Eye-ball

4 0 0
                                    

NAGKATAON ding nasa ground floor ng Newport Mall si Dexter para makipag-eyeball sa isang girl na naka-chat nito sa Tinder app. Medyo nag-alangan pa sa sarili si Dexter nang finally makita niyang lumalapit na sa kanya ang ka-eyeball na si Louise. Mas matangkad kasi sa kanya ito ng ilang inches at hindi niya masiguro kung menor de edad pa ito o hindi na.

"Hi." Kumaway pa si Louise nang makalapit kay Dexter.

"You're taller than I thought." Hindi mapigilang banggitin ni Dexter habang binibistahan ang height ng babae.

"Sorry. Kasalanan ng genes ng father ko. Basketball player kasi siya before. Hindi nga lang siya naging well-known."

"Bakit siya tumigil? Nag-change ng career?"

"Naaksidente siya while playing. Advise sa kanya ng doctor na umiwas sa mga strenuous activities. Kaya, he's now a mechanic sa isang Rapide branch sa Pasig. Sa Kapitolyo, malapit lang sa house."

"Okay." Walang mahagilap na matinong sagot si Dexter. Hindi kasi siya sanay mag-respond pag nakakarinig ng mga sappy, sad stories. "Gusto mong mag-coffee?" Suhestiyon niya para malihis mula sa depressing na topic.

"Puwede du'n sa may rice meals na? Kanina pa kasi ako gutom, eh. May McDo naman dito, 'di ba?" Tanong ni Louise habang nagsisimula na silang maglakad.

"Oo. Du'n sa fourth floor." Hindi alam ni Dexter kung successful niyang na-masked ang disappointment niyang pilit rumerehistro sa mukha niya. "Ayaw mo talaga ng coffee? May Starbucks dito saka UCC Cafe." Steak actually ang kine-crave kainin ngayon ni Dexter pero tinatantiya pa niya ang ka-date niya.

"Nag-coffee na 'ko kanina sa bahay, 'yung instant. May brewed coffee naman sa McDo."

"Oo nga naman." Walang energy na agree naman ni Dexter. Napasubo yata siya sa ka-eyeball niya. Maganda naman ito at sexy pero kung personalidad din lang hindi niya masasabi na ka-match niya itong si Louise.

"Dexter, 'di ba you told me na hahanap ka ng way para maging guest ako sa show n'yo ni Michelle Ortega? Tuparin mo 'yung promise mo, ha? Baka du'n ako ma-discover. Don't worry, ikaw naman ang gagawin kong manager kasi my success is your success na rin, 'di ba?"

Pinilit ni Dexter na hindi ngumit ng mapakla. "Depende. Ano bang talent ang puwede mong ipakita para ma-pitch ko sa boss ko?"

"Marunong akong mag-sing and dance." Parang alanganin pang i-share ito ni Louise.

"Okay." Halatang sa boses ni Dexter na hindi ito impressed.

Napansin iyon ni Louise kaya dinugtong agad nito. "Kaya ko ring isabay iyon habang nagtatanggal ng damit."

Nag-brightened agad ang mga mata ni Dexter. Nakuha na finally ni Louise ang attention niya. "Really? Parang striptease while singing and dancing?"

"Parang ganu'n." Nahihiyang tumango pa si Louise pero alam niyang may renewed interest na sa kanya si Dexter.

"Ilang taon ka na ulit?"

"Nineteen." Maagap na sagot ni Louise.

"Graduate ka na, I assume?"

"Hindi pa. Pero fourth year student na ako ng Tourism sa University Of Saint Therese."

"Excellent." Hindi na maitago ni Dexter ang excitement sa mga mata niya. Hindi naman pala magiging boring itong meet-up niya kay Louise after all. "Louise, okay lang ba if I see your talent in private? I'm currently checked-in at The Marriott. If I find it appetizing, I mean, appealing, baka ganahan akong i-convince si Michelle na i-feature ka sa show namin."

"Oo naman." Payag agad si Louise. "Pero pagkatapos nating mag-McDo."

"Right." Medyo na-tone down ang excitement ni Dexter. "This way."

Napadaan sila sa tapat ng Art Of Scent at nagkataon nasa loob na ng perfume shop sina Daniel at Vanessa. Hindi sinasadyang nahagip sila ng tingin ni Daniel ng mapadaan sila.

Tumigil sa paglalakad si Dexter at kinuha ang phone sa bulsa ng pants niya. "Sandali lang, Louise." Mabilis niyang kinuhanan ng pictures sina Daniel at Vanessa sa loob ng perfume shop.

"Sino ba 'yun?" Curious na ring napatingin sa loob ng Art Of Scent si Louise.

"Ha? Wala. Kinuhanan ko lang 'yung facade ng perfume shop. I have a staff kasi na naghahanap kung saan siya pwede bumili ng Issey Miyake perfume habang nandito pa kami sa Resorts World. 'Lika na! 'Di ba, sabi mo gutom ka na?" Nag-white lie na si Dexter. Ayaw niya kasing mapansin siya ng dalawa. Lalo na ni Daniel. Baka ma-accuse siya na nag-e-espiya para kay Michelle.

"Wait! Si Vanessa dela Rosa 'yun, 'di ba?"

Yari na. Nakilala na ito ni Louise. Pero pangangatawanan na ni Dexter ang pagpapanggap. Over his dead body muna bago siya mapansin nina Vanessa at Daniel. "Hindi siya 'yan. Kamukha lang. Let's go para mapag-usapan nating maigi kung paano kita mape-present kay Michelle."

Halatang disappointed na nagpahila si Louise kay Dexter. "Part ka na kasi ng showbiz industry kaya hindi ka na mahilig sa artista. Sayang! Paborito ko pa naman si Vanessa. Sana nakapag-selfie man lang ako sa kanya."

Gusto sanang aminin ni Dexter kay Louise na kahit siya gusto rin niyang magpa-picture kay Vanessa at paborito din niya ito. Pero kumplikado ngayon ang sitwasyon dahil boss niya si Michelle at karelasyon ngayon ni Vanessa ang ex ng boss niya na si Daniel. Kung wala siguro si Daniel ay baka napagbigyan niya ang gusto ni Louise at baka siya ay sumali rin sa selfie. Pero sabi nga, you have to set your priorities straight.

"Don't worry, Louise. Soon, magiging katulad ka rin ng mga 'yan. At 'yun ang pag-uusapan natin to make it happen." Pakunsuwelo ni Dexter sabay lapit kay Louise at pisil sa plump buttocks nito.

My Darling VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon