubble bath. Umupo si Daniel sa opposite end ng bath tub kaya magka-face to face ang dalawa.

Umusog si Vanessa palapit kay Daniel para ma-stroke niya ang well-trimmed yet curly hair nito. "Ano ba 'yung call mo na 'yun? You seem flushed."

"Si Gordon 'yun. Social media manager ng Alliance network. He just gave me a brief rundown sa mga plano nila for the network's streaming site launch. Hindi pa niya kasi ako mabigyan ng concrete date kung kelan talaga ang launch." Halata ang frustration sa boses ni Daniel.

"Pero 'yun ba talaga ang reason kung bakit mukhang kang upset?" Tanong ni Vanessa na hindi pa rin tumitigil sa pag-ruffle ng hair ng fiancé.

"You probably heard." Ngumiti ng mapakla si Daniel. "This viral news about my personal life is already starting to bug me. Why don't they just leave me alone? I mean, marami namang mas noteworthy news out there instead na mag-focus sila sa lovelife ko."

Natawa si Vanessa sa narinig niyang pagsisintimiyento nito. "That's part and parcel of being a high profile person, Daniel. You should know that! Not to mention na ang hilig mong makipag-relationship sa mga equally high profile celebrities."

"Hindi ko naman sinadya 'yon. It all just happened." Depensa naman ni Daniel. Kinuha ni Daniel ang kamay ni Vanessa kanina pa nilalaro ang buhok niya at hinalikan ito. "I miss my privacy."

"Privacy is a luxury to our kind, Daniel." Sabi ni Vanessa sabay talsik sa mukha ni Daniel ng bubbles. Natatawang umiwas naman si Daniel.

"Hanggang kelan ba tayo naka-check in dito sa Marriott?" Biglang naisip na itanong ni Vanessa.

"Up until twelve thirty PM tomorrow." Maagap na sagot naman ni Daniel. "Why?"

"Is it still early? Anong oras na ba, Babe?"

Tiningnan naman ni Daniel ang oras sa waterproof niyang Patek Philippe. "It's only passed six o'clock. Why all these questions? What are you up to, Vanessa?"

"I'm just thinking if we could visit the casino downstairs." Sagot naman ni Vanessa habang playfully niyang idinidikit ang index finger sa lips ni Daniel. "Hindi pa ako nakapag-try maglaro nung mga table games like black jack and baccarat. I recently watch 'yung Ocean's Trilogy movies and it seems fun."

"They only make it fun at the movies. Pero it's actually quite stressful, especially if you're on a losing streak." Admonish naman dito ni Daniel.

"We're not going to bet all our earnings, Daniel. We'll just do it for fun. Besides, it's still your birthday. You deserve to have fun." Nag-dole eyes pa si Vanessa para makumbinsi si Daniel.

"You're such a pest, you know that?" Sabi ni Daniel habang hinahawakan ang magkabilang cheeks ni Vanessa saka ito hinalikan sa labi. "Fine, we'll play. But only for thirty minutes. An hour tops. And then let's go to Bar 360 after. I saw sa roster, Urbandub will be playing tonight."

Ang totoo niyan, ang real reason kung bakit pursigido si Vanessa na yayain si Daniel na maglaro sila sa casino ng Resorts World Manila ay para magkaroon siya ng excuse na masuot ang Valentino ensemble na recently niyang binili: isang crochet flower embroidered linen sweater na kulay chocolate brown, midi skirt na may macramé flower embroidery na cotton soutache ang fabric, rockstud metal earrings, roman stud na calfskin ballet shoes at roman stud metal bracelet. Napa-whistle pa si Daniel nang makita ang feminine yet classy look ni Vanessa nang suot na niya ang ensemble. Dapat lang na ma-impress si Daniel sa look niya dahil ang buong outfit niyang suot ay mahigit one million pesos ang converted price. Naka-sling ang kamay ni Vanessa kay Daniel na nakasuot naman ng eleganteng Armani suit nang pumunta sila sa casino ay hindi iilan sa mga guests ang napalingon sa direksyon nila. Natuwa si Vanessa sa little commotion na ginawa nila sa loob ng casino. Hindi naman kasi maidi-deny na sila ni Daniel ay maituturing na handsome pair.

On a winning streak din sila ng gabing 'yon sa mga nilaro nilang baccarat at black jack table game. Kahit sa mga slot machines na napili nilang laruin ay puro panalo ang bets nila. Sa isang instance na nanalo ang bet nila sa black jack ay hindi napigilang biglang halikan ni Daniel si Vanessa, nag-spill tuloy ang mimosa na hawak ng fiancée niya.

"You are indeed my lucky charm." Nakangiting sabi pa ni Daniel matapos niyang halikan si Vanessa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Darling VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon