Prologue: A Whirlwind Romance

13 0 0
                                    

MARAMING tao in attendance sa Diplomatic Hall ng Manila Marriott Hotel sa Pasay. Isa itong black tie event para i-celebrate ang fiftieth birthday ng multi-media mogul na si Daniel Santillan. Ang live-in partner niyang si Michelle Ortega ang punong abala sa okasyon. Binusisi niya talaga ang bawat detalye ng celebration na ito para masiguro niyang matutuwa si Daniel. Personal niyang dinisenyo ang invitational cards na ipinamigay sa mga guests. Siya din ang nag-oversee food at catering service, sa mga performances na gaganapin sa stage, kasama na duon ang full-size orchestra na nagse-serenade ngayon sa mga guests. Pati ang The Great Gatsby motif ng party ay pinag-isipan ni Michelle dahil paborito ni Daniel ang librong ito ni F. Scott Fitzgerald pati na rin ang movie adaptation na ginawa ni Baz Lhurmann. Kaya naman very dominate ang kulay gold, black at metallic colors ngayon sa bulwagan. No wonder kailangang mag-take ng leave of absence si Michelle sa kanyang women's magazine show na The Filipina Today sa Alliance Network na si Daniel din ang tumatayong chairman.

Ang five-year old child nina Daniel at Michelle na si Owen ay tuwang-tuwang pinapanuod ang isang bartender na nagsasalin ng vintage champagne sa mga glasses na nakakorteng pyramid. Very cute at charming ito sa suot na tuxedo na may kasama pang bowtie at suspenders. Sa sobrang tuwa ni Owen ay pilit na ngayong inaabot nito ang isa sa mga champagne glasses. Mabuti na lang, maagap ang tito nitong si Julian na nakababatang kapatid ni Michelle. Nailayo nito si Owen bago pa nito potentially sirain at paguhuin ang champagne glass pyramid.

"Hindi pa 'yan puwede sa 'yo, Owen. It's not for kids." Saway ni Julian sa bata habang kinakalong ito palayo sa bartender at sa champagne pyramid.

"Hindi na naman ako kid!" Puno ng defiance na sabi naman ni Owen sa tito niya.

"Okay. Pero hindi pa rin 'yun puwede sa 'yo. 'Pag naging older ka pa ng konti. O, 'andito na pala 'yung cousin mong sina Vincent at Judy. You play with them first." Maagap na sabi ni Julian nang makita ang mga batang cousins ni Owen.

"Play with them using knives and forks, Tito Julian?" Inosenteng tanong ni Owen nang makita ang cutlery sa mesa inookupahan ng mga pinsan.

"S'yempre hindi 'yan. You'll get hurt." Maagap na kinuha ni Julian ang mga sharp cutlery sa mesa saka binulungan si Vincent na much older kay Owen ng kaunti. "Keep him busy muna, Vincent. Let him play with your phone. Nothing violent, ha? 'Yung mga Minecraft and Angry Birds lang."

"Pero violent games din 'yun, Kuya Julian." Napakamot sa ulong sagot naman ni Vincent.

"You know what I mean, okay, Vincent?" Hinawakan pa ni Julian ito sa ulo for emphasis. "Iwan ko muna kayo and I have some errands to do."

Nakita naman ni Julian si Michelle na nakatanaw sa glass window ng hall. Halatang hinihintay nito ang celebrant na obviously ay hindi pa rin dumarating.

Nakatiyempo naman ng dumaraan na waiter si Julian. Kumuha ito ng glass ng Bourbon old fashioned sa tray nitong hawak at in exchange du'n niya nilagay ang mga cutlery na kinuha sa mesa nina Vincent. Kunot-noong napatingin ang waiter kay Julian. Pero hindi na niya ito napansin dahil tuloy-tuloy na niyang nilakad ang puwesto ni Michelle sa glass window.

"Wala pa rin si Dan?" Tanong ni Julian. Stupid yung question dahil hindi naman maghihintay ng ganito ang kapatid niya kung dumating na ang celebrant pero 'yun lang ang una niyang naisip itanong nang lapitan si Michelle.

"Wala pa." Sagot naman ni Michelle nang hindi nililingon si Julian. Maganda ang suot niyang art deco sequined flapper dress with matching headband, necklace at gloves. Pero parang sayang naman ito naging paghahanda niya kung hindi naman ito makikita ni Daniel.

"Sinubukan mo na bang tawagan number niya?" Again, stupid 'yung question dahil palagay ni Julian ay nagawa na iyon ni Michelle.

"Of course!" Napatingin na sa kanya si Michelle ng sumagot. Basa na ang mga mata nito ng luha. "I tried calling all his contacts pati na rin Viber niya pero hindi niya sinasagot! Shit! Nag-promise siya sa akin na a-attend siya tonight. How would he expect me to explain to all these guests in this room na siyang mismong celebrant ay hindi makakarating sa mismong party niya!"

My Darling VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon