At the Perfume Shop

3 0 0
                                    

NAPATINGIN sa entrance ng perfume shop si Daniel habang may kinakausap ito sa phone. May sensation kasi siya na may passerby na tumitingin sa kanya pero sakto namang paglingon niya ay nakalagpas nang naglalakad si Dexter kasama si Louise.

After ng kanyang phone call, lumapit agad sa kanya si Vanessa, abot sa magkabilang tainga ang ngiti habang binibigay sa kanya ang binili nitong perfume na nakalagay sa fancy mini-paper bag. "I also bought you your own Roja Danger parfum. Para match tayo. Pour homme. Pour femme." Ecstatic pang sabi nito sabay taas ng sarili niyang paper bag ng Roja perfume.

"Bili mo ba talaga sa 'kin 'to or courtesy of my AMEX Centurion Card?" Tanong ni Daniel kay Vanessa na nakataas ang dalawang kilay niya.

"But still, ako pa rin ang pumili ng pabango na 'yan para sa 'yo." Nakangiting pa rin sabi ni Vanessa habang binibigay ang AMEX card ni Daniel na ginamit niyang pambili ng mga mamahaling pabango.

"Would I even like this? Dapat kinunsulta mo muna ako. Alam mo naman I'm only sticking to Dolce & Gabbana Light Blue and Calvin Klein Intesity." Doubtful ang tono ni Daniel habang sinusuri ang sleek box ng pabango.

"I like the smell. It's musky and sensual. And I want to smell it on you tonight later when we go back at my suite." Tumitig pa si Vanessa sa mga mata ni Daniel para i-convey dito ang sensuality na nakatago sa sinabi niya.

Naapektuhan naman si Daniel sa flirtatious glare ni Vanessa. Naubo ito bigla. "Balik na tayo sa Marriott. They're still holding our seats for us at Man Ho."

"Wow! Buti hindi pa nila kina-cancel reservations natin."

"Tinawagan ko kasi. Sabi ko we'll be slightly late. They're only giving us a fifteen minutes extension. After that they'll give up our seats to someone else. Kaya we better hurry up."

Sakto naman na paglabas nina Daniel at Vanessa sa perfume shop ay nakasalubong nila sina Ivan at Jade. Nagkabanggaan tuloy ng balikat sina Vanessa at Jade. Resulta tuloy ay na-dislodge sa pagkakasabit ng strap sa shoulder ni Vanessa at bumagsak ito sa sahig.

"I'm sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Apologize agad ni Jade habang pinupulot ang nahulog na bag ni Vanessa.

"It's okay. I also wasn't paying attention to where I'm going." Sagot naman ni Vanessa na tumungo rin para kunin ang bag niyang hawak na ni Jade.

Nuon lang napatingin maigi si Jade sa mukha ni Vanessa at agad rumehistro sa mukha niya ang shock nang ma-recognize niya kung sino ang babae na nakabungguan niya. "Vanessa dela Rosa? Ikaw ba talaga 'yan?"

Ipinakita naman ni Vanessa ang kanyang winning smile. Priceless pa rin sa kanya ang nakikitang reaction ng mga tao kapag nakikilala siya. "Yes."

"Napanuod ko lahat ng mga movies mo!" Hindi na naitago ni Jade ang excitement. Napahawak pa ito sa kamay ni Vanessa.

"Thank you." Sincere naman sabi ni Vanessa dito sabay baling sa katabi niyang si Daniel na halatang hindi na makahintay na makapunta na sa kanilang restaurant reservation. "Kasama ko pala si Daniel, my fiancé."

" Fiancé?" Tinitigan ni Jade si Daniel. "Kilala kita! Ikaw 'yung may-ari ng Alliance Network, 'di ba? Pero akala ko kayo nung TV host na si Michelle Ortega?"

Umiwas ng tingin si Daniel. Mariing nakatikom ang bibig para ipahalatang ayaw nitong makipag-interact.

"They're not together anymore." Maiksing sagot ni Vanessa nang mapansin niyang ini-ignore ni Daniel ang inquiries ni Jade. "Ano nga palang name mo?" Paglilihis niyang tanong para mailayo ang attention ng kausap kay Daniel.

"I'm Jade. Kasama ko naman ang boyfriend ko. Si Ivan."

Saglit na in-appraise ni Vanessa ang lalaking kasama ni Jade na sinadyang pumirmi lang sa side at ayaw din siyang mapansin. Agad namang na-impress si Vanessa sa malakas na appeal ni Ivan kahit naka-slim fit long sleeved shirt na kulay dark grey, faded denims at Nike shoes.

"He's good looking. Bagay kayo kasi maganda ka naman."

Kinikilig na nag-giggle si Jade. Halatang-halata ang pagfa-fangirling.

Lumapit na si Daniel kay Vanessa at pasimpleng bumulong sa tainga nito. "Vanessa, our reservation. Baka ma-miss na natin."

Apologetic na bumaling si Vanessa kay Jade. "I'm sorry. Gusto ko sana i-prolong 'tong chitchat natin pero male-late na kami sa reservations namin."

"Hindi. Okay lang. Ako pa nga itong nakaabala sa 'yo."

"Anyway, nice meeting you." Nag-beso pa si Vanessa kay Jade bago sinabayan ng lakad si Daniel pabalik sa Marriott.

"Masyado kang fangirling, ha?" Nakangiting tukso ni Ivan kay Jade nang mesmerized pa nitong sinundan ng tingin ang lumalakad na palayo na si Vanessa.

Nag-pout agad si Jade nang bumaling kay Ivan. "Kung makabiro naman 'to. Kilala mo ba 'yun? Sikat na artista 'yon."

"Syemp're, kilala ko 'yang si Vanessa dela Rosa. Hindi lang kasi talaga ako mahilig sa local showbiz."

"Pihikan ka kasi masyado." Lumapit na si Jade kay Ivan at kumawit sa braso nito. "Pero manuod tayo ng movie niya, ha? May bago siya na malapit nang ipalabas. Blind Love ang title. Thriller-romance 'yung story."

"O, sige. Pero kain muna tayo, Love. Kanina pa tayo nag-iikot dito sa Newport."

My Darling VanessaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon